Chapter 14: Shopping

3 0 0
                                    

Bakit kaya bigla nalang niya akong chinat?
Makikipagbalikan kaya siya sakin?
What if, oo????

"Huy! Lumilipad na naman yang utak mo, nyare?" nabigla naman ako sa sigaw ni Leo.
"Iniisip ko pa rin kung bat ba biglang nagchat si Juliet eh"

"Bro, kung ako sayo mamaya mo na isipin yan, kumain ka muna, may training tayo mamaya ano ka ba"

"Mukhang busy kayo ah" biglaang sabat ni Renzo
"Renzo!" sigaw naman namin ni Leo.
"Yo! Anong topic mga men?" tanong niya.
"Si Juliet bro"
"Leo! bruh"
"Oh nyare, anong meron kay Juliet?"
"Makikipag-meet up kasi si Juliet kay Andrew mamaya bro, tas ang malala pa eh hindi alam ni Andrew kung bakit"
"HAHAHA Yun lang?! Ano naman kung makikipag-meet up si Juliet? Malay mo maging kayo pa ulit diba? HAHAHA"
"Pero Renzo kinakabahan ako eh, what if meron pala siyang ibang rason???"
"Kung ano man yung rason na yun sure ako para sa ikabubuti niyo yun"

May point si Renzo pero kasi....

Juliet Hernandez, she's my ex, we've been together for nearly 6 years na rin. Mom and Dad even know her, even my sister.

"Andrew... Let's break up. I feel like I can't do anything when I'm with you. I'm doing this for my future. I'm sorry"

She said that in a monotone voice, I've seen it. By the looks of her eyes, it looks like she's in pain. I'm her boyfriend at that time but she broke up with me. I want to comfort her at that time pero siya na mismo ang lumayo.

Now na nag-chat siya, everything suddenly came back to me. Everything that we've been through together. The ups and downs that we've share together. All of that went back.

"Bro! Kanina ka pa nakatulala. Tara na, time na ni Mrs. Cortez" sabi ni Leo.
"Y-yeah... Tara" sagot ko naman.

-

Jane

Nakikitira ako kina Andrew ngayon. Paano ba naman kasi, 'yong lalaking nandoon sa ampunan, panay ang titig niya sa legs ko. I feel very uncomfortable everytime na nakikita ko siya. Mabuti nalang talaga at umalis na 'ko doon.

Hindi ko rin alam pero simula bata pa ako, wala na kong kinalakihan na magulang. Lumaki ako sa puder nila sister, sabi nila noon na umuulan pa raw noong nakita nila ako sa labas ng ampunan. Malaki ang galit ko sa mga magulang ko, 'di ko in-expect na iiwanan lang pala nila ako matapos nila akong ilabas sa mundong 'to. Pero di ko rin sila masisisi, sure rin ako na may reason. Pero sana naman ginawan nila ng paraan, para naman sana may normal na buhay ako.

"Bes! Ano na? Break time na, tara na sa canteen. Libre kita, ngayon lang 'to so sulitin mo na" sabi ni Kristine. My friend for 5 years na.

"Hmm? I'll pass, may tasks pa 'kong need ipasa. Hahabol nalang ako, okay?" tanging naging sagot ko sa kaibigan ko na may katangkaran at may wavy at mahabang buhok na abot hanggang baywang, may kaputian rin ang kanyang kutis kaya't makikita mo talaga ang ganda niya, lalo na ang kaniyang mga matang singkit na kapag tumatawa ay nawawala.

"Make sure na hahabol ka ah, masarap pa naman ang ulam ngayon sa canteen" wika niya sabay takbo papaalis ng aming room.

"Pssst!" sitsit ng kung sino na 'di ko gaanong pinansin dahil sa busy ako sa ginagawa kong assignment.

"'Pag hindi ka lumingon kakainin ko 'tong fish fillet na 'to" tama ba ang pagkakarinig ko? Fish fillet?

"Ayaw mo lumingon talaga gano'n?" sabi na e pamilyar ang boses na 'yon e.

"Magkano 'yan Andrew?" tanong ko sa binatang naka-cross legs na nakaupo sa harapan ko, hawak-hawak niya ang isang tray na may plato na may lamang fish fillet.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ups And DownsWhere stories live. Discover now