[RULES BEFORE/AFTER YOU READ: VOTE, COMMENT, SHARE, ADD TO YOUR READING LIST, FOLLOW ME!] - Ang hindi sumunod magkakaroon ng PIGSA SA KILI-KILI, SINGIT, AT PWET!
BABALA: Marami na pong nagkapigsa dahil hindi sinunod ang rules. Huwag mo nang hayaang matulad ka sa kanila.
--
A/N: Pasensya na po talaga kung ngayon lang ako nakapag-update. Busy po kasi eh. Atlit! Kahit papano, nakakapag-update pa rin. :) Owcia, let's read na po. :)
Photo of Edward at the side. --->
CHAPTER 19: Flirty G.
RITCHIE'S POV
Nakaupo akong nakayuko sa sala namin. Iniisip ko pa rin kung bakit ginawa ni Alden ang mga bagay na yun.
"Hey, Ritchie!" sabi ni Alden na nasa harapan ko lang. "Are you OK?"
Nasampal ko sya dahil dun. "Pano ako magiging OK? Can you explain it to me? Why did you do that things in front of Liam?"
"To protect you."
"To protect me? For what? Alden, ayun na eh. Mamahalin na rin nya ako. This is what I'm dreaming for and finally, matutupad na SANA pero anong ginawa mo? Sinira mo lahat yun!
"And do you think that will be a true love?"
"What do you mean?"
He sighed. "Alam mo, napakabata mo pa talaga. All of the sudden, hindi mo pa rin maintindihan. Talagang wala ka pang alam sa mga bagay-bagay sa mundong ito especially with this love. Ritchie, nasabi lang nya yun dahil naaawa lang sya sa'yo. Naaawa sya sa'yo dahil nasasaktan ka dahil sa kanila at siguro bilang FRIEND mo si Liam, ayaw rin nyang masaktan ka kaya para hindi ka magmukhang kawawa sa harapan nila, pipilitin nyang mahalin ka. See? All of these was started dahil sa awa. Ritchie, you need his love, not his pity."
"But Alden, he will try to love me at sinabi nya yun sa 'kin."
"At nagpauto ka naman? TANGA mo talaga, Ritchie. Hays! Buti na lang pala at nandito ako kung hindi, nagpauto ka na dun sa gagong yun. Ano ba naman yan, Ritchie!"
Mukhang naha-high blood na naman sya sa 'kin.
"Hindi mo ba naisip? He will TRY to love you. TRY, TRY, TRY! TRY nga lang diba? 50-50 pa yun. Pwedeng magawa nya, pwede namang hindi at kapag TRY, pag-aaralan pa nya yun para maging perfect. And do you think that will be a TRUE LOVE? No, Ritchie! Ang LOVE hindi yan pinag-aaralan, kusa yan nararamdaman. Naiintindihan mo ba ko? Hindi ka nya talaga mahal at huwag ka nang umasang mamahalin ka nya dahil hindi naman magiging TOTOO yung LOVE na ibibigay nya sa'yo dahil iba yung sinisigaw ng puso nya, hindi ikaw. Masasaktan ka lang ulit. Masakit pero dapat tanggapin mo. This is the reality. Malinaw na ba sa'yo ang lahat, Ritchie?"
"Oo na. Naiintindihan ko na. Sa haba ba naman ng sinabi mo para akong sinermunan ni Father. Yes, ina-admit ko na, na mali nga ko. Pero hindi mo pa nasasagot yung tanong ko. Kailangan ba talaga na mag-act ka bilang boyfriend ko?"
BINABASA MO ANG
He Loves HIM
RomanceHindi ito kwento ng isang babaeng maiinlove sa isang cute guy. Hindi rin ito kwento ng isang lalaking naghahanap ng kalinga sa isang hot babe. Kundi, isang di ordinaryong kwento. Istorya ito ng isang beki na nagngangalang George Lapuz aka Georgia, n...