Nasa bus na kami at tahimik lang kami ni Ly habang nakahawak ang kamay namin sa isa't isa. Nakakaramdam na naman ako ng kiliti sa aking katawan. Para lang kaming pupuntang Baguio.
Narinig ko naman ang phone ko na message. Si Kuya Jam pala nagtext.
"Kumusta kayo dyan Sam? Give me updates often."
"Okay lang kami dito Kuya. Nasa bus kami ngayon, pupunta kami sa court kung saan magtetraning yung team."
"Okay good. Hindi ba tumatawag mama mo sayo?"
"Hindi naman, nagtetext lang siya."
"Okay. As long as possible, be careful. Nangako ako sa mama mo."
"Yes Kuya Jam..."
Tinago ko na yung phone ko at tumingin kay Ly na nakatingin sa bintana.
"Ly?" Binaling niya ang atensyon niya sa akin.
"Hm?"
"Mag-ingat ka ha. Kahit sanay ka sa mga ganito, palagi ka paring mag-ingat. Ayokong nakikita kang nasasaktan." Ngayon ko lang kase siya makikitang mag-vovolleyball.
"Yes po. I'll be careful." Sabi niya at hinalikan niya kamay ko.
Tahimik lang byahe, nakatingin lang ako sakanya habang siya naman at nakapikit. Alam kong di siya tulog, kase malikot ang mga mata niya kahit nakapikit siya.
Hindi naman talaga ako magsasawang mahalin ka Ly. Kahit sabihin pa ng iba na nagsimula tayo sa mali, matatapos din tayo sa tama.
After 1 hour, nakarating na kami kung saan sila magtetraining. Ako naman kaagad na akong umupo malapit sa tubigan nila. Para kapag iinom na si Ly, ako ng magaabot sakanya.
Nagsimula na silang tumakbo ng ilang rounds. Nakakapagod silang panooren. Napatanong ako sa sarili ko, kaya ko kaya ginagawa nila?
Natapos silang magrounds, nahilo ako sa kakaikot nila sa court. They have 10 minutes rest tapos gora na ulit.
Kaya kaagad ko ng inabutan si Ly ng tubig at lahat naman napatingin sa amin.
"Yieeeee!!!" Sabay-sabay nilang react kaya nahiya na naman ako. Si Ly namab nakangiti den.
"Nilalanggan na naman ako dito." Sabay kunwaring pagpag ni Ella sa shirt niya.
Umupo silang lahat at tumabi naman sa akin si Ly. Pawis na pawis pero uminom muna siya. Kaya ako ng nagpunas sakanya.
"Grabe pawis mo, Ly." As in yung shirt niya basang-basa ng pawis niya.
"Hello, Sam." Umupo si Jia sa left ko.
"Hello." Bati ko rin sakanya.
"Iba ka rin mag-alaga dyan ha. Sanaol nalang talaga." Sabay busangot niya.
"Ganun talaga, nurse talaga neto." Biro ko naman sakanya.
"It's so unusual for us na may paganito kaya ako ng unang nagsosorry lalo na sa isa dyan." Parinig niya kay Ella na ngayon ay nakatingin ng masama kay Jia.
"Ako na naman nakikita mo?" Sagot ni Ella sa kanya.
"Eh malamang may mata ako kaya nakikita kita." Mapang-asar na banat ni Jia sakanya. Kaya si Ella namab ay umirap at napailing.
"Pero seryoso Sam. Thank you for taking care of Ly. Alam mo na baliw na baliw yan kay ano dati. Masaya kami na nakamove on na siya." Bago pa ako magsalita sumabat naman si Ly.
"Para akong wala dito ha? Hello, nandito pa po ako." Sabi ni Ly kay Jia. Natawa naman kaming tatlo sa usapan namin.
After the break bumalik na ulit sila sa court and to my suprise maglalaro na ren sila. Ang taas ng confidence ko na yung team nina Ly ang mananalo.
Woah, as what I'm seeing ang intense. Kaagad nagpakita ng mga malalakas na palo si Ly sa kabilang team. Pero malalakas din ang kabila ah lalo na si Tots ang lakas den niya.
Natapos ang game, parang nahilo pa ako sa kakasunod ng tingin ko sa bola. Nanalo ang team ni Ly. Umabot lang ng 4 sets. Sa 1st set nanalo sina Ly and 2nd set nabawi nina Tots pero nung nag 3rd and 4th na sina Ly na ang nanalo.
Pagkatapos non lahat sila nakahiga sa court. Tawang-tawa naman ako dahil si Ly nakatingala lang. Parang nawala na sa sarili.
"Ice Bath!!!" Sigaw ng coach nila. Ano yun? Maliligo sila sa yelo?
Lahat sila tumungo sa malapit sa CR. Pwera nalang si Ly na nagpaiwan ang kumausap sa akin.
"Tara, tignan mo gagawin namin." Nabasa naman niya yung itsura ko dahil nacurious nga ako. Ano nga ba yung ice bath? Wala talaga akong kaalam-alam sa mga ginagawa ng mga volleyball players.
Sinundan ko siya at bumungad sa akin yung inflatable pool na punong-puno ng yelo. Isa-isa silang lumusong at umupo doon. Gosh!
"Sam, this is what they do after games. Ice bath, it helps reduce muscle inflammation, flush out lactic acid, and help your muscles to start the healing process after strength training." Paliwanag ni Coach Sherwin sa akin.
Tumango ako sa sinabi ng Coach nila pero kaagad naman ako nadistract sa minamahal kong tao...
Napatingin ako kay Ly na naghubad ng shirt niya. Leaving her with only sports bra and her spandex short.
Damn, I miss her abs...
"Ehem." Nabaling naman ang atensyon ko kay Ella na biglang nag-ehem.
Ako naman iniiwasan ko ang mga tingin nila sa akin dahil nakaupo lang ako dito sa harapan ng inflatable pool at baka mapaghalataan akong napakaharot na tao.
Pero sa totoo lang namimiss ko si Ly yung mga sweet gestures niya. Di niya lang masyadong magawa dahik limited lang mga pwede naming gawin.
Namimiss ko na makipag make love sakanya sa totoo man pero kailangan kong magtiis para sakanya.
Saktong hawak ko ang phone ko. Hawak din ni Ly ang phone niya at halatang magpopost yata ng story na nakaicebath sila. Syempre bawal akong mahagip doon.
After she posted a story, kaaga ko namang sineen yon to check. Buti nalang di ako kita.
So, I texted her...
"Hey, Ly. Miss na kita sa totoo man..."
"You miss me or you miss my body?"
"Pwede both?" Sagot ko.
"Wait for me, kapag di ako nanghihina pagbibigyan kita."
"Harot! Sinasabi mo lang yan. Wag mong pipilitin katawan mo baka hindi ka na makalakad kinabukasan, Ly." Sagot ko.
"Are you threatening me?"
"Ang haharot niyo talaga! Sa harapan ko talaga kayo nagtetext sa isa't isa?" Pabirong sabi ni Ella. Napatakip ako ng bibig dahil nababasa niya pala mga text messages namin ni Ly sa isa't isa.
Si Ly naman bigla siyang kumuha ng yelo sa pool at sinaksak sa bunganga ni Ella.
"Yan ang nararapat sa mga madadaldal na tao." Medyo natawa ako ha. Sorry Ella! HAHAHA!!! Kase naman bigla niyang niluwa kaagad yung yelo.
"Ly naman! Galing yan sa mga katawan ang pawis niyo!" Sabay punas niya ng bibig.
"HAHAHAHAHAHAHA!!!" Sabay-sabay namang tumawa ang buong team.
Kawawang Ella. HAHAHAHA!!!
BINABASA MO ANG
The Queen's MVP
FanfictionWhen Alyssa decides to move into a condo unit and meets Samantha Bernardo, the beauty queen who has joined the Miss Grand International 2020 competition, she becomes her neighbor, and Alyssa's life takes fascinating, adventurous, and climactic turns...