CHAPTER 9: Dare

364 7 1
                                    

[A/N: I'm so glad! Nakaabot na po sa 1000 reads ang "He Loves HIM". Another big achievements na naman po ito and this is because to all of you. Thank you po sa inyong lahat sa patuloy nyong pagsuporta at pagtutok sa "He Loves HIM" (Ano to? Telenovela? HAHAHAHA!). Thank you po talaga. Sana po hindi po kayo magsawang basahin ang mga kwentong nabubuo ko dahil sa malilikot kong imahinasyon. Muli, THANK YOU and God Bless Po Sa Inyong Lahat. :) - David Perido]

CHAPTER 9: Dare

FEBRUARY 22, At Canteen

GEORGIA'S POV

"Ano tatanggapin mo ba ang offer ni Cassey?" tanong ni Wendy sa kin. "Kung ako sa iyo, gurl, tanggapin mo na. Malaking points din yun. Dagdag sa extra curricular mo. Magagamit mo rin yan in the future kapag 4th Year na tayo." dagdag pa nya.

"Atsaka marami kang certificates na matatanggap dyan. More seminars na aatenan na makakatulong sa leadership mo." sabi ni Liam.

"Saka balita ko pa bakla, marami kang pupuntahan dyan. May chance ka pang makapunta ng Baguio. Ayaw mo ba nun, baks? Marami kang boys na makikita. Malay mo, nandun na pala ang matagal mo nang hinahanap. Ayiieh!" sabi ni Ritchie.

"Ano ka ba, Ritchie? Pupunta sya dun para sa mga seminars hindi para maghanap ng mga lalaki. Atsaka, hindi na nya kailangang maghanap. Nandito naman ako eh." sabi ni Liam. Nginitian pa nya ako nang mapang-akit. Pasalamat sya mabait ako ngayon kung hindi, matagal ko na tong sinapak.

"Ayts. Tumigil na nga kayo! Gusto ko naman lahat ng mga sinasabi nyo eh..."

"Pati yung about sa mga boys?!" tanong ni Ritchie.

"Ah... eh... Pede ba, Ritchie?! Pakinggan mo muna ako. Hindi biro tong papasukin ko. Oo, tama kayo! Makukuha ko nga lahat ng sinasabi nyo pero hindi naman madali. Matrabaho ang pagiging Vice President sa Student Council. Every minute, I have works. Mahihirapan akong mabalance ang studies ko. Lalo na ngayon, I am running for honors and I want to continue this until my 4th Year. At kapag umuo ako, mahihirapan na akong magfocus sa pag-aaral."

"Bhest, naniniwala naman kami sa kakayahan mo. Kaya mo yan! Tutulungan ka naman namin eh." sabi ni Wendy.

"Talaga?" sabi ko.

"Oo naman, gurl. Kaya nga tayo magkakaibigan eh para magtulungan. Hayaan mo, kapag may assignments tayo or project at busy ka sa Student Council, tutulungan ka namin. Lagi naman tayong naggu-group study eh. Atsaka, ano pang silbi nito ni Liam? Hindi kaya to naaalis sa top." sabi pa nya.

"HAHAHAHA. Oo, Georgia! Tutulungan kita. Ikaw pa. Pababayaan ko bang mahirapan ang special friend ko?" sabi ni Liam sa kin.

"Ayieeh!" inaasar na naman ako nina Ritchie at Wendy. Tumawa lang si Liam. Piling ko tuloy may something kami ni Liam. Hays! Imagination ko lang yun.

"Tumigil nga kayo!" sabi ko sa kanila.

"Uy, nagbablush si Georgia! Ayiieh!" sabi ni Wendy sa kin. Talagang magbablush ako. Asarin ka ba naman eh. Alam mo yung feeling na ganun?

"Uy, hindi ah. Pwede ba?! Oo na, oo na. Papayag na ako sa gusto ni Cassey. Papanig na ako sa partido nila pero i-promise nyo sa kin, tutulungan nyo ko ah? Promise?"

Sabay-sabay nilang sinabi, "PROMISE!"

After I tell this to Cassey, our class' president and now, running for President of Student Council, na payag na akong sumali sa partido nila as their Vice President, tuwang-tuwa sya. Siguradong panalo na daw ang partido namin. Maliban daw sa kilala ako sa buong campus, at isa sa mga pinakamatalinong esrudyante rito, WOW! Exaggerated naman. Isa raw kasi akong GAY kaya malaki ang hatak namin sa mga bobotong estudyante.

He Loves HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon