Chapter 64

15 4 8
                                    


"There's only 20 minutes left." Sir Noel said right after we finished our water break. Pinainom sa'min nila Ayer ang ilang drinks para daw mabawasan kasi siya na ang magbibitbit ng cooler.

"May mga bear po ba dito sir!" Malakas na sigaw ni Claud.

"Nagtatanong ka ba o naninigaw ka? Siga 'to oh." Hinampas siya ng bote ni Ely.

Sir Noel shook his head."We checked the area and we found none." And it's impossible to find one here.

Tumango tango lang si Claud sa harapan namin at huminto sa paglalakad. He looked at us but his stare went to someone else, past us.

Naglakad siya pababa at nilagpasan kami. "Papa, Papa Brice, ano po tawag sa grupo ng bear?" Rinig kong tanong mula sa likuran.

Mukhang hindi rin naman siya pinansin ng iilan.

"It's a pack or a sleuth. Why?" I heard Brice's voice.

"Hm..parang mali naman papa Brice eh."

"What...is it then?" There's quite confusion in Brice's voice.

"Edi BEARkada!"

I felt my eyebrows twitch and even Asra in our front stopped walking. There was only silence and everyone looked back to Claud.

"Paki-Paki check ng utak niya baka napasukan ng insekto," Sabi ni Ely.

"Tangina, bumaba na nga tayo ng bundok." Ivo dropped his bag then jokingly turned his back.

"May mas malaki pa kaya sa BEARkada!" Si Ayer lang ang nagbubukod tangi yatang sineryoso ang joke ni Claud.

"W-What?" Brice is the one who asked with his eyes full of curiosity.

It must be his first time hearing this kind of joke.

"BEARranggay!" Ayer laughed at his own joke at sinundan ito ni Claud. Mahinang binatukan siya ni Blanca na tumatawa ngayon.

"Me! Me! I have an entry!" Twilla raised her hand in the front.

"Sige nga, ano 'yon." Ely said.

Twilla stared at her for a moment. "What is it called if the bear can't handle it anymore?"

"Ano?" We all said.

"unBEARable."

We couldn't help but laugh how Twilla made her joke. She was so proud of it pero siya rin ang unang una tumawa.

"Sandali nag iisip pa ko ng akin," Deborah joined to at hawak hawak na niya ang ulo niya nag iisip.

"Ako muna!" Ely clapped to get our attention."Anong tawag sa bear na nag tra-trabaho?"

"Ano?"

"BEARbero, Hahaha shet ang funny non tumawa kayo." Tawang tawa si Ely at muntikan ng matisod dahil sa ugat.

"Ayan funny 'yan!" Claud shouted at the back.

"Support ko joke ni Ely!" Deborah raised her hand. "Saan nag tra-trabaho ang BEARbero?"

"BEARbershop." Someone spoiled the fun.

"Ay, sino nag sabi non!" Deborah shouted. "Narinig ko 'yon, parang boses ng mapapangasawa ko!" Pabiro niyang sigaw habang ngiting ngiti nakatingin sa'min.

"Oy Graig tunog mapapangasawa daw!"

"Parinig nga ng boses mo Graig."

"Kaya pala lagi ka na nagsasalita Graig ah HAHAHA"

Rinig na rinig namin ang tawanan mula sa likod kaya pati kami ay nahawa na. Ilang pangungulit pa ang sinabi nila kay Graig pero hindi na ito nagsalita muli.

Triumphs (Book 2 of Trials End)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon