Chapter 8: Mixed Emotions

7 3 5
                                    

Third Person POV
Mabilis ang mga takbo na ginawa nila Wendell at Enzo.
"La, kapit ka lang, wag mo muna ako iiwan" naiiyak na bulong ni Wendell sa sarili.
"Wen, saang hospital dinala lola mo?!" hingal na tanong ni Enzo.
"Sa Lorenzo Hospital!, bilisan na natin!" sagot nito.

Sa sobrang bilis nila tumakbo ay nakarating agad sila sa nasabing hospital.

"Nurse, asan ang room ni Flora Corol?!" nag aalalang tanong ni Wendell.
"S-Sir room 301 po" gulat na sagot ng nurse.

Tumakbo na naman ulit sila ni Enzo at napahinto sa tapat ng room 301.

"Lola!" sigaw ni Wendell sabay bukas ng pinto.
Tulog ang kanyang lola sa mga oras na iyon, at ang nagbabantay sa kanya ay ang katulong nila sa bahay.

"Anong nangyare kay Lola?!, okay lang ba siya?!, sabihin mo!" sunod sunod na tanong ni Wendell.

"Sir, nadiagnose po si Madame ng Heart Failure, may sinabi rin ang doktor na baka..."
"Baka ano?!"
"Baka... mamatay na si Madame"

"W-Wendell, ayos ka lang?" tanong ni Enzo.
Nagsimulang umiyak si Wendell matapos marinig ang sinabi ng katulong, di niya rin mapigilang mapaluhod sa nangyari.

Yinakap ni Enzo si Wendell at tinapik tapik ang likod, nalulungkot rin siya sa narinig kahit na di sila gaano close ng pamilya ni Wendell.

Ilang oras ring binantayan ni Enzo at Wendell si Lola Flora pero nang lumalim na ang gabi ay nagdesisyon na si Enzo na umuwi.

"Wen, sensya na pero kailangan ko nang umuwi, wag kang mag alala babalik ako bukas"
"Salamat Enzo"

Sa paglabas ni Enzo sa room ay nagulat siya sa nakita niya.
Nakita niya si Eva at Claire na nakaupo sa labas lang ng room ni Lola Flora.

"Anong ginagawa niyo dito?, akala ko ba magdidinner kayo?" tanong ni Enzo.
"Katatapos lang namin nang tinawagan ako nila Eva" sagot ni Claire.
"H-How's Granny?!" nag aalalang tanong ni Eva.
"She's fine, she just need to rest, apparently she have a heart failure" sagot ni Enzo sabay upo sa tabi nila.
"Eh si Wendell, okay lang ba siya?" sabat ni Claire.
"Oo"

"It's already 12AM, bat nandito pa kayo?" pahabol ni Enzo.
"Nag alala kami, tsaka kaibigan namin si Wendell" sagot ni Claire.
"Nga pala, asan sila Felisha?" tanong ulit ni Enzo.
"Bakit siya nalang lagi mong hinahanap?"
"Huh?"
"Ah wala, sabi ko umuwi na sila ni Roxane, bawal daw sila gabihin"

Claire's POV
Nasasaktan ako sa tuwing naalala ko yung sinabi ni Enzo.
"I love you"
"Ayos ba?, balak ko sanang sabihin yan kay Felisha"
Ano ba kasing meron si Felisha na wala ako?
Pakiramdam ko tuloy wala na talaga akong pag asa kay Enzo.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko di ko na napansin na pauwi na si Enzo, pilit niya akong tinatawag pero di ako sumasagot, dahil na rin siguro sa lalim ng iniisip ko.
"Ah oo"
"Magpapaiwan na si Eva, babantayan rin daw niya si Wendell"

Che! akala niya siguro mapapaniwala niya akong sabay kami uuwi, simula ngayon Enzo di na kita hahabulin....

"Masyado nang malalim ang gabi Claire, hatid na kita sa inyo"
Okay binabawi ko na yung sinabi ko....

Third Person POV
"Nga pala, bat pumunta ka agad dito?" tanong ni Enzo.
"Nag alala lang ako sa lola ni Wendell......pati sayo" sagot ni Claire.
"Ahh, Claire may hihingin sana akong favor sayo"
"Ano yun?"
"P-Pwede mo ba kong tulungan na mapaibig si Felisha?"
Sa mga oras na iyon ay nadurog ang puso ni Claire.
"S-Sige"

Ilang sandali rin silang naglakad nang tahimik, pakiramdaman ang ginawa nila.

"Ang tahimik mo ata ngayon" sabi ni Enzo
"Ah, sorry may iniisip lang" sagot naman ni Claire.
"K-Kaya ko na umuwi mula dito, salamat sa paghatid Enzo" pasasalamat ni Claire sabay talikod at lumakad papunta sa bahay nila.

Claire's POV
Akala ko talaga kaya niya ako hinatid ay dahil nag aalala siya, yun pala gusto niya lang hingan ng pabor, mali nga talaga siguro ang umibig sa isang kaibigan.

"Andito na ko!"
"Ginabi ka ata"
"Oh kuya"
"Nasa opisina na sila ulit, bat ka ginabi ah?"
"Hinintay pa kasi namin si Enzo, kuya, pero wag kang mag alala hinatid naman niya ako"

"Masyado ka nang napapalapit sa Enzo na yan ah, may relasyon ba kayong dalawa?!"
"W-Wala!"

Wala talaga, at imposible rin, sinong maiinlove sa tulad ko?!
Isa lang naman akong babae na magaling sa arts, that's all.
Si Felisha, matalino, magaling sa arts, maganda, matangkad, halos nasa kanya na lahat....samantalang ako, ganito lang, humihinga lang sa mundo at hinihintay ang kamatayan ko.

"Maghilamos ka na at matulog na, wag nang magpupuyat ah!"
"Opo"

Andrew's POV
Hays, di ko talaga alam ang gagawin sa babaeng yun, lagi nalang siyang malungkot.

Pero Andrew, napansin mo rin bang naging bobo ka na, mag review ka muna nga bago matulog!

At iyon nga, umupo muna ako sa swivel chair ko at kinuha ang libro at notebook ko, pagkakuha ko sa notebook ko ay di ko sinasadyang makuha rin ang isang litrato.

Litrato namin ito ni Jane nung nasa high school pa kami, naalala ko na naman tuloy yung araw na una kaming nagkita.

Nakaupo ako nun sa may diving platform sa may swimming gym, nakita ko siya dun na umiiyak, sa hula ko ay dahil sa bullying, nagulat naman ako dahil tumayo nalang siya bigla at akmang tatalon sa pool, naka uniform pa siya nang mga oras na iyon, pero di niya tinuloy.

"Naka uniform ka tas mag siswimming ka?" di ko alam pero bigla nalang yun lumabas sa bibig ko.
"Mainit" yun lang yung sinagot niya sakin.
Ramdam ko nun ang bigat ng pakiramdam niya, kasi I've been through that pain.

Tumalon ako mula sa diving platform pabagsak sa pool.

Sa pagbagsak ko ay naririnig ko ang sigaw niya.
"Hoy!!, okay ka lang ba?! Bakit mo ginawa 'yon??"
"Mainit..." sagot ko.

Tinitigan ko siya at di ko maiwasang mapuna na sobrang ganda niya pala.
Meron siyang hanggang balikat na buhok, chinita siya na nakasalamin, medyo malaki rin ang dibdib niya pero di ko yun tinitigan noh, may respeto ako sa babae, tsaka kung tatantsahin mo mga nasa 5'7 siya.

"Andrew Mendoza"
"Jane....Cruz"

And on that day, Me and Jane become friends.

Hays, gising pa kaya siya ngayon?

Ups And DownsWhere stories live. Discover now