Denden's POV
Natapos din akong magphotoshoot for the Kumu Billboard.
"Ang ganda naman ni Love..." Rinig kong bulong saken ni Ella habang si Jema ang pinipicturan."Yieee. Inlove na inlove ang Lola Ella oh." Sabay kurot sa pisngi niya.
"Besh I have a question." Bigla naman siyang naging seryso at binaling ang atensyon sa akin.
"Ano yun?"
"Nagkita ba kayo ni Ly these past few days? Bat parang di ka niya miss? Eh nakita namin sila ni Sam kanina sa Pancake House. Actually, inaya ko sila na sumama sa amin. Medyo nagulat lang ako kase di siya nagreact. That's weird..." Seryoso ang mukha ni Ella na nakatingin sa akin.
"Uh-Uhmm no we haven't seen each other yet. Baka lang siguro may pupuntahan ang dalawa." Sabi ko nalang.
Of course she would never miss me this time...
"Next time mag-set naman tayo. Alam mo na to talk about everything out. Alam kong mabigat ito for you. Pero iba parin kung malalabas mo lahat sa amin yung mga sama mo sa loob." Gets ko naman ang gustong mangyari ni Ella. Naappreciate ko yun bilang kaibigan.
"Siguro next time nalang Ells. Magiging busy ako kase may inaayos na akong mga papeles." Napakunot noo ni Ella sa akin na parang nagtataka kung ano bang papeles ang aayusin ko.
"What papers?"
"Basta. It's not that important."
She just shrugged her shoulders and turned her attention to Jema.
Natapos kaming lahat at plano na naming magpaalam ngunit inaya ako ni Ella na magstay muna sa condo nilang dalawa ni Jema. Since Jema knows it already, comfy naman ako.
Nag-convoy lang kami. Plano ko na matulog nalang den doon since malayo pa ang bahay namin. Pati pagod na ren ako, diko na kayang magdrive. Pongay insited na sumama dahil may kailangan pa siyang gawin.
Habang nagdadrive, nagtext si Ella sa akin na magstop muna sa 7/11 para bumili ng iinumin at snacks.
We entered the store and walked in to the liquor section. Natakam ako nung nakita ko yung Smirnoff Mule. Tagal ko ng di umiinom and I think it's time to drink while the wound in my heart is still open and fresh.
"Vodka?" Ella asked me with concern on her tone.
"Yeah. Namiss ko na vodka eh." Hindi nalang niya ako nilingon at pumunta na kami sa cashier. They bought snacks na chichirya.
Pagkatapos naming namili ay bumalik na din kami sa kanyang sasakyan ni Ella dahil nga naka-convoy kami.
Medyo malayo ang condo nila pero mas malayo paren ang tahanan ko kesa dito.
FAST FORWARD
Sa wakas at nakarating na ren kami at sabay-sabay na kaming pumunta sa loob ng condo.
"Nice place. Dati hindi naman ganun kaganda interior mo." Pansin ko kase naging mas vibrant ang loob. Hindi na plain and boring.
"Thanks to Jema. She was the one who helped me." Sabag lingon kay Jema na may ngiti sa labi. Yieee, sakanila nalang talaga ako kinikilig. Maski sa pag-ihi ko, di ako kinikilig.
Inayos namin ang mini table and three bean bags sa sala. Nilatag ko na yung 12 pieces na bote ng Smirnoff. Sila naman nilagay na nila yung chips and popcorns sa gitna.
Binuksan namin ang kanya-kanyang bote at diko na rin sila hinintay at ininom ko yun kaagad. Hayy, ang sarap.
"Alam niyo na rin ang nangyari sa amin ni LA so I would not start the story from there..."
I took again a big gulp of vodka. I want it to hit me before I speak.
"Ly visited me, nung isang araw. Wala siyang pasabi na dadalaw siya. I thought she came for casual talk at kumustahin ako dahil nga sa sitwasyon ko. Pero akala ko lang yon. She honestly told me na nagselos si Sam sa aming dalawa." Huminga ako ng malalim at uminom ulit ng alak.
Pansin ko ang mga itsura nina Jema at Ella ang lungkot at pag-aalala sa kanilang mukha.
"She told me that she still have feelings for me. Narealize ko na para ba ako ang villain dito. Kung hindi lang ako gumawa ng eksena about sa paghihiwalay namin ni LA hindi aabot sa ganito ang nararamdaman ni Ly but how can I blame her? I needed her so much to the point that I don't care if she has past feelings for me. All I wanted was my best friend." I finished one bottle and opened another.
"Den..." Ella held my hand. Jema went closer and hughed my side.
"Ang gago naman ni Ly. Ngayon ko lang siya masasabihan na ang gago niya. I thought si Sam na talaga and this? May feelings pa siya sayo?" Ella said with frustration and shook her head.
"Maybe she's just confused Den. Parang nagegets ko na eh. Yung nakaraang di niya maamin sayo, ngayon nagawa niya na. She thought she still have a chance with you. Honestly, hindi niya talaga gustong maikasal kayo ni LA noon pero ano pa bang magagawa niya diba?"
Tama. Nagkaroon siya ng pagkakataon. Hinayaan ko lang siyang mahulog ulit. Sino ba siya para sisihin ko?
"Ate, siguro mas mabuting umiwas talaga muna kayo sa isa't isa. I think makakamove din siya." Sabi naman ni Jema.
Ininom ko muna yung vodka ulit. Napapikit ako sa tapang.
"Kung naging tama lang ang panahon. Bibigyan ko naman siya ng pagkakataong mahalin ako. Napangunahan siya ng takot at naiitindihan ko yon. Pero just imagine, if she's just too brave to tell it to me that she loves me then we would never be like this. Sa totoo lang, mas nasira nga friendship namin ngayon kesa sa inaasahan niya dati. If she thought that our friendship will end because of her confession, she's wrong."
After awhile, the alcohol kicks in. Naging manhid ako at hindi ko na namalayang umiiyak na ako.
"Den, iiyak mo lang..." Ella hugged me and rested her head on my shoulder.
"Naguiguilty ako at hindi ko alam kung bakit. Should I feel bad about this? Bakit parang obligado ako?"
"Ayokong maging home wrecker..."
"Ayokong matawag na cheater..."
"At lalo na sa lahat. Ayokong mawalan ng tiwala sa akin si Samantha..."
BINABASA MO ANG
The Queen's MVP
FanfictionWhen Alyssa decides to move into a condo unit and meets Samantha Bernardo, the beauty queen who has joined the Miss Grand International 2020 competition, she becomes her neighbor, and Alyssa's life takes fascinating, adventurous, and climactic turns...