Chapter 7: Mendoza Siblings

7 2 2
                                    

"I love you"

Claire's POV
Nagulat ako sa mga sinabi niya, ang alam ko ay wala siyang gusto sakin.
"Ayos ba?, balak ko sanang sabihin yan kay Felisha"
Huh?, kay Felisha? bakit? bakit di ako? bakit siya?
"O-Okay naman, tara na balik na tayo"

Third Person POV
Pagkabalik nila Claire at Enzo sa classroom ay nandun na si Sir Olivar kaya naman napagalitan sila dahil kung saan saan sila pumupunta.
"Sorry po sir" sabay na sabi nila Enzo at Claire bago bumalik sa kanya kanyang upuan.

"Yo, parang malungkot ata si Claire ah, ano ginawa mo?" tanong ni Wendell sa katabi na si Enzo. Napapagitnaan nila Eva at Enzo si Wendell sa sitting arrangement.

"Wala naman akong ginawa sa kanya, tsaka kanina parang nag aaway sila ng kuya niya, baka dahil dun" sagot ni Enzo.
"Ahh, nga pala pre, sure na ko dito, punta tayo sa internet cafe mamaya, may gagawin rin ako eh" sabi ni Wendell na ikinatuwa naman ni Enzo.

Samantala sa upuan ni Claire.
"Ang akala ko talaga ako na yung sinasabihan niya nun, si Felisha pala, hays mukhang wala talaga akong pag asa sa kanya ah" bulong ni Claire sa sarili.

"Huy!" sabi ni Felisha sabay tapik sa braso ni Claire.
"Ahh, bakit?"
"Nakatulala ka na naman, ano iniisip mo?" tanong ni Felisha.
"Ah wala naman"
"Nga pala, sabi ni Wendell magkita kita daw tayo sa internet cafe mamaya, dadating daw siya sure daw" sabi ni Felisha na sinangayunan naman ni Claire.

Ilang oras lang ang lumipas at break time na agad kaya naman dumiretso sila Wendell sa canteen.

"Wen, ikaw na bumili samin" sabi ni Felisha.
"Ang kapal mo ah!" sigaw ni Wendell.
"Eva, Wendell's being bad at me" sabi ni Felisha na may papuppy eyes pa kunwari.
"Babe, just go" sabi ni Eva dahilan para di makahindi si Wendell.

Wendell's POV
Babaeng yun, ginamit pa si Eva.
Hays....wait gago di nga nila sinabi kung anong bibilhin ko eh.
"Wait guy-"
"Long time no see" sabi ng lalaking nangharass kay Felisha nung unang araw nila sa university.
"Ikaw na naman?!" naiiritang sabi ni Felisha.
"Uy uy uy, ang ganda naman nung dalawa dyan" sabi ng lalaki sabay turo kina Eva at Claire.

"Gago ka rin eh noh" galit na sabi ni Wendell.
"Boss, sino ba yang gagong yan?!" tanong ng kasama ng lalaki.
"Surot lang" sagot ng lalaki.

"Psst baby!, halika rito" sabay turo kay Claire.
"Ano ba! halika na!!" dagdag pa nito.

Iiyak na si Claire dahil sa panghihila nito pero nag pupumiglas pa rin siya.

"Bitiwan mo na siy-" di natapos si Enzo nang biglang may humatak sa lalaki...si Andrew
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Andrew na nanlilisik pa ang mga mata.

"Heh? kala ko naman kung sino, huy gago! sino ka ba?!" tanong ng lalaki sabay dura sa paa nito.
"Ako yung ano....yung ano" sabi ni Andrew na kunwari nag iisip pa.
"Ano ha?"
"Well....kapatid niya yung babae na yun!" sagot ni Renzo sabay sipa sa lalaki.
"Ahhgh!, gago ka ah!" aakmang manununtok pa sana ang lalaki nang biglang may humatak sa kanya papalabas sa canteen.....Si Leo.

"Bitawan mo ko!!!" sigaw nito.
"Gago ka manahimik ka nga!" sabi ni Leo.
"Alam mo ba kung sino yung babaeng hinarass mo?" tanong ni Leo.
"Pakealam ko?!"

Habang nagkakagulo sa loob ng canteen, pinapatahan naman nila Felisha si Claire.
"Tahan na Claire" sabi ni Roxane sabay tapik sa likod nito.

"Claire!" sigaw ni Andrew.
"Lumabas ka dito! don't make me ask twice Claire!" pahabol pa nito na mas lalong nagpalakas ng pag chichismisan ng mga tao.

Sa labas, nakaluhod dito ang lalaki, duguan at nakita rin ni Claire si Leo na may kamaong puno ng dugo.

"K-Kuya, ano to?" takot na tanong ni Claire.
"Hoy! lalake! mag sorry ka sa kapatid ko!" sigaw ni Andrew.
"Claire, sorry, di na mauulit promise" umiiyak na sabi ng lalaki.

"Kuya, I can't do this!!" sigaw ni Claire sabay takbo paalis.
"Maswerte ka at malambot ang puso ng kapatid ko" huling sinabi ni Andrew sabay takbo para habulin si Claire.

Andrew's POV
Laging nasa trabaho ang parents namin ni Claire kaya kapag nasa bahay kami, ako ang nagsisilbing magulang niya.
Dati nung nasa elementary pa lang si Claire, lagi siyang umuuwi nang luhaan, pero ang pinakamasakit na araw ay noong high school siya at first year pa lang at ako ay nasa 3rd year na.

Umuwi siyang parang depressed ang mukha, sinabihan ko siyang kumain pero dumiretso lang siya sa kwarto niya at di sumagot.

Ilang tawag na ang ginawa ko pero ayaw pa rin niya lumabas kaya naman nagdesisyon na kong pumasok sa kwarto niya kahit alam kong ayaw niya.

Laking gulat at takot ko nang sa pagpasok ko ay nakita ko siyang nanginginig na nakasabit ang leeg sa tali.

"CLAIRE!!!"
Mabuti nalang at natanggal ko siya agad sa pagkakasabit.
"Ano bang ginagawa mo?!?!, Claire, sumagot ka!! Claire please!!"
"Kuya...sorry sa lahat ng nagawa ko, pinapangako ko, mawawala na rin ako"
Sinampal ko siya nun, pero di man lang siya natinag.
"Ano bang sinasabi mo!!!, Claire ikaw ang kapatid ko at kahit kelan di ka naging pabigat!!"
"Kuya!!!!, kuya di ko na kaya! lagi nila akong binubully!!"

Magdamag akong nasa tabi niya nun hanggang sa makatulog siya, natatakot ako na baka mamaya eh gawin niya na naman yung pag susuicide.

Thankfully kinabukasan ay medyo maayos ayos na siya.
Simula ng araw na iyon, di ko na hinahayaang umiyak at masaktan ang kapatid ko.

Third Person POV
Tumakbo papunta sa court si Claire, umupo rin siya sa may bench dun at nagsimulang umiyak.
"Bat kasi ganto ako kahina?!" bulong niya sa sarili.

"Claire?"
"E-Enzo?!"
"Claire, cheer up! andito ako para sayo, kaibigan kita, kaya ang problema mo ay problema ko rin" sabi ni Enzo.

"C-Claire?"
"Kuya.."
"Claire, pasensya ka na ah, napaiyak ka na naman ni kuya, di na to mauulit, promise"
"Kuya salamat, salamat dahil kahit gaano katigas ang ulo ko, mahal mo pa rin ako"
"Siyempre, ikaw kaya ang prinsesa ko, halika nga rito" sabi ni Andrew sabay yakap nang mahigpit sa kapatid.

Samantala, dinala naman nila Leo at Renzo ang lalaki sa principal's office, ito ay sinuspende ng isang linggo.

Dumating ang gabi at oras na para umuwi.
"Tutuloy pa ba tayo sa cafe?" tanong ni Wendell.
"Bukas nalang, may family dinner pa kami eh" sagot ni Claire na may ngiti pa sa labi.
"Ah sige, kami nalang muna, ingat kayo!" sagot ni Enzo sabay kaway ng kamay.

Sa cafe ay nandun sila Felisha, Roxane, Enzo, Wendell, at Eva.

Maglalaro na sana sila nang biglang makatanggap si Wendell ng isang text.

Nagulat si Wendell at nabitawan ang cellphone, dali dali siyang umakbo papunta sa nasabing hospital.

"Anyare dun?" tanong ni Felisha.
"D-Dito muna kayo, susundan ko lang siya" sabi ni Enzo sabay takbo.

"Wendell!, Si Madame Flora! nasa hospital siya ngayon!!"

Ups And DownsWhere stories live. Discover now