Chapter 13

337 16 1
                                    

Nagising ako at napansin wala si Samantha sa tabi ko. Tumayo ako kaagad upang hanapin siya. Nakita ko siya sa kusina na nagluluto ng almusal.

Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Dinikit ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Goodmorning, Sam." I kissed her neck all the way to her shoulders.

"Goodmorning, Ly. Masarap ba tulog mo?" Tanong niya sa akin at nilevel ko ang ulo ko sakanya.

"Yeah, napanaginipan nga kita eh." Binaba ko ang mga kamay ko sa bewang niya at minasahe lang siya ng dahan-dahan.

"Kumain muna tayo ng breakfast." Umiwas siya sa mga hawak ko at hinanda naman niya ang plato at pagkain.

Ayaw niya talaga akong makascore ha...

Kumain na kami at tulad ng nakaugalian namin nagsusubuan kami ng pagkain. Pero ayaw niya ng magpakandong kahit gusto niya man, baka kase gumawa na naman ako ng milagro. HAHAHA!

Pagkatapos naming kumain, naliligo na siya at ako naman naghilamos nalang ng mukha dahil baka hindi ko pa siya maihatid ng maaga sa trabaho niya.

Habang hinihintay ko siyang matapos, narinig ko ang phone ko na may notification.

"Ly, are you free today? Free na ako, let's hangout!"

Denden messaged me after the longest time na hindi na kami nagusap.

"Sige, I'll call you later. I'll just do something."

Uhm is this right? Should I tell it to Sam?

"Ly, I'm ready tara na." Nadistract ako dahil ang ganda niya sa suot niya. Naka-coat siya and pants.

"Call me kapag tapos ka na ha. Para di kita pinaghihintay." I said to her and I kissed her hand.

"Hanggang ngayon di pa rin ako nasasanay na ganyan ka." Sabi niya habang kinikilig. Kaya pumunta na kami sa parking lot at sinumulan ko na ang pag-andar ng sasakyan ko.

"I'll be meeting a friend today, Sam." Napatingin siya sa akin at bigla akong kinabahan. Baka kase tanungin niya pa kung sino.

"Sinong friend na yan?" Sabi ko na eh.

"Actually, I'll be meeting Denden today." Napatahimik siya. Ayoko naman din kaseng magsinungaling sakanya.

"Nagpapaalam ako sayo. Matagal na rin kase kaming di naguusap."

"Do you miss her?" Tumingin ako saglit sakanya at hindi na siya nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa bintana.

"Heyy..." I softly said and I held her hand.

"Always remember that you are now here." I pointed my chest.

"Kung nangangamba ka icacancel ko nalang." Kukunin ko sana phone ko pero tinigilan niya ako.

"May sinabi ba akong cancel mo?" Nagulat ako sa inasta niya. She became masungit.

"Papayagan kita Ly. She's still her friend. Wala na akong respeto sayo kung ilalayo na kita sa social life mo. Hindi ko lang maiwasang baka bumalik ang lahat. Baka marealize mo na mahal mo pa pala siya." Tinabi ko muna saglit yung saksakyan at naghazzard muna ako.

"Heyy...Sam." I cupped her cheeks and lean to her.

"I love you. Walang makakapagpalit sayo. Kahit pa si Denden. I already moved on. Hindi kita sasaktan." I kissed her and she responded.

Hindi nagtagal ang halikan namin dahil may hinahabol din kaming oras.

"Wipe your lips." Inabutan niya ako ng wipes. Nakita ko sa rear mirror na kumapit yung lipstick ni Sam sa labi ko.

Hindi nagtagal ay nakarating na ren kami sa building kung saan siya nagwowork.

"Hatid na kita." Hindi ko na siya pinagsalita at kinuha ko ang bag niya. I clinged her to me.

We are walking towards the elevator. Dahil nasa 20th floor siya medyo matatagalan kami. Pumasok na kaming dalawa sa elevator at ako ng nagpindot ng buttons.

"Ly..." Nanginig na naman ako sa boses niya.

Bigla niya akong hinalikan ng mapusok. Dahil sa gulat ko napadilat lang ako habang hinahalikan niya ako.

"Papaalala ko sayo na mahal na mahal kita, Ly." She said between our kiss.

"Yes, I love you." Sagot ko. Nagseselos talaga siya.

Nang narinig namin ang elevator na nasa 20th floor na nag-ayos siya kaagad ng sarili niya.

"Mamimiss kita, Sam." Sabi ko sakanya.

"Mamimiss din kita ng sobra, Ly." Sagot naman niya. Hinawakan ko lang ang kamay niya hanghang sa makarating kami sa harapan ng office niya.

"Hanggang dito nalang, Valdez." Asar niya sa akin.

"Kiss." Tinuro ko labi ko and she leaned and kissed me.

"Bye, Sam. Huwag kang magpapapagod ha. Call me." I winked at her.

"Bye!" Nagpaalam na siya.

Tumayo muna ako saglit sa labas. Natulala ako bigla, basta nalang lumuha ang mata ko.

I just love her so much...

Naiyak ako sa sobrang tuwa. Umaapaw at hindi ko mapigilang mapangiti at mapaluha.

Hindi ako natutong magmahal noon. Pero dahil sakanya unti-unti kong nakikita ang totoong sarili ko.

Wala ng mas hihigit pa kay Sam.

Lumabas na ako at pumunta na ulit kung saan nakapark ang sasakyan ko.

Before starting the car, I decided to call Denden.

"Hello?" I missed her voice...

"Hello Den?"

"Yes, Ly?"

Ang awkward...

"Uhm, susunduin ba kita dyan sainyo?"

"If you want naman it's okay."

"Okay, I'll see you there. Bye."

"Bye, ingat ka." Binaba ko na kaagad ang call.

Ang chill niya lang. Hindi siya boses ng isang pagod na tao di katulad nung last time I called her. Maingay at rinig na rinig ko ang hingal niya.

Gusto ko din naman siyang kamustahin kung okay naman silang dalawa ni LA. Minsan din naman akong nagmahal kay Den kahit patago man. Gusto kong malaman kung nasa tamang tao na talaga siya.

Habang nagdadrive ako biglang narinig ko yung phone ko na merong message sa Viber.

"Hello babe, I miss you already."

Si Sam ang nagmessage. Damn! I miss her too...

"Mag-focus ka nga dyan. Baka pagalitan ka dyan gumagamit ka ng phone mo. By the way, I miss you too." Sagot ko.

"Hindi nga ako makapag-focus eh. All I think about is you..."

Napakagat ako sa labi. Parang gusto ko nalang bumalik doon. Kahit doon nalang nga ako magstay sa labas ay gagawin ko eh.

"7 more hours babe..." Binitawan ko muna phone ko dahil nagdadrive ako. Hay, baka mahuli pa ako.

30 minutes after, nakarating din ako ng mabilis sa bahay nina Denden.



--------------------------------------------------------------

#IbitinNaMunaNatin

The Queen's MVP Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon