Chapter 3

351 15 0
                                    

Bumaba ako sa lobby para magalmusal. Wala akong gagawin sa araw na ito dahil Saturday ngayon. Naalala ko tuloy regarding sa narinig ko kahapon. Naramdaman kong parang ang sama ko yatang maki-chismis na di sinasadya? Pero parang di pa ako kumbinsado eh kailangan ko pa ng assurance.

Kaya tinawagan ko yung lodi na lodi si Alyssa.

"Hello, Anji!" Tinawagan ko si Anji. Nagkakilala den kami dito sa Kumu. Isa ren siyang Kumu Queen, pero mas sporty toh at under siya ng star magic, pangarap niya reng maging artista.

"Hello, Ate Sam baket po kayo napatawag?" Ang galang talaga ng batang ito.

"Diba lodi mo si Alyssa Valdez?" Tanong ko.

"Opo idol ko siya ate." May halong excitement yung boses niya.

"May mga itatanong sana ako since ikaw yung mas may knowledge sa volleyball players." Ang chismosa ng dating ko doon ha.

"Si Denden at si Alyssa, anong meron sa kanila dati?" Tama ba yung pagkatanong ko? Hay nako.

"Ohhh about dyan. Meron silang tandem called AlyDen. I was once an AlyDen fan talaga as in pero lahat ng iyon ay imaginations ng mga fans. Gusto talaga naming maging together noong single pa silang dalawa. But things changed when Ate Denden blocked some AlyDen shippers sa Twitter. Yung iba naman pinatulan niya na. Baket daw ba kami mga delulu. Dala na ren ng Wattpad kase ang dami talagang gumagawa ng fanfic tungkol sakanilang dalawa."

Now I know...

"Pero ngayon talaga nagpakasal na si Ate Denden eh kay LA Revilla, basketball player yon noon sa Lasalle. Si Ate Alyssa naman single paren hanggang ngayon at busy sa paglalaro niya sa Creamline."

Hindi ko pwedeng sabihin talaga kay Anji yung narinig ko. Hayy anyways, I should keep it to myself nalang, since it's not my business...

"Ahhh ganon. Thank you for the info. Natanong ko lang yan kase napadaan lang ako sa highlights dati ng volleyball then andami ko ng napanood na edits about Alyssa and Denden." Galing ng palusot ko. Ang talino ko talaga.

"Yes ang dami nga nila noon pero ngayon at heart nalang, like me. HAHAHA!!!"

Nalungkot ako ng slight kase narinig ko na ren mismo kay Alyssa na mahal niya pa si Denden kahit kasal pa siya. Ang sakit naman sa part niya na pipiliting niya maging masaya para lang sa taong mahal niya.

"Kung ikaw mismo ang gagawa ng mundo nila, Anji? Sinong unang magkakagusto sakanila?" Bakasakali lang na makaramdam si Anji.

"Si Ate Ly, siya yung nararamdaman kong unang magkaka-feelings. Di man showy yan pero sa loob mapupuno ng butterflies."

Told ya...

"Ate Sam tawag na ako ni KD may date daw kami." Aguy, mga bata talaga ang sweet pakinggan kapag ganyan.

"Tara na Ji!" Excited na tawag ni KD kay Anji.

"Sige na, ang aga-aga niyo namang nagdedate ha. Pero enjoy!" Sabi ko sakanila, nagpaalam den sila at binaba na ren yung phone.

Habang nakaupo lang dito sa lobby nagulat ako na pumasok si Alyssa sa entrance na nakahoodie. Halatang kakajogging niya palang. Pawis na pawis at hingal na hingal.

Buti di ako napansin at kaagad den siyang pumasok sa elevator.

Di kaya nakatira na talaga siya dito? Shucks!

Kumain akong bacon and egg with pancake. Nagorder ren ako ng coffee para magising ang diwa ko.

Nang natapos ako sa pagkain ko bumalik ako sa unit ko para mag-ayos dahil trip kong magkumu live ng maaga. Dahil wala rin naman akong gagawin ngayon, siguro buong araw ko mag-kumu nalang talaga ako.

Nagmakeup at nagbihis ako at sinetup ko yung ringlight.

3

2

1

GO!

"Hello Kumunizens! This is Samantha Bernardo your Miss Grand International 2020 1st runner-up and your Kumu Queen!" Habang naghihintay ng mga viewers napansin ko yung isang silver badge na "dlrevilla"

"Hello dlrevilla!" Nang narealize ko na si Denden pala yon.

"Ow! Hello Denden!" Sabay wave sakanya.

"Do you wanna come up?" Tanong ko. Hinintay ko lang request niya pero di siya nagrequest.

"Sorry sis! I'm a bit busy, maybe next time I'll go live with you!"

"That's alright! Take care!" Sayang. I wanna talk to her because I'm getting interested to their story. Even if I'm not a volleyball fan I want to know what they think of each other.

My Kumu live is not that in the "popular now" besides it's still morning it's normal. Sa gabi lang kase ako kadalasang naglalalive and maybe later wag na muna ako maglive kase I want to go bowling sa gym mamaya.

"Ate Sam when are you going to have a boyfriend?" Tanong ng isang nagcomment.

"I want to be single muna and di ako ang nagpapaligaw as of the moment. Kase mas inaatupag ko work ko, dahil pag kinasal na ako dapat satisfied na ako na iend ang pagiging dalaga ko. No boyfriend, no problems diba." Sagot ko naman. I'm more interested about the love of two people than my lovelife.

"Gayahin niyo si Ate Sam niyo ha lalo na kayong mga bata pa listen to her. Wag niyong sayangin pagiging dalaga niyo, there so many things to do while you are young achieve it." Napansin ko yung comment ni Denden. Awww why? Bat naman niya nasabi yon?

"Den if you are not okay call me ha. I'm just a mile away to your house." Sabay kindat sa camera. Buti naman at di ako mailap sakanya dahil nagpansinan naren naman kami once.

"No wonder ikaw ng Kumu Queen, you inspire younger generations." She said naman.

"You too! Denden, you inspire people too." Sabi ko nalang.

"Move on na yata kami sa AlyDen kase may SamDen naman." Sabi ng iang nagcomment.

"Mrs. Revilla na yan wag nyo ng iship sa iba and I don't know who is Aly." Babala ko naman sakanila. Totoo nga talaga yung mga taong delulu, kahit sino nalang ishiship. Kunwari diko alam si "Aly" gosh gumagana ba?

"#MoveOn" sabi naman ni Denden sa comments.

Nagpanggap talaga ako wala akong alam kase baket naman ako magakakaroon ng knowledge diba edi sana nahalata na ako?

Basta I don't know about AlyDen...

Yeah... diko talaga alam ang tungkol sakanila....

CHAR! HAHAHA!

The Queen's MVP Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon