Chapter 13: Past

12 1 2
                                    

Enzo's POV
Death anniversary ni Mama pero di man lang niya naalala.
Gusto ko nang kumawala sa hawla ko Pa, nagsasawa na ko sa araw araw mong pambubulyaw, pananakit. Pati na yung paghingi mo sakin ng pera. Do I look like a fucking ATM to you?!

That night I dreamed about Mama, she's just there standing in front of me, umiiyak siya at nagsabing...

"I'm sorry kung naiwanan kita Enzo ah. Don't worry Mama's still here"

Naluha ako nun.

Nagising naman ako ng mga 4AM, siyempre magluluto ako para sa agahan ni Papa.

"Patayin mo nga yang alarm mo! Nakakarindi na!"
"Opo"
I wish I could just die in front of him.

"Papasok ka na naman tapos wala ka ring matututunan, kailan ka ba titinong bata ka?!"
Nag aaral ako para sa kapakanan nating dalawa, alam kong di tayo mabubuhay nang di ako magtatrabaho at mag aaral. That's the truth that I hate to face.

"Hayaan niyo nalang po ako kahit dito nalang po"
"Sus! puro naman ganyan ang sinasabi mo!"
Di ko nalang siya pinansin at naligo na ko.

Mga 30 minute din akong naligo kaya 4:45 na ko nakapagluto ng agahan.

"Wag mong sabihing itlog na naman ang lulutuin mo!"
"Wala na tayong ibang pagkain Pa, tiis tiis muna tayo, bukas na rin naman na yung sahod ko eh"

Oo, I started to work part time jobs just last week and tomorrow's my 1st salary pay.

"Sus! Baka naman maliit lang din yang sahod mo!"
"Malaki yun Pa, kasya na sa gastusin sa bahay"
"Hanggang dun lang ba?! Alalahanin mong baon tayo sa utang dahil dyan sa aral aral mo na yan!"


Di ko nalang pinansin si Papa at dali dali nalang akong umakyat muna sa kwarto ko.

Sa kwarto ko ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Russel...kaibigan ko na nag aaral rin sa VU.

"Yo Russ!"
"Yo, kaaga aga ang lakas ng boses mo, what happened ba??"
"Wala naman, magtatanong lang sana ako kung may...."
"Pera? Yeah bro, how much do you need ba?"
"Mga....1k bro"
"Oks oks. Punta ka dito sa apartment mamaya bro, bibigay ko sayo"
"Salamat bro, sorry ulit"
"No problem dude"

Russel Santiago, kaibigan ko simula pa nung nasa high school ako.
He came from a wealthy family but he studies on a low class university, I don't know why.

Siya rin ang nagpasok sakin sa pinagtatrabahuan namin ngayon.
Actually sa starbucks kami nagtatrabaho.

Russel became my best friend because of our families.

When Mama is still alive she owns a company that was later on passed to Papa that he.....wasted.

Mayaman rin kami pero di nagtagal yun dahil sa kapabayaan ni Papa.

Oh yeah. Namatay si Mama due to an illness...cancer.

It's still 5:00 in the morning so I decided to take a nap, ganito ako kada umaga.

Mga bandang 6:00 ay nagising na rin ako.
Bumaba ako sa kusina at kinain ang tirang ulam na naroon. At pagkatapos ay umalis na para pumasok.

Dinaanan ko muna ang apartment ni Russel para kunin yung hinihiram kong 1k.

"Pasensya ka na talaga Russ ah, talagang kailangan lang, hayaan mo babayaran rin kita bukas. Sahod naman natin eh"
"Don't mind bro, by the way di muna ako makakapasok ngayon sa school. Pero don't worry papasok naman ako mamaya sa trabaho"
"Got it bro!"

Agad na rin akong dumiretso sa school nun at sa gate nakita ko si Claire.

"Good morning!" bati ko.
"Hi! Good morning rin!"
"Ang tamlay ata ng mukha mo"
"Wala yan, medyo nabadtrip lang ng gising"
"Bawal yan HAHAHAHA, need mo maging happy para sakin....I mean para today"
"Uy, nadulas ka dun bro ah"
Bigla naman akong inakbayan ni Wendell na kakarating lang.

"Bigla bigla ka na namang sumusulpot"
"Oo nga HAHAHA!"
"Itong mga to kala mo di natutuwa na nakita ako"
"Di talaga!" sabay naming sigaw ni Claire.

Nakarating na kami sa room namin at nandun na rin sila Felisha, Roxane, at Eva.

Agad kaming umupo ni Wendell sa upuan namin at sinimulan ng gawin ang mga kailangan naming gawin.

Third Person POV
Nagsimula na ang klase nila Enzo nang dumating si Sir Olivar kaya naman nagsimula na ring magfocus ang mga estudyante.

"Nga pala class, next month magkakaroon tayo ng event, it's not occasional pero I really think that this will be fun for you, especially for the talented ones..." announcement ni Sir Olivar.
"Eh ano po yang event na yan?" tanong ng isang student.
"That'll be a secret for now...."
"Ay may pasuspense ka sir ah"

"Anyways that's it for our lesson today, see you tomorrow! Goodbye class!"
"Goodbye sir!"

Andrew's POV
Haysssssss, kanina pa ko nandito sa room pero wala man lang kabuhay buhay yung nangyayari. Ano na ma'am?! May balak ka naman sigurong pasayahin tong klase na to diba???

" 'Kay class, gusto ko lang malaman niyo na may event tayo next month"
What the?! That's an event, yet she's speaking like she didn't eat her breakfast.

Wala naman ding nagtanong kung saan yung event. Ayoko rin naman magtanong kasi baka ano pa ipagawa sakin pag nagtanong ako.

Haysssssss, may 1 year pa ko sa university na to.... fuckshit!

Pagkatapos ng 3 pang boring ass classes ay break time na rin....SA WAKAS!!

"Yo, libre mo ko pre. Naubos na allowance ko eh" buong tapang pa na sabi ni Leo, kapal netong gagong to.
"Ayoko. Wala ako pera. Maghanap ka ng ibang buburaotin"
"Damot mo naman, parang di mo ko kaibigan ah"
"Inamo"

Tarantado, nagpapalibre pa ang kupal.

Pababa na kami papunta sa canteen nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Leo saglit lang"
"Hmmm?? Sino yan?"

"S-Si Juliet...."
"BRUH.... Ansabi???"
"Sabi niya..... let's meet at 7 PM daw sa Starbucks"
"So, pupunta ka ba?"
"Hell nah!"
"Good..."
"Pero kung importante eh bat hindi"
"Gago, she's the one who left you bruh, pano kung gusto lang pala nun makipagbalikan??"
"Kahit naman gawin niya yun, di ko na siya babalikan"
"Sure ka ba?"
"OO"

Nagulat ako sa biglaang pagchat ni Juliet.
Ano naman kayang kailangan niya?

Ups And DownsWhere stories live. Discover now