CHAPTER 7: Your First Kiss / Ang CHAKA Mo!

507 4 4
                                    

[A/N: Kailangan nyo po munang basahin ang Chapter 6, kung paano po nagkaroon ng first kiss si Georgia, para po maintindihan nyo po ang kwento. :) - Kuya Dave]

CHAPTER 7: Your First Kiss / Ang CHAKA Mo!

"Georgia, anong nangyari sayo? Naririnig mo ba kami? Georgia?!"

Naririnig ko sila pero hindi ko sila pinapansin. Nakatingin lang ako sa malayo at nag-iisip nang malalim.

Hindi ko inaasahan na magkakaroon na ako ng first kiss pero imbis na matuwa ako, naiinis ako. Bakit ba kasi napunta ang first kiss ko sa taong kinasusuklaman ko? Waah!

Anong gagawin ko?

Pano ko mababawi ang first kiss ko?

Gulong-gulo na talaga ako.

*** PAK! ***

I'M WIDE AWAKE!

Katy Perry lang ang peg (tema).

"Aray! Bat mo naman ako sinampal? Alam na nag-iisip eh."

"Ano ba iniisip mo? Ano bang nangyari? Si Liam? Nasaan?" tanong ni Wendy sa kin.

"Ang daming tanong! Ano to?! GAME KNB? Ayts. Wag nyo ngang matanong-tanong sa kin yang lalaking yan!"

"Bakit? May nangyari ba?"

Nagreplay sa utak ko ang nangyari kanina.

"Sige nga, dagdagan mo pa." *kiss*

"Sige nga, dagdagan mo pa." *kiss*

"Sige nga, dagdagan mo pa." *kiss*

"Sige nga, dagdagan mo pa." *kiss*

"Sige nga, dagdagan mo pa." *kiss*

Paulit-ulit? Nakakabobo!

"Uy, Georgia! Natulala ka na naman dyan. Anong nangyari kay Liam?" tanong ulit ni Wendy.

"Ay bwisit! Wala na sya! Pinatay ko na sya!" sigaw ko sa kanila.

"Huh?! Patay na si Liam?! Sya na nga lang yung pogi sa klase natin tapos pinatay mo pa! Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo, Georgia! Mamamatay-tao ka!" umiyak-iyak pa si Ritchie.

*** BOOGSH! ***

"Aray naman, Georgia!" sabi ni Ritchie habang hawak-hawak ang pisngi.

"Ang OA mo, Ritchie! Hindi ko sya pinatay noh! Walang nangyari sa kanya! Pero sa kin..."

Nagsimula na nga akong umiyak.

"Oh bakit ka na umiiyak?" tanong ni Wendy.

"Eh kasi naman eh... wag kayong maingay ah?"

"Oo, sige."

"Satin-satin lang to."

"Oo na!"

"Promise?"

"Promise!"

"Hindi na ako virgin."

*** WAPAK! ***

"Aray!"

"Piling babae teh? Anong hindi ka na virgin? May matres ka ba, girl?" sabi ni Ritchie.

"Eh talaga namang hindi na ko virgin eh. Hindi na virgin ang lips ko."

"W-WHAT?! HINDI NA VIRGIN ANG LIPS MO?! DON'T TELL ME... AAAAAAAAAAAAAAAAAH!

*** TODOINKS! ***

He Loves HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon