[A/N: Update! Mas mamadaliin ko na po ang pag-update. Para po hindi kayo mainip at hindi nyo po agad makalimutan ang mga bagay-bagay sa story ko. Keep on reading po ah. Wag nyo kong iwanan. I need your support. :3 - David]
CHAPTER 11: What GIFT?
Super busy ako nitong mga nagdaang araw kaya this is the time para mag-beauty rest ako. Ano kayang magandang gawin ngayon? Hmm...
Nakaisip ako ng BRIGHT IDEA!
*** TING! ***
Magtetext na lang ako buong magdamag! Ay HAYAHAY ang buhay!
Kinuha ko ang phone ko na nasa table. Nasa tabi lang naman ng kama ko kaya hindi na ko tumayo. Chineck ko muna kung may nagtext. At in fairness, ang daming nagtext. Puro lang naman, good morning! Pero may isang message na pumukaw ng atensyon ko.
FROM: Edward
Good morning! :) Kumain ka na ba?
Napabangon ako bigla sa kama ko.
WHAT?! Nagtext sa kin si Edward? Pero pano nya nakuha number ko? Eh di ba tinype lang nya yung number nya sa phone ko? Hindi ko pa naman sya tinetext dahil sobrang busy nga ako. Hindi ko naalalang binigay nya pala ang number nya sa kin. HOW, HOW de KALABAW?
Tinatanong pa nya ko kung kumain na ba ako pero hindi muna ko kikiligin. Baka hindi para sa kin ito. Mamaya GM lang ito. Kaya para makasiguro, nireplayan ko sya.
TO: Edward
Ghuud Mhownhing phoe! Jejejeje.
Joke! Hindi ako ganyan magtext! XD
TO: Edward
Good morning din! :) Yung totoo, GM (Group Message) o PM (Personal Message) ito?
*MESSAGE SENT*
Maya-maya, nagreply agad sya.
FROM: Edward
HAHAHA. PM yan. Oo nga pala. I got your number from Cassey. Nainip kasi ako kasi hindi mo ko tinext agad.
Achuchu! Habang binabasa ko yung text nya, kinikilig ako. Nainip daw sya sa kin? So it means, gusto nya kong katext? Ganda ko talaga! XD
[ REPLY ]
TO: Edward
Eh kasi super busy ako. Hindi ko naalalang may number pala ako sayo. Sorry. Hehe. :)
*MESSAGE SENT*
~ Tu-toot! ~
(One Message Received)
FROM: Edward
Ano ba yan? Kinalimutan mo na ko agad. Ganyan ka pala, Georgia. :(
HALA?! Nagtatampo sya sa kin? Nagworry tuloy ako and at the same time, may konting kilig dahil nagtatampo sya sa kin. Ahihihihi. :)
[ REPLY ]
TO: Edward
Hala! Sorry! Hindi naman kita nakalimutan eh. Busy lang talaga ako. Oh sige, babawi na lang ako ngayon. Ahm... ano ba ginagawa mo ngayon?
*MESSAGE SENT*
Obvious naman na ang ginagawa nya ay nagtetext pero para magkaroon kami ng conversation, tinanong ko na lang yun. Wala kasi akong maisip eh. Malay mo may iba pa syang ginagawa.
BINABASA MO ANG
He Loves HIM
RomansaHindi ito kwento ng isang babaeng maiinlove sa isang cute guy. Hindi rin ito kwento ng isang lalaking naghahanap ng kalinga sa isang hot babe. Kundi, isang di ordinaryong kwento. Istorya ito ng isang beki na nagngangalang George Lapuz aka Georgia, n...