Mayor pulled his collar back, aggressively. Though, it's Asra who fully let it go. Hinayaan na rin namin ang gwardya na kanina pa pumapalag. Kakasabi ko lang kanina na we should settle this in a formal way.
Look what just happened. Brice will kill us.
"Magpapadala ako," mayor eyed us. "Palabasin niyo na sila," binugaw niya kami. Nilapitan uli kami ng mga guards niya at sila naman ang nanunulak ngayon.
Pagkalabas namin ng office ay malakas nila kaming sinarhan ng pinto.
"M-Mga bata kayo, mahilig pala kayo sa bugbugan!" Biglang sigaw ni Mang Conor. I forgot how shocked he was when he saw us trying to keep the guards away from Asra.
I glanced at Fabian holding Asra's hand. Asra with her straight face, clenched jaw, and cold eyes.
Earl was the first one who laughed loudly. "Satisfying," he said.
"Sorry po," paumanhin ni Graig.
"Ang mahalaga po magpapadala na daw siya ng tulong." I smiled to Mang Conor. "Mas maganda po sigurong bumalik na tayo. Bago po lumakas ang ulan."
Medjo alangan siyang tumango at ngumiti ng maliit.
"Baka andon na si Leah," sabi niya habang pababa kami.
Before leaving, I talked to the staff again about the help they'll send. I also told them that we will be needing a boat now. I trust Mang Conor's handmade boat pero baka maabutan kami ng ulan at maging delikado pa.
Foods. Clothes and towels. Water. Candles and flashlights. Rope. First aid kits.
Those are the things I asked for. Tatanungin ko rin sa mga adults mamaya if they want to be transferred to an evacuation center.
I held Asra's hand while we're on the boat, pabalik sa bayan.
"You okay?" I asked her.
She nodded to me. "Of course I'm fine," she paused and looked at the houses. "But they're not."
"We can help them," I said. Graig also nodded to her on the other side. Sina Fabian at Earl kasi ay nasa harapan namin.
At last, natatanaw na namin muli ang bayan. Mas malalim ang baha at sira sira na ang mga bahay. Narinig ko nga ang ilang singhap at bulungan ng kasama namin sa bangka. Now they saw what their actions caused.
But, I'm glad na kahit papaano ay bumaba naman na ang baha. Hindi naman na kasi umuulan ng malakas, puro ambon na lamang.
"Salamat naman nakabalik na kayo!" Sigaw samin ng isang matandang lalake. Kumakaway siya habang nakapalibot sa kanya ang ibang tao.
I also found my girls looking at our side but not giving me any smile.
What's wrong?
"Parating na tulong!" Sigaw ni Mang Conor pababa ng bangka. Lumapit siya kaagad sa kanyang mga kasamahan. "Buti na lang nakausap ni Leah kahapon si mayor!"
Tinapik tapik niya ang braso ng katabi niya.
"Oh, anong meron?" Earl asked Aldo na nakatingin lang rin samin. I found Keith beside him na may kinakausap na ibang matanda.
Bumaba na kami sa bangka at dahan dahan nilapitang ang mga Echo na andito.
"Nahanap na si Leah?" Nangingibabaw na tanong ni Mang Conor.
I looked at Blanca for the answer but she averted her gaze. Nilipat ko ang tingin kay Ella, she stared at me for a moment before giving me a small nod.
Nanahimik rin ang ibang tao.
BINABASA MO ANG
Triumphs (Book 2 of Trials End)
عاطفيةOne year with them is not enough. We're still lacking, left behind, and doubted by the adults. However, we're not going to just sit still and cry over it. We will fight, learn and pave our own way. But after the trials end, what will happen? Will we...