19

12.3K 158 8
                                    

A/N: This will be the last chapter then epilogue na ang next. Gagawin ko na yung Married to a Devil after nito. Vote & Comment. Enjoy Reading!!

Halos tatlong buwan na ring naka coma si farah pero alam ko ano mang araw gigising na lamang siya bigla. Hindi ako nawawalan ng pag-asa kasi matibay ang pananampalataya ko sa Diyos at laking pasalamat ko kasi himalang gumaling ang kanyang sakit. Milagro talaga kung maituturing kasi sa sinasabi pa lang ng doctor na hindi na magtatagal si farah ay pinanghihinaan na ako pero nung sinuri siya ulit nakitaan siya ng progreso sa pag galing.

Lagi ko siyang kinakausap kasi alam ko naririnig niya ako kahit na naka coma siya. Sana tuloy-tuloy na ang pag galing niya kasi gustong-gusto ko na siya makasama ulit. Gusto ko na siyang dalhin ulit sa altar at magkaroon kami ng masayang pamilya.

"Sweetie, gising na. Parang masyado nang mahaba ang tulog mo. Nag iintay na sayo ang pamilya mo pati na rin ako. Miss na miss na rin kita. I love you till death." sabi ko habang hinahaplos ang kanyang kamay.

Naramdaman kong parang gumalaw ang kanyang daliri. Akala ko nasagi ko lang iyon pero hindi kasi ilang ulit niya pang ginawa iyon kaya tumawag na ako ng doctor agad. Pinalabas muna ako ng doctor mag intay daw muna ako kasi ichecheck pa daw nila maigi.

Halos trenta minutos din bago sila lumabas sa kwarto. Pinagpapawisan ako ng malamig at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. I'm hoping na one of these days gigising na talaga siya ng tuluyan.

"Doc, ano na po bang status ni farah ngayon? Any progress po?"

"Sa ngayon okay naman na siya ang inaantay na lamang natin ay kung kelan siya magigising. Ipagdasal na lang po natin na hindi na bumalik ang sakit niya. Bukas po ichecheck ko siya ulit. Sige po sir mauna na po ako."

"Sige doc, thank you."

Mabuti naman at okay ang lagay niya. Wala na talaga ako magagawa kundi mag intay lang. Sabi nga ng tatay ni farah mag undergo na lang kami ng euthanasia kasi three months na hindi pa siya nagigising pero sabi ko sa kanya, wala ho ba kayong tiwala sa anak niyo? Alam ko magigising siya at gagaling. Kilala ko ho ang anak niyo hindi siya basta-basta sumusuko. Kaya mag intay na lamang po tayo at magdasal. Hindi na lamang sumagot ang tatay ni farah. Siyempre kahit masakit sa amin hindi naman pwede na basta lang namin tanggalin iyon sa kanya. Humihinga pa siya at alam ko pilit pa rin siyang lumalaban.

****

T-teka, asan na ba ako?. Langit ba ito? Pero bakit wala si San Pedro. Naririnig ko si Aiden na kinakausap ako. Parang ang layo na ng nilakbay ko. Hindi pa ako handang mamatay. Gusto ko pa sumaya at makapiling ang mga mahal ko sa buhay.

"Iha, ako ito si San Pedro tumingin ka sa likod mo."

"Hah? Kayo ba talaga si San Pedro? Pero asan po ang manok niyo?"

"Hindi na importante iyon iha. Ang mas importante ay kung gusto mo pa bang bumalik sa lupa at makasama ang mga mahal mo."

"Ahh, opo. Matutulungan niyo po ba ako kung paano makabalik? Hindi pa po kasi ako handang mamatay. Marami pa po akong gustong gawin at baguhin sa buhay ko. At gustong-gusto ko na mayakap ang mahal ko na nag iintay sa akin."

"Binibigyan ka pa ng ating Diyos ng isa pang pagkakataon iha. Pero sa pagkakataon na ito dapat ay matuto ka ng magpahalaga sa mga bagay na makamit mo. Mahalin mo ang mga taong nakapaligid sa iyo at huwag mabuhay sa inggit. Maging responsable ka at tumulong sa iyong kapwa. Nagkakaintindihan ba tayo iha?"

"Opo, San Pedro. Tatandaan ko po iyan sa pagbalik ko sa lupa. Nagpapasalamat ako sa kanya dahil binigyan niya pa ako ng pagkakataon mabuhay."

Beg for it (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon