[A/N: Sensya na po kung ngayon lang ako nakapag-update. Bising bisi po kasi ako sa school eh. Graduating na po kasi ako. Naks! Bigyan ng jacket. XD
Pero naging Top 9 naman po ako sa klase kaya naman sulit ang pagod. Naks talaga, bigyan ng Cherry Mobile! XD
Wag po sana kayong magsawang basahin ang kwento ko and keep on supporting po. Owcia, dami ko pang sinasabi. Pede nyo na pong basahin. TY po. :)]
CHAPTER 3: Heartbeat
Meron na naman kaming school program at dito ulit sa covered court na SUPER HOT!
Kasing HOT ko!
12 na kasi ng tanghali kaya sobrang init na. Baskil (Basa na ang kili-kili) na nga ako eh. Siksikan kasi dito sa loob dahil pinag-join force lahat ng students mula 1st Year hanggang 4th Year High School.
Yung mga 1st Year at 2nd Year, pinaupo sa lapag. Yeah, sa floor nga. Kawawa nga sila eh, kasi siksikan na nga, nadudumihan pa yung uniform nila dahil nga sa sahig sila nakaupo.
Naranasan ko rin yan nung 1st Year & 2nd Year pa ako kaya I understand them.
Yung mga 3rd Year, nakaupo sa mga bench. Ganun din kaming mga 4th Year. Magkaharapan kami.
Ganito sya oh --->
(tignan ang sketch sa rightside, sa multimedia section)
Ayan gumawa na ko ng sketch para mas lalo nyong maintindihan yung dinedescribe ko.
Bobo kasi ako sa pagdedescribe eh. Naloloka lang ako. Ayan mas madali na. Gets nyo na? Kung hindi pa rin, pakamatay na kayo. XD
Gaya nang nakasanayan namin nina Wendy at Ritchie, umupo kami sa bandang taas. Pataas kasi yung mga benches, para bang cinema ang style?
Ano i-sketch ko pa?
Wag na masyado na kayong hayahay (pasarap buhay). Gamitin nyo naman yung imagination nyo. XD
So kitang kita namin ang buong covered court dahil nasa bandang taas nga kami. Ano na naman kaya ang pag-uusapan?
Ay, oo nga pala. Kanina pa ko nagkukuwento sa inyo pero hindi nyo pa alam kung anong name ng school namin.
F. B. Social Academy nga pala ang pangalan ng eskwelahan namin. Bongga di ba? Parang Facebook Social lang. Pero ang totoo talaga nyan, yung F. B. stands for Fidel Bustamante. Yung nagpatayo ng school na to. Then yung Social, hindi ko na alam kung saan nanggaling. Siguro dahil sosyal ang mga tao dito. Hahaha.
"Magandang hapon sa inyong lahat."
Nagsimula na nga ang program. Parang boring ang program na itech (ito).
"Bigyan po natin ng masigabong palakpakan ang ating butihing principal na si Gng. Imelda Ramos."
Ayan na nga, nagsimula nang mag-speech yung principal namin. Ang haba-haba pa naman nito magspeech.
Hindi na ako nakinig. Ang boring kasi ng topic eh.
Maya-maya, kinalabit ako ni Wendy.
"Oh, ano yun." sabi ko sa kanya habang nakakunot ang noo ko.
Naiirita na kasi ako eh. Ang init-init na kasi dito sa loob. Kahit open naman yung mga windows, wala pa ring airlalu (hangin) na pumapasok. Siguro dahil na nga maraming tao. At ang kinaiinis ko pa,
ang haba-haba ng sinasabi ni Mrs. Principal. Hindi naman maganda yung topic nya. (Wala lang talaga akong interes.)
"Si Edward oh." tinuro nya yung kamay nya sa posisyon ni Edward na hindi naman kalayuan sa min. Nasa pwesto sya ng mga 2nd Year. Nakatayo sya kaya kitang kita agad sya. Siya lang kasi ang standing. The rest, nakaupo na. Agaw pansin ang peg (tema).
BINABASA MO ANG
He Loves HIM
RomanceHindi ito kwento ng isang babaeng maiinlove sa isang cute guy. Hindi rin ito kwento ng isang lalaking naghahanap ng kalinga sa isang hot babe. Kundi, isang di ordinaryong kwento. Istorya ito ng isang beki na nagngangalang George Lapuz aka Georgia, n...