Chapter 6: Budding Love

11 2 2
                                    

Enzo's POV
Hays, sabi ni Wendell sa internet cafe daw kami magkikita kita, pero siya lang di sumipot, pero kinikilig ako, sa wakas kinakausap na ko ni Felisha.
Yung mga mata niya, di ka talaga makakatitig ng maayos dahil nakakailang pero kung ako tatanungin, mas masarap pa titigan ang mga mata ng babae kesa sa mga dibdib at mga hita ng mga ito.

At iyon nga, talagang hinintay namin yung Wendell na yun pero parang nag date na ata sila ni Eva niya.
Hays, yari ka sakin bukas Wendell ka.

Roxane's POV
Halos lahat ata kami hinintay si Wendell sa cafe, pano ba naman kasi, ang sabi niya magkikita kita daw kami pero sabi ni Enzo baka nagdate na sila ni Eva.
Pero para sakin okay na rin yun, naging partner ko si Felisha sa isang game kanina, napapansin ko ngang panay ang tingin ni Enzo kay Felisha.....and I hate it.

"Ang galing mo naman"
Siyempre para sayo gagalingan ko noh.
"Ah oo, lagi kaso ako dito dati"
"Ay, paturo ako minsan ah"
Sinabi niya yun ng may ngiti sa labi, nakakakilig talaga, pero paano nalang kaya kung malaman niyang may gusto ako sa kanya, halata sa kanya na di siya pumapatol sa same sex kaya baka wala akong pag asa sa kanya.

Felisha's POV
Naghintay kami ng 2 hours kay Wendell pero ni utot niya walang dumating, di rin naman kami makauwi agad dahil umuulan nga, pero at least nagsaya kami nila Enzo, Claire, at Roxane.

Ang cute nga eh, naging partners kami ni Roxane kanina sa isang game, ang galing niya, siya lang ang nagbuhat sa amin, sabi niya lagi daw siya dito dati, di na nakakapagtaka.

Pansin ko rin ang tingin niya sakin kanina, sabay sila ni Enzo.
Ang tingin ko sa mga tingin ni Roxane sakin, pangkaibigan lang pero yung kay Enzo, tingin ko may something.

Ang ganda ko naman, ang haba ng hair ko kahit yung buhok ko wolfcut na maikli.
Pero naiinis pa rin ako kay Wendell, 2 hours kaming pinaghintay sa wala.

Claire's POV
Kami ni Enzo ang magkapartner sa isang game kanina pero bakit parang panay ang titig niya kay Felisha, sa tingin ko ay gusto niya siya.

Sandali akong nalungkot nang maisip ko ito, oo gusto ko si Enzo, simula pa lang nung unang beses kaming nagkita nahulog na agad ang loob ko sa kanya, ewan ko kung bakit pero iba talaga ang tama ko kay Enzo.

Ang problema ay ayaw ni Enzo na magkagusto ako sa kanya.
Ayon sa kanya ang unang rule ng pagkakaibigan ay wag mahulog sa kaibigan.
Nang marining ko yun parang gusto ko na sumuko pero alam kong di pa huli ang lahat, di ako susuko hanggang sa magkagusto na rin sa akin si Enzo.

Third Person POV
Mahimbing na natutulog si Eva at si Wendell ay nasa sala, nagbabasa ng libro.
Nagising naman si Lola Flora at nakita ang apo na naka de-kwatro, nakasalamin at nagbabasa.

"11PM na gising ka pa rin, kaya lagi kang nalelate ng gising eh" sabi ni Lola Flora sabay abot ng tubig kay Wendell.
"Oh, gising ka pa pala La, wala to nagpapaantok lang ako" sagot ni Wendell sabay tanggal ng salamin at kuha ng baso na may tubig na ibinigay ni Lola Flora.

"Naiilang ka kay Eva noh" sabi ni Lola Flora habang nakatingin sa litrato ng anak niyang si Michaela.
"Alam mo kahit saan mo tingnan, di mo maikakailang kamukha talaga ni Eva si Micha, mula ulo hanggang paa, para siyang xerox copy ng mama mo" pahabol pa nito.

"Yeah, actually nakikita ko rin si Mama sa kanya, tsaka sa tuwing nakikita ko siya ang bilis ng tibok ng puso ko, yung tipong sa sobrang bilis eh di ka na makapag isip ng susunod na gagawin" sagot ni Wendell sabay tayo at tumingin rin sa litrato ng nanay niya.

"Ganyang ganyan ako dati sa Lolo Dante mo, sa tuwing nakikita ko siya nagpapanic ako" sabi ni Lola Flora.
"O siya sige, matutulog na ko, matulog ka na rin, maaga pa kayo bukas, goodnight apo" pahabol ni Lola Flora sabay halik sa noo ng apo.

Kinabukasan, maaga nagising si Eva, bumaba agad siya papunta sa sala dahil hinahanap niya si Wendell.
Nakita niya itong nakatulog sa sofa, may librong nakapatong sa ulo.

"Why doesn't he sleep in his room last night?, I mean I was there but I know that he will not do anything bad" bulong ni Eva sa sarili.
"You're awake" sabi ni Lola Flora.
"Good morning, granny!" bati ni Eva.

Lola Flora's POV
Gusto kong gumising ng maaga para makapagluto ng almusal.
Gigisingin ko na sana si Wendell nang makita ko si Eva.
Nakatingin siya kay Wendell, nakayuko siya at para bang tinatanggal ang librong nakapatong sa ulo nito.

"You're awake" sabi ko sa kanya agad naman niya akong sinagot ng good morning, what a good girl.

"Granny, there's something I want to tell you"
"Hmm, what's that?"
"Granny, I think I dreamed of her" sabi niya sabay turo sa litrato ni Michaela.
"What did she say?"
"I don't know, I don't understand what she said, I think it's in filipino, but I think it means take care of my son"

Napaluha ako nang marinig ko ang sinabi ni Eva.
Di lang pala ako ang nakapanaginip ng ganon, Michaela, namimiss na kita.

Third Person POV
Nagising na si Wendell, naligo na rin ito at kumain na, naghihintay naman si Eva sa kanya sa sala.

"Shall we go?" tanong ni Wendell sabay abot ng kanyang kamay.
"We shall!" sagot ni Eva.

Nagkotse na sila para di na sila malate.

Sa school, naroon na sila Felisha, Enzo, Claire, at Roxane, nakapamaywang silang sinalubong sila Wendell.

"We waited 2 hours for you, you dumbass" sabi ni Enzo.
"Alam mo ba kung gaano katagal yung dalawang oras?!" pasigaw na tanong ni Felisha.

"Good morning rin, tsaka ano naman? eh sa umulan eh, tsaka nakalimutan ko rin eh, kayong dalawa kaaga aga ang sungit niyo agad, same vibes kayo, may something kayo noh" sagot ni Wendell na may halo pang panunukso.

"Ang kapal mo! Wala akong gusto sa lalaking yan noh!" pagtataray ni Felisha kay Wendell at Enzo.
"Ahh! ansakit nun ah" biro ni Enzo.

Maya maya pa ay may dumating na babae sa room nila.
Chinita ito, may salamin rin ito, wala namang tali at style ang buhok nito, straight lang ito.

"Umm, nandito po ba si Claire?" tanong nito.
"Opo!" sagot ni Claire.
"Ahh, pinapatawag ka ni Andrew, may sasabihin daw siya sayo" sagot nito.

Claire's POV
Ugh! ano na naman kayang kailangan sakin ni Kuya?!
Oo, magkapatid kami ni Andrew Mendoza, kung sa school ay mabait siya, pwes sa bahay HINDI!

"Sis!, pahiram ako nung laptop mo, nasira akin eh"
"Late ka na naman umuwi!"
"May boyfriend ka na noh?!"
"At saan ka na naman galing ha?!"
"Wag ka ng magpuyat babae ka!!"
"Hoy! bat nawala pera ko sa mesa kanina?!"

Oo, nakatira ako sa isang impyerno pag nandyan ang kuya ko.

Third Person POV
"Samahan na kita Claire!" sabi ni Enzo na nagpasaya kay Claire.
"S-Sige!"

Maya maya lang ay nakarating na sila sa room nila Andrew at ito ang nangyari.

"SINO KA??" seryosong tanong ni Andrew na nanlilisik pa ang mga mata.
"E-Enzo Suarez po" sagot ni Enzo sabay abot ng kamay.
"Boyfriend ka ba nitong babaylan na to?!" tanong ulit ni Andrew sabay turo kay Claire.
"H-Hindi po!" nakayukong sagot ni Enzo.
"Tumingin ka sakin pag kinakausap kit-"
"Kuya, bat mo ba ko pinatawag?!" naiiritang tanong ni Claire.

"Oh yeah, Claire umuwi ka ng maaga mamaya, mukhang good mood sila papa mamaya, mag didinner daw tayo sa labas" sagot ni Andrew.
"Pfft, yun lang sasabihin mo?!" natatawang sagot ni Claire.
"Pwede mo naman akong ichat nalang" pahabol pa nito.

"Eh sa gusto kong makita ang "maganda" kong kapatid eh!"
"Babalik na ko! sinira mo lang lalo ang umaga ko!" sabi ni Claire sabay irap at alis.

Habang pabalik sila sa room nila ay may sinabi si Enzo na ikinabigla ni Claire.

"I love you"

Ups And DownsWhere stories live. Discover now