Chapter 18

309 15 2
                                    

Lumipas ang limang araw, dumating na rin ang araw na magtetraining na si Alyssa kasama ang mga team mates niya.

"Coach Sherwin okay lang po ba na magsama ng companion?" Si Coach Sherwin naman ay nagtaka.

"Kapamilya mo ba yan, Ly?" Umiling si Ly.

"Dadalhin ko sana yung nililigawan ko Coach. Ayaw niya kaseng mawalay sa akin kaya dadalhin ko siya." Diniretso niya talaga ang kanyang coach pero halata sa mukha niya na baka hindi siya pumayag.

"Alam mo naman ang mga rules naten Ly diba? Alam mo yan..." Paalala niya sa kanyang Team Captain.

"Coach pag-bigyan mo na ako please. Wala siyang trabaho ngayon kailangan niya ako." Naawa naman ang coach. Sa bagay, si Ly naman talaga ang naging masunurin na player na kilala niya. Hindi naman niya kinalimutan lahat ng magagandang bagay na binigay ni Ly para sakanya.

"Sige...papayagan ko na kayong dalawa na magsama, pag naghotel tayo. Pero paalala ko lang, huwag na sana siyang magpost na makakaalam ng lahat na magkasama kayo. Hindi kasi pinapagayan ng management na magdala ng companion sa mga ganitong trainings. I'll give her a uniform nalang din if someone will inspect us." Napapayag ni Ly ang kanyang coach na dalhin si Samantga sa Lock In training nila somewhere sa Manila.

"Salamat, Coach." Tumango nalang ang kanyang Coach at umalis na din.

Alyssa's POV

"Ly! Ikaw ha! Hindi toh pagtatanan, training toh! Bakit mo naman sinama yang girlfriend mo?" Asar ni Ella habang nasa hotel room ako nila. Nakacheck-in na kamo dahil bukas magtetraining na kami. Si Samantha naman ay nasa room namin.

"Ayaw kasi naming mawalay sa isa't-isa kaya nakapagdesisyon siyang sumama nalang saken." Sagot ko naman sakanya.

"Sumbong nga kita kay Coach, may paawa effect ka pang nalalaman. Wala siyang trabaho ngayon, kailangan niya ako." Umakting naman tong Ella na ito.

"Wala nga siyang trabaho, Ella..." Seryosong sagot ko sakanya. Tinignan ko siya ng seryoso kaya tumigil siya sa kakabiro niya.

"S-Sorry..." Paumanhin niya. Ayan kase eh puro joke nalang ang nasa utak.

"Pati hindi ko pa siya girlfriend okay? Nagsasama palang kami pero nililigawan ko pa siya."

"Sabi mo yan ha. Pero Ly, hindi naman ako nangingelam sa relasyon niyo pero mahirap yang pinasok niyong dalawa. Ikaw, nagtetraining ka pwede siyang maging distraction. Si Sam naman wala ng trabaho. Hindi naman toh fairytale. Hindi naman kayo mapapakain at mapapabuhay ng pagmamahalan niyong dalawa." Oo, totoo ang sinabi ni Ella pero nandito an eh. Ang gagawin nalang namin ay magkaroon ng disiplina at pagtyatyaga.

"Willing ko naman siyang tulungan kung sakaling kailangan niya ng pera. Ginusto naming dalawa ito kaya kami na ang mamomoblema dito." Sabi ko naman. Magiging okay din ang lahat. Basta't kasama ko si Sam, magiging okay ang lahat.

"Ly, nagaalala kami sayo. Sa ginawang niyong ito pwede kayong magkaroon ng issue. Bawal nga itong ginagawa niyo eh." Bawal pero kailangan. Gets ko naman si Ella, she just cares for me kaya ganito siya. Alam kong kalaunan ay masasanay rin sila na nandito si Samantha. 

"Siguraduhin niyo na hindi masasayang mga efforts niyong dalawa dahil ako yata ang unang-unang taong iiyak. Fan din ako ng SamLy noh!" Biro naman niya.

Lumipas ang oras at kailangan na naming matulog kaya bumalik na ako sa hotel room namin ni Sam.

"Hello, babe kumusta naman kwentuhan niyo?" May diin ang tono niya at halatang nainis na siya sa kakahintay sa akin.

"Ginawa ko lang naman yung part ko na intindihin nila tayo. Bawal naman kase itong ginagawa natin pero kailangan." Sabi ko naman sakanya.

Ayoko namang mabalewala yung effort ni Sam na nagresign pa sa trabaho niya makasama niya lang ako.

"I promise pagkatapos na nito magiging worth ang lahat." Sabi ko sakanya at pumunta na ako sa tabi niya.

"Goodluck bukas. Susuportahan kita sa training mo." Lambing naman niyo kaagad. Ieenjoy nalang namin ang mga araw na ito. Sandalilang ito at lahat ng ginagawa namin ay masusuklian, basta't nandito kami sa isa't isa.

NEXT DAY

Sam's POV

Nagising ako sa alarm clock ni Ly. Takte! 4am palang pala. Ang aga namang nagigising tong mga toh. Kaya sumabay ako sa kung anong gagawin nila.

Medyo nahihiya pa akong makipag-usap sa kanila pero ramdam ko naman na hindi ako out of place.

Nakanda na kaagad ang almusal para sa amin at buong oras na iyon ay hawak lang ni Ly yung kamay ko. Halata kase sa mukha ko ang hiya.

"Sam, huwag ka ng mahiya di kami others." Biro ni Ella. Natawa naman ako sa biro niya. Naalala ko tuloy na siya yung kausap no Ly noong nakinig ako sa pinto ng condo niya.

Nakaupo na kaming dalawa ni Ly at tumabi naman sa akin si Tots at si Celine yata name nito kase naririnig palagi name nila.

"Hello Sam, I'm Tots Carlos." Binati niya ako at nagpakilala din ako.

"Hello din po I'm Celine." Pakilala din niya.

"Girls! Huwag kayong masyadong magistory lalo na't may visitor tayo. Be aware nalang sa mga pinopost niyo. Hindi natin pwedeng ipakita sa public kung anung meron dito." Paalala ng coach nila habang nakatingin sa akin. Bumalik tuloy yung pagkamahiyain ko. Kung wala lang siguro ako dito edi sana okay lang silang magpost ng kahit ano.

Sinubukan ko nalang kumain para diko na masyadong isipin ang sinabi ng coach nila. May 4 hours break dahil kailangan nilang madigest kinain nila.

After 4 hours ay magtetraining na sila.

"Sam, wear this." Inabot sa akin ng coach nila ang isang uniform ng Cream Line.

"Thank you po, Coach." Tumango nalang siya at nauna na sa pupuntahan niya.

Bumalik ako sa kwarto para doon magbihis. Sina Ly at mga team mates niya sumakay na sa bus kaya dinalian ko ang pagbihis ko ayoko namang paghintayin nila. Tumakbo ako ng mabilis at nakarating din kaagad sa bus saktong isa nalang ang sasakay kaya humabol ako.

Nang nakasakay ako lahat ng mga mata ay nasakin. Di na ako nasanay sa ganito, bakit kase ganito pa nararamdaman ko.

"Sam! Here!" Nakita ko si Ly na tinaas niya kamay niya. Nakaupo pala siya sa dulo. Tumungo ako doon at tumabi na sa tabi niya.

"Girls! Yung pupuntahan natin na training ground is private. It means tayo lang ang tao nandoon. Palagi ko namab nireremin sainyo ito, don't go anywhere na wala kayong kasama okay? Marami na akong nababalita."

"Yes, Coach!" Sabay-sabay nilang sagot sakanya.

Hindi naman din kalayuan at nakarating na kami kaagad kung saan sila magtetraining.

The Queen's MVP Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon