Sa loob ng isang buwan naging mas malala ang sakit ko. I even vomit a blood for a couple of times and it scares me to death. Hindi naman ako iniwan ni Aiden, inaalagaan niya talaga ako. Masasabi kong mahal niya talaga ako sa paraan pa lamang na ipinapakita niya sa akin. Sinabihan ko nga siya na umuwi muna sa Pilipinas kasi baka kung ano ng nangyari sa kompanya nila sabi niya na lang huwag ko na daw isipin pa iyon kasi kaya na daw iyon ng mga empleyado niya and besides andun naman daw ang kapatid niya so wala naman daw dapat ikabahala. Ngumiti na lamang ako sa kanya.
"Sweetie, come on. May chemo ka ngayon diba. I know we'll get through this. I'm just here at your side. Please kayanin mo for me. I love you." sabi ni Aiden habang pinipisil niya ang kamay ko.
"O-oo kakayanin ko sweetie. Kahit hirap na hirap na ako sa sakit ko titiisin kong magpagamot para sayo. Pero aid, pag hindi ko na talaga kaya please itigil na natin ang chemo." sabi ko habang nagsisimulang magpatakan ang aking luha.
Sa totoo lang sobrang sakit ng chemo. Para kang unti-unting pinapatay ng sakit mo. I already know na tinaningan na ako ng doctor ko at ilang buwan na lamang ang ilalagi ko sa mundong ibabaw. Kahit na hindi sabihin ni Aiden alam ko nasasaktan siya sa tuwing nakikita akong hinang-hina. Noon akala ko madadaan pa sa gamot kasi Stage 1 pa lamang pero kasi habang tumatagal lumalala talaga ito at eto na nga humantong na sa huling stage ang sakit ko. Lagi kong dinarasal sa Diyos na sana bigyan niya pa ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay at itama lahat ng pagkakamali ko. Alam ko hindi naman siya maramot at kung ibibigay niya, ibibigay niya iyon.
Nakaratay na lang din ako dito sa loob ng ospital kasi ayaw ng doctor ko na hindi ako mabantayan. Naaawa na rin ako kay Aiden kasi lagi siyang puyat kakabantay sa akin. Maswerte ako kasi nakilala ko siya at siya lang ang lalaking minahal ko ng sobra sobra. Titiisin ko lahat kasi ayoko siyang maiwan ayoko pang mamatay.
"Sweetie, ano na bang itsura ko? Maganda pa rin ba ako sa paningin mo? Huwag mo akong iiwan ha kahit na anuman ang maging itsura ko. Please stay with me until the end. I know may hangganan din itong paghihirap ko pero sana kung sakali man na mamatay ako, huwag na huwag mo akong kakalimutan ha." sabi ko habang hirap na hirap magsalita.
"Shhh, please don't say that sweetie. Diba sabi mo sakin kakayanin mo? Magpapakasal pa tayo ulit diba tapos magkakaroon pa tayo ng maraming babies. Huwag mo akong iwan sweetie kasi baka hindi ko kayanin at sumunod na lang ako sayo bigla. Kaya kong itapon lahat basta makasama lang kita. Please lumaban ka sweetie. Fight for me, for us." sabi niya habang inaalo ako.
Pinatulog niya na lamang ulit ako dahil alam niyang pagod ako sa chemo na ginawa sakin kanina. Sana nga mabuhay pa ako. Kasi unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa. Anytime pwede na niya akong kunin. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko at siyempre si Aiden.
Nagising ako sa sigaw na nanggagaling sa labas. Pinilit kong tumayo pero hindi ko na talaga kaya pa. Para na akong lantang gulay ni kumain nga hirap na rin ako. Kahit lumabas man lang sa ospital na ito hindi ko na pwedeng gawin.
"Doc, what are you saying? Hindi ba sabi mo sa amin noon five months na lang ang taning niya bakit biglang nagbago ngayon?" si Aiden kausap ang doctor.
"Sorry pero base dito sa test niya ngayon mas lalong lumala ito kesa noong huli niyang mga tests." sabi ng doctor.
"No, fuck! Diba sabi mo gagaling siya. Bakit ganon? Parang hindi mo naman kaya ang sinabi mo sa kanya noon. Anong klaseng doctor ka! Gamutin mo siya sa abot ng makakaya mo. Ayokong mawala sa akin ang babaeng mahal na mahal ko. Kaya doc please save her." pagmamakaawa ni Aiden.
"I'll do everything pero once na katawan na niya ang sumuko wala na akong magagawa pa doon. Just accept the fact that wala na tayong magagawa pa." wika ng doctor sabay tapik sa braso ni Aiden.
Naiyak na lamang ako sa mga narinig ko. Nakakataba ng puso isipin na kahit na wala ng pag-asa still pinipilit ni Aiden na lumaban ako. Pumasok na siya sa loob ng room at binati ako.
"Hey sweetie, you okay? Sabihin mo lang kung may masakit sayo ha. Gusto mo bang kumain?" tanong niya sa akin.
"O-okay lang ako aid. Thank you for being here with me. Without you're help hindi ko to kakayanin ng mag isa. Thank you so much sweetie, I love you. Promise lalalaban ako." sabi ko sa kanya.
He just hugged me and kiss my temple. Kung sana wala akong sakit siguro kasal na kami ni Aiden at baka buntis na ako ngayon pero wala eh mahirap talaga pag nasa kapalaran mong mangyari ito.
"Don't worry sweetie, to infinity and beyond nga diba. Kaya walang iwanan ha." he said while caressing my cheeks.
to be continued..
BINABASA MO ANG
Beg for it (COMPLETED)
General FictionStory about a husband who discovered her wife is cheating on him. Ang masaklap pa kitang kita ng dalawa niyang mata na may ginagawang milagro ito kasama ang kung sinong lalaki. Makakaya kaya ni husband na magbulagbulagan o mag pplano siya kung paan...