CHAPTER 15: The Revelation Begin

356 6 1
  • Dedicated kay Chinito <3
                                    

[A/N: Ako po yung author na mahilig gumala kaya pasensya na po kung mabagal akong mag-update ngayon. Syempre kailangan ko ring i-enjoy ang life ko. Hindi yung puro sulat-sulat na lang. Aagiwin na ko sa loob ng bahay kung ganun. XD Anyway, THANK YOU po sa pagtutok sa He Loves Him dahil dyan, nasa 2000+ reads na po tayo. Yahoo! Bigyan ng isang bagsak! PAK! Thank you po talaga. Oh cia, sobra na akong madaldal. Keep on supporting pati na rin po sa iba kong story. :)]

CHAPTER 15: The Revelation Begin

Tulaley pa rin ako at hindi makapaniwala sa ginawa sa 'kin ni Edward. Pero sya, hala! Sige! Tawa nang tawa. Batuhin ka sana sa ginagawa mo.

*POK!*

"Ah!" may bumato sa ulo ko. Natupad nga yung wish ko na may bumato pero hindi naman kay Edward. Ano ba yan! Epic FAIL ka, dre!

"Georgia, OK ka lang?" tanong ni Edward sa 'kin. Tanong ka pa eh. Ikaw kaya batuhin dyan, OK lang sayo? Ang sakit kaya. Bumaon yata sa skull ko yung bato. Pero maya-maya, sya naman ang binato.

*POK!*

"Aray!"

Nakita ko kung saan nanggaling ang bato kaya pinuntahan ko ito ngunit nakatakbo na sya agad.

"HOY! SANDALI!"

Balewala ang beautiful shout ko dahil nakalayo na sya. Parang kilala ko sya eh pero hindi ko masabi kung sino dahil nakatalikod sya at mabilis na nakatakbo. Alam na! May lahing kabayo! Kaya hindi ko masyadong nakita ang mukha nya. Sino kaya yun? Bwitit yun ah. Inggit yata sa 'min ni Edward kaya namato. Wala ba syang lovelife. Kaasar! Ang sakit ng head ko. >__<

"Hayaan mo na yun, Georgia. Mabuti pa umalis na lang tayo dito." sabi ni Edward sa kin.

Nagpasya kaming umuwi na lang muna dahil pagod na rin kami.

Walang tao dito sa bahay, tanging aketchi (ako) lang. Hindi naman ako natatakot mag-isa. Wala na kasing ibang multo dito maliban sa 'kin. HAHAHA. Wala rin namang nagtatangkang pumasok na magnanakaw kasi wala rin naman silang makukuha. Siguro nga matutuwa pa ako kapag pinasok kami eh. Bakit? Para mabawasan ang mga gamit dito. Hindi naman lahat ginagamit eh. Yung iba display lang. Alam nyo na, mga sirang bagay na pinaghihinayangang itapon kasi may sentimental value kuno. Ayts!

San-san na napunta yung usapan natin. Back to the reality. Bakit ako mag-isa? Haays! Kanya-kanya kasi silang rampa. Si Mama, gumora (pumunta) sa market. Si Papa, pumasok sa work nya. Ganun din si Kuya Timothy. Si Kuya Dexter naman, pumunta daw sa school nya. Kanina pa daw yung umaga hanggang ngayon, wala pa. Isa lang ang naiisip ko. Baka nagdota na naman sila ng mga kabarkada nya. Ayts! Ano bang meron sa Dota na yun? Eh parang ang boring naman laruin. Atsaka ang gulo. Siguro mas mag-eenjoy akong laruin yun kung isa sa mga character si Hello Kitty. Tapos ang mission hindi pagpatay ng kalaban. Kundi, find all the apples and if you complete it, orange naman ang hahanapin. HAHAHA. Oh diba mas maganda yun? Adventurous!

Mas like ko 'to na mag-isa ako kasi mas makakapagpahinga ako ng bonggang-bongga and everyteng! Nakaupo ako sa sofa at nanunuod ng TV. Ay hindi na pala! Nag-change position ako. Nakahiga na pala ako sa sofa habang nakataas ang long-legged kong leeg este legs habang nanonood sa microwave oven. HAHAHA. Joke! Syempre sa TV. Enebenemenyen!

"And the winner is... (drumroll)" Ayan na! Sasabihin na kung sino ang next na magiging Binibining Pangkalawakan 2013. I'm so excited. Daliiii! "We will reveal after these commercial breaks. We will come back!"

Potek! Binitin pa! Kaasar! Bakit ba sila mahilig mambitin? Yung feeling na tutok na tutok ka, walang kurap-kurap, excited na excited kang malaman kung sinong mananalo tapos biglang magco-commercial? Kaenes di ba? Para ka lang umiihi tapos bigla mong pinigil. Ang sagwa naman ng example ko. Ihi talaga. HAHAHA. Basta! Ganern yun! Tapos ang isa ko pang kinaiinisan, hindi lang isa, dalawa, o tatlong commercial lang, 1,234,567,890 pang commercials bago ulit magsimula ang show. Kaburyo di ba? Mainis ka din! Nararanasan mo din yan, I swear. Makisama ka naman!

He Loves HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon