Chapter 12: Why Are You Sad?

10 1 2
                                    

Claire's POV
Di ko alam kung bakit pero di talaga ako naiinis kay Enzo kahit na di niya ako gusto.
In fact, bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing lalapit siya sakin.

"Yo, mamaya ko na ibibigay yung ipapabigay ko, kung pwede sana yung di niya nakikita"
"S-Sige"
Ugh, I hate hearing that thing.

Maya maya pa binigyan niya ako ng isang chocolate box na hugis heart may ribbon pa, talagang nakakairita.

"Kung pwede ibigay mo mamayang breaktime, mga 3 minutes nalang din naman mag bebreaktime na eh"
"Ako bahala"
Pero sa totoo lang ang sarap itapon nitong chocolate na to.

Third Person POV
Nagbreaktime na at oras na rin para ibigay ni Claire nang palihim ang chocolate na pinapabigay ni Enzo.
Pero ang ginawa ni Claire ay itinago niya ito sa bag at nagbreaktime na siya.

Wendell's POV
Hays monday, I hate this day but ever since Me and Eva became couple I started to like mondays.

"What should we eat?" tanong ni Eva.
"Ummm what about steak, I heard they cooked steak for lunch"
"Good idea!"

Habang papunta kami ni Eva sa canteen ay napansin ko naman si Claire na may ginagawa, ang nakita ko ay parang may inilalagay sa bag niya, tatanungin ko naman sana siya kung anong ginagawa niya pero di natuloy nang bigla akong hilain ni Eva paalis.

"Why are you pulling me??"
"Let's go, there's a free soup now!!"
"Seriously?!"

Enzo's POV
Sure ako na magugustuhan ni Felisha yung chocolate na yun, nakita ko sa instagram niya na she's craving for chocolates now kaya naman yun agad ang naisip kong ibigay.

Habang kumakain naman ako sa canteen ay nakita ko si Claire.

"Claire!!"
Tinawag ko siya at agad naman siyang lumapit dala dala ang pagkain niya.

"Successful ba?"
"O-Oo, nalagay ko na sa upuan niya"
"Good, salamat ah. Kaibigan nga talaga kita"

Third Person POV
"Kaibigan nga talaga kita" sabi ni Enzo habang nakangiti.
"Sana higit pa dun ang tingin mo sakin" bulong ni Claire na di naman ata narinig ni Enzo dahil sa sunod na sinabi.
"Hmm? May sinasabi ka?"
"Ahh wala, ang sabi ko you're welcome"
"Ahh, okay. Kumain ka na lalamig na yang soup, libre pa naman yan"
"Okay!"

Kumain silang dalawa at nagkwentuhan, ganon din naman sila Wendell at Eva, ganon din sila Roxane at Felisha.

Maya maya pa ay biglang nagchat si Wendell sa group chat nila.

"Yo, akyat kayo d2 sa rooftop ASAP, may pag uusapan lang us"
"Bruh kumakain pa kami" reply ni Enzo.
"Yeah, tsaka ano ba yang sasabihin mo, baka naman pwedeng ichat yan dito"  dagdag pa ni Felisha.
"Basta, bilisan niyo naiinip na diwa ko" sagot ni Wendell na sinundan naman ni Roxane ng...
"Pasapak beh isa lang"
Napilitan naman sila na sundin si Wendell kaya naman dali dali silang umakyat sa rooftop.

"Ano ba yun?!" naaasar na tanong ni Felisha.
"It's 12PM dude ang init init bruh" sabat ni Enzo.
"Di pa nga kami tapos kumain eh" sabi naman ni Roxane.
"Yeah, di ko pa nga ubos yung soup eh" sabat rin ni Claire.

"Wag na kayo magreklamo mga bitch, pinapunta ko kayo dito kasi may sasabihin sa atin si Eva, even me don't know what it is bruh. So stop being a bitch to me, bitch!" asar na sabi ni Wendell.
"Calm down HAHAHA" natatawang sabi ni Claire.
"So...are you guys ready?" tanong ni Eva.
"Yeah" sabay na sagot nila Wendell.

"Wendell, earlier when we we're at the hospital, Granny told me that this sunday is your birthday, so she told me to have party at your house. This was supposed to be a surprise but Granny chatted me earlier to tell that this wasn't considered a surprise anymore so I can freely tell you this. Now what I'm suggesting is we all should go to a beach this saturday, don't worry Granny will come also because the doctor told her that she could go, now I'm asking.....are you free for the weekend?" mahaba at detailed na explanation ni Eva.

"That sounds fun! I'm in!" sagot ni Felisha.
"Same here!" sabat ni Roxane.
"I don't know if I'm free on weekend but I'll try my best to come with all of you" sagot naman ni Claire.

Lahat sila ay sang ayon na maliban kay Enzo.

"Yo Enz, sasama ka ba?" tanong ni Wendell.
"HAHA, hindi Wen, ayoko muna. Medyo busy kasi ako sa weekend, kayo nalang muna" sagot ni Enzo na ikinalungkot nila Wendell.

"What did he say?" tanong ni Eva kay Wendell.
"He said that he can't come, his schedule is hectic on the weekend" sagot ni Wendell.

"Oh, sorry to hear that" sagot ni Eva.

Nagstay naman sila ng mga ilang minuto pa bago bumalik sa kanilang room.

"Yo, why are you sad huh? Kaninang umaga pa yan" sabi ni Wendell kay Enzo.
"Bruh, di ba pwedeng seryoso lang mukha ko?" sagot ni Enzo na tumatawa pa.

"Okay okay, chill ka lang HAHAHA"
"Di ako galit bobo"

Wendell's POV
Siguro yung surprise na yun ang dahilan kung bakit nag-wink si lola kay Eva kaninang umaga.
Nakakatouch ka naman La HAHAHAHA.

Pero ang ikinababahala ko talaga ay yung mukha ni Enzo.
Kanina pa siyang umaga malungkot, di rin naman niya sinasabi kung anong nangyari.
Hays, nakakabobo mas lalo akong nabobo dahil dun.

I mean hindi ba ko katiwa tiwala?
Same naman kaming Fine Arts ang kinuha. Hindi pa ba sapat na reason yun para magtiwala siya sakin......Okay mukhang di nga sapat yun pero bat ba ayaw niya sabihin sakin?

Mabilis namang natapos yung klase namin kaya nagdesisyon kaming tumambay muna sa internet cafe dyan sa may labasan lang ng university.

"Yo Enz! Tara sa cafe maglaro tayo nung new release na game!"
"Pass Wen, maraming gagawin sa bahay"
"Bruh, di ka na nga sasama sa sabado di ka pa sasama sa cafe?"
"Eh sa need talaga ako dun eh"
"Hays, ge na nga. Ingat ka nalang pauwi"

Feel ko talaga may problema si Enzo, kaninang umaga pa siya ganyan.

I feel like I should be Sherlock Holmes for this one.

Third Person POV
Ilang minuto lang naglakad si Enzo at malapit na agad siya sa bahay nila.

"Dito na ko" sabi niya.
"Oh buti naman at nandito ka na. Bilisan mo na at magluto ka na, nagugutom na ko" sabi ni Clarence...tatay ni Enzo.
"Opo" sagot ni Enzo sabay baba ng bag at dumiretso sa kusina.

"Hoy! dumating kanina yung bill ng kuryente, bayaran mo bukas ah!"
Di naman agad na nakasagot si Enzo dahil di niya narinig ito.

"Hoy! Putangina mo ah! Nagsasalita ako di mo ko pinapakinggan?! Bastos ka ah!" sigaw ni Clarence sabay sampal kay Enzo.
"S-Sorry po, di ko po narinig" paluha nang sagot ni Enzo.

"Bilisan mo na nga yang pagluluto mo! Kanina pa ko nagugutom, bat kasi may paaral aral ka pang nalalaman" sabi ni Clarence sabay alis.

Nagluto nalang si Enzo ng itlog at longganisa para sa hapunan, nagsaing na rin siya.

Pagkatapos niyang magluto at magsaing ay agad niyang inihain ang mga niluto niya, kumuha siya ng isang pinggan at isang kutsara at tinidor.

"Oh! Bat yan lang?!" tanong ni Clarence nang makita ang inihanda ni Enzo.
"W-Wala na kasi tayong pagkain, Pa" mahinang sagot ni Enzo.
"Tangina! Dun ka na nga baka mabigwasan pa kita!" sigaw ni Clarence sabay amba na susuntukin si Enzo.

Umakyat nalang si Enzo sa kwarto niya at nagbihis. Sa kwarto niya ay may isang tumpok ng saging, nilalangaw ito dahil na rin sa bulok na ito.

"Pwede pa to" bulong ni Enzo sa sarili.
Ngumiti nalang siya habang kinakain ang bulok na saging, nakatingin siya sa isang litrato.

"Bat mo kasi ako iniwan HAHA" bulong ulit ni Enzo sa sarili.
Di naman niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya.

Pagtapos niya kainin ang saging ay agad siyang nagsindi ng kandila at nilabas ang bulaklak na binili niya habang pauwi siya.

Sinindihan niya ang kandila at nagsabing....

"Happy Death Anniversary, Ma"

Ups And DownsWhere stories live. Discover now