Chapter 9: Lovebirds

5 1 0
                                    

Andrew's POV
Umagang umaga ang ingay, it's still 5 o'clock in the morning y'know.
"Bat ang ingay naman ata?" sabi ni Claire, nagising rin ata ang babaylan.
"Aba ewan, baka sila mama?"
Tiningnan niya kung ano ang dahilan ng ingay at nagulat ako dahil nasigaw pa siya.

"Anong nangyari?!"
"WAHHHH! ANG CUTEEEEE!! Pwede bang satin nalang siya?!"
Isang pusa?! how in the world did that thing go in here?!
"A-Ayoko noh, tingnan mo nga yung ginawa niyang kalat dito sa kusina, lagot na naman ako kay mama neto"
"Sige na kuya! pleaseeeee!"
Oo, napapayag niya ako, sinong hindi eh may papuppy eyes pa ang babaylan.

"Since your a male cat, I'm calling you.....Enzo"
WTF?! Enzo?!
"At talagang pinangalanan mo pa yang pusang yan ng Enzo ah"
"Hmmmm, how's Enza? that sounds like a good name"
"Yeah, stick to Enzo nalang"
That girl is truly obsessed with that Enzo guy, hays makabalik na nga sa pagtulog.

Sa pagpasok ko sa kwarto ko ay biglang tumunog ang cellphone ko, parang may tumatawag ata.

"Hello?"
"Yo boy!!"
Isa pa tong Leo na to, kaaga aga manggugulo na naman.
"Ano?, taena ka matutulog pa ko"
"Wag na matulog, mamamatay rin naman, anyways may sasabihin sana ako"
"Ano naman yun?"
"Umm, nandito kasi si Jane sa bahay boy, hinahanap ka sakin, taena gf mo to tas di alam bahay mo"
"Bruh, di ko gf yan tsaka how the fuck did she know your house?!"
"Long story, tsaka bilisan mo, parang may pinagdadaanan ata to, alam mo namang di ako marunong mang comfort"
"Okay, okay, gimme 10 minutes"
"Roger!"

Bat naman sa bahay pa ni Leo si Jane pumunta?
Well, that means makikita ko na naman siya huh?
That simp bitch!

Binilisan ko ang pagpedal sa bike ko, parang exercise na rin ito para sa akin.
Sa bilis kong pumedal parang wala pang 10 minutes nandun na ko sa pinto nila Leo.

"Kinakabahan talaga ako sa tuwing kakatok ako sa pinto na to"
At iyon na nga, inipon ko ang lakas ng loob ko at inilabas sa pagkatok.
"Hello~ sabi na babalik ka eh, Andrew My Boy~"
Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko dito sa bahay ni Leo.

Si Sakura Rei, kapatid ni Leo, di ko alam kung bakit pero that bitch is really obsessed with me, sa tuwing papasok ako sa kanila ay uuwi talaga akong may bakat ng mga lipstick sa leeg, nagmumukha akong may girlfriend dahil dun.

"Asan si Jane?"
"Aw, bat si Jane ang hanap mo eh andito naman ako~" may pakagat labi pa ang babaylan.
"Tabi nga!"

"Leo!!"
"Andrew!"
"Asan si Jane?"
"Nasa kusina, kumakain"

So yun nga, dumiretso ako sa kusina at nakita ko siyang kumakain, yung kain niya parang wala ng bukas eh.

"Hinay hinay lang"
"Oh, Wandrew, Wambilis wo wata wakarawing wiwo"
Ano daw?!
"Lunukin mo nga muna yang kinakain mo"
"Ang sabi ko parang ang bilis mo naman ata makarating dito"
"Eh sabi ni Leo emergency daw eh"
"Nag eexaggerate lang siya, it's just that wala akong matuluyan and akala ko pwede ako dito kila Leo, pero turns out bawal pala so sayo nalang"

Ang kapal netong babaylan na to.
"Payag ka ba" aba nagtanong pa.
"Siyempre hindi"
Di siya nakasagot sa sinabi ko at itinuloy nalang ang pagkain.

"Andrew~"
Ah shit, sa tuwing naririnig ko yang boses na yan parang ang sarap talaga sumabog.
"Bilisan mo na ngang kumain dyan! Di ako mabubuhay ng 10 seconds sa bahay na to"
"Okay!"

Umupo muna ako sa sofa nila Leo.
8 years old pa lang ako kaibigan ko na si Leo, at that time ang ate niya ay 13 years old while si Claire ay 6.

Palagi ako dito sa kanila dati pero habang tumatagal ay di ko na din nagugustuhan, paano naman kasi, lagi akong kinikiss at yinayakap ng ate niya.

"Andrew! tapos na ko"
"Good"
"Bye Andrew~" that voice....
"Oo bye na talaga!"

"Eto na yung gamit niya, ingatan mo yan ah, pag may nangyaring masama sa babaeng yan, sure ako babagsak ako" sabi ni Leo sabay abot ng isang bag.
"Wait, di siya sasama sakin, ihahatid ko to sa ampunan, gago bawal siya samin"
Oo, si Jane ay nakatira sa isang ampunan, she's just a baby nang iwanan siya ng original parents niya sa ampunan, wala rin namang umaampon sa kanya dahil sa may balat si Jane sa braso, sabi nila malas pero who cares?!

Dun na siya lumaki, salamat sa tulong ng mga sisters ay nakapag aral siya at naging matalinong babae.

"Ay, akala ko sa bahay mo tayo pupunta, sorry"
"Well....."
"Bilisan mo na nga"

Nagpaalam na kami at dumiretso na sa direksyon papunta sa ampunan nang bigla siyang magsalita.

"A-Andrew, ayoko sa ampunan na yun"
"Huh? what do you mean?"
"Meron kasing lalaki dun, taga ayos siya ng mga gamit dun, pag nakikita ko siya napapansin kong panay ang tingin niya sa legs at dibdib ko, sinabi ko na ito kina sister pero di sila naniwala, sa galit ko napalayas ako nang wala sa oras, and yun..."

"Kaya nga pupunta tayo sa ampunan eh, magpapaliwanag tayo kila sister"
"A-Ano kasi......nag iwan ako ng letter na nagsasabing "Sister, salamat po sa lahat..." blah blah blah"
"Naglayas ka pero nag iwan ka ng letter?! medyo tanga ka sa part na yun"
"Ah basta, ayoko na dun, manyak yung lalaki, di rin ako maintindihan nila sister"
"Kung yan ang gusto mo, pero pag nasa bahay kita dapat di ka magulo ah"
"PROMISE!!, SALAMAT ANDREW!!"
Sinabi niya yun at kiniss ako bigla, ewan ko kung dahil ba yun sa pumayag na ko na tumira muna sa bahay o baka talagang.....may gusto siya sakin.

Claire's POV
Natulog ako ulit nang magising ako sa ginawang ingay ni Enzo...yung pusa na Enzo.
Nagising naman ako sa tawag ni Kuya, sa paglabas ko ay nakita kong may kasama siyang babae.

Matangkad, chinita, nakasalamin, mahaba ang buhok na babae, medyo malaki rin yung dibdib niya pero di ko yun tinitigan noh, may respeto ako sa mga babae tsaka babae rin ako noh.

"Wait.....diba ikaw yung babaeng tumawag sakin kahapon sa school?!" sabi ko.
"Ah oo, Ako si Jane, kaibigan ng kuya mo, nice  to meet you!"

In fairness maganda siya, tsaka mukhang may something sila ni kuya, HEHEHE.

Kumuha ako ng pinggan at pagkain at tsaka umupo sa mesa at kumain, kasabay rin namin ni Kuya kumain si Jane pero nagkakape lang siya.

"Kape lang?"
"Kumain na kasi ako"

Kaya pala.
"Dito siya titira pansamantala, sa guest room siya matutulog kaya don't worry"
Wait....what?!
"Wait....what?!, bakit?"
"Ahh, sorry pero mahabang kwento kasi eh, sa susunod ko nalang sasabihin"
That's a bit suspicious not gonna lie.

"Wait......syota mo si kuya noh??"
Natawa nalang ako dahil nang sinabi ko yun nabulunan si Kuya samantalang siya napadura ng kape.

"HINDI NOH!!" sabay silang tumanggi pero di ako naniniwala.

Mas lalo pa silang nainis nang sinabi kong....
"Lovebirds"

Ups And DownsWhere stories live. Discover now