"Ang ganda mo naman dyan sa suot mo? Mas mukha ka pa yatang golfer kesa sa akin." Sabay biro ni Alyssa sa suot ko. May mali ba sa suot ko? Kakakita ko lang Pinterest na ganito dapat suot ng mga babaeng golfer eh.
Nakasuot lang naman ako ng white jeans at white polo. Tama naman diba?
"Masyado ba akong maganda para sayo?" Syempre ginatungan ko yung biro niya.
"Hala, sa mga ganyang biro Sam ako na talo syempre ikaw na ang maganda kesa sakin." Nung sinabi niya yun ewan ko pero bat kinilig ako. Palagi ko naman yun naririnig pero bat nung kay Alyssa ko narinig parang lumipad ako.
"Tara na." Hinawakan niya kamay ko papuntang parking lot.
Napansin ko lang kay Ly na ang touchy niya. Bakit dipa nahulog si Denden dito kay Ly? Parang alagang-alaga ka sakanya kahit kaibigan ka niya. Paano pa kaya sa taong mahal niya diba?
Parang di nga talaga sapat ang lahat ng bagay na ginawa dahil lang hindi ka niya tinitignan bilang kaibigan. Bilib din ako na hanggang ngayon ay nakakayanan niya parin na maging masaya.
"Oh, napatulala ka dyan." Sabi niya habang nilalagay niya yung golf clubs sa sasakyan niya.
"About what you said awhile ago, Ly. Who is that person you can't move on with?" Napangisi siya sa tanong ko.
"You'll know her soon. Medyo maliit ang mundo Sam. There's a perfect time to those things. For now I won't tell it muna. Enjoy muna naten tong pahinga naten." She sounds like an old friend of mine. Pero kakakilala palang talaga namin. Edi sige wag na muna, kahit kilala ko na hehehe.
"So she's her? Are you one of LGBT?" I asked her.
"Yeah but closeted paren kase loyal eh." Natawa nalang siya at sabay na kaming pumasok sa loob.
Ang bango sa sasakyan niya. Amoy cherries na may konting vanilla ganoon. I know it, parang red velvet ganoon yung amoy ng loob.
"So Sam, since medyo may nalalaman ka na sa akin. How about you? How's life?" Ano nga ba sasabihin ko sakanya.
"Busy sa work and ngayon lang talaga ako nakalabas tapos kasama pa kita hayy expect the unexpected talaga. Yung dati kong judge, sizzy ko na ngayon." Weird ko "Sizzy?"
"Same talaga tayo ng pinagdadaanan kaya di na kita pinaghintay masyado. I wanna communicate to other people. Make friends and work on my social life. Gusto ko ng ipractice na wag masyadong maging introvert." Awww so ako ba yung first person na nakausap niya? She must be so lonely and tired these days.
"I'm happy that you are making an effort on improving yourself. Bihira lang yung taong ganyan. I'm proud of you, remember that." Sabi ko naman sakanya at ngumiti naman siya habang nagmamaneho.
"How's volleyball?" I asked her.
"We won championship on PVL actually." Napalaki naman mata ko at kaagad namang nag-congrats sakanya.
"Oh! I'm so sorry diko alam! Congratulations!" Ihh kadiri non Samantha dimo alam ugh...
"Thank youuu!!! I've been waiting for someone to say that to me. Nakakagulat na ikaw pa ang nagsabi saken niyan." Ang lungkot niya. Like she is trying her best to be okay but at the same time she's vulnerable too.
"Meron pa bang mas lalalim sa problema mo Ly? I can listen. Huwag kang mahiyang maglabas ng damdamin sa akin." Hinawakan ko kamay niya na nasa kambyo.
"Wala namang mas lalalim pa dito Sam. I just miss everyone. I miss the old routines that I'm doing. Yung gigising ako sa umaga kasama ko pamilya ko o kaya naman makapag-hangout din sa mga iba kong kaibigan na diko team mates. Lalong lalo na yung taong diko makalimutan. I just can't go on because of her." Hala papaiyakin ko yata si Ly, shet diko sinasadya. Nagdadrive pa naman siya.
Tumahimik muna ako para makapagdrive siya ng mabuti. Halata sa kanyang mata na namimiss niya si Denden.
After 30 minutes nakarating din kami sa golf course. Maganda ang panahon dahil di masyadong mainit. Ayokong umitim ng maaga hangga't di ako pumupunta ng beach.
"I'll teach the basics ha." Ngayon pinahawak niya ako ng golf club. She guided me how to make a form.
"Huwag ka lang basta-basta papalo. As much as possible you should know where it will land." Ramdam ko naman buong katawan niya kase nakayakap niya saken at hawak niya bigat ng kamay ko.
Diko maiwasang mapatingin sakanya. Bigla ako nabingi dahil bumagal ang mundo ko. Hala bakla.
"Nakikinig ka ba? Oy!" Bigla akong nagulat kase sumigaw siya.
"Aray ko! Sakit nun ha." Tumayo nalang siya tabi ko.
"Pumalo ka na, let's see." Sabi niya kaya nagready na ako.
1
2
3!
Pack!!!
"Wahhh!!!!" Pumasok!!! Nagcelebrate naman ako at napayakap sakanya. Siya naman napatingin sa akin.
"U-Uhmm Congrats!" Nautal naman siya saken. Honestly, thid is kinda awkward.
She started to get ready dahil siya na susunod na papalo.
"Watch and learn..." She whispered at sabay namang palo niya.
Woah...pumasok!
"Wow!!! Ang galing!" Pumapalakpak nalang ako. Diko na siya yayakapin...
"Look who's here!" Napatingin kaming dalawa ni Ly dahil may lalaking lumapit sakanya. Kakilala niya yata.
I noticed that she was startled. Medyo nahihiya na makipagusap sakanya.
"Hello, LA." Nakipagbeso naman si Ly sakanya.
LA? Sino kaya toh? Parang may past silang dalawa ah. Ex ba niya toh?
"I brought my friend here. Do you know her?" Pinakilala naman niya ako sakanya.
"Wow, are you a beauty queen sa isang pageant? I'm sorry, I'm not super familiar. Diba you're popular din sa Kumu?" LA said to me.
"Nice too meet you. It's okay matagal na na rin naman yun. I'm the Miss Grand International 1st runner up and yes I use Kumu." Nakipag-kamay naman ako sakanya.
"Yeah, Den told me that you're too popular in Kumu. She looks up to you by the way. I hope we can hangout next time, kasama si Ly." He said.
Wait what? Den? Don't tell me...
"In case you wonder why I know Den. I'm her husband."
"Ohh, that's why. Kaya pala may revilla yung username niya cuz she is Mrs.Revilla na." Napapatingin naman ako kay Ly. Pinipilit nalang niya ang ngiti niya.
"Mauna na pala ako. Ly, Den misses you so much, you two should hangout too soon. Ingat kayo." Bumeso kaming dalawa ni Ly at tuluyan ng umalis si LA.
Ly is right, "Maliit ang mundo."
BINABASA MO ANG
The Queen's MVP
FanficWhen Alyssa decides to move into a condo unit and meets Samantha Bernardo, the beauty queen who has joined the Miss Grand International 2020 competition, she becomes her neighbor, and Alyssa's life takes fascinating, adventurous, and climactic turns...