Janna p.o.v.
At may biglang humawak sa balikat ko..
"Wahhhhhhhhhh "sigaw ko at pinagpapagpag at pinapalo pa yung balikat ko at nagtatalon sobrang bilis ng tibok ng puso ko ....grabe kanina pa ko nagkakaganito baka may sakit na ko
"Anong problema mo"bigla kong napatingin sa kanya.... takang taka naman yung mukha nya....
"Wahhhh hohohohohhhh"bigla kong tumakbo sa kanya at niyakap sya at umiyak..... hohohohhhhh natakot talaga ko .... eh kasi
"Hoyyyy shhhhh tumigil kana shhhhhh"sabi nya at hinaplos haplos pa yung likod ko..... hihohohhhh siguro dapat ko ng tigilan ang panunuod ng nakakatakot.....
"*Sniff* Ikaw kasi bat mo sinarado yung pinto tapos *sniff* may creepy sound kaya ayon tapos may humawak pa sa balikat ko at ikaw yun"sabi ko....
"Tsk nasobrahan kana sa panunuod mo ng mga nakakatakot"sabi nya... tapos bigla kong na realize na nakayakap pala ko sa kanya kaya bigla ko syang tinulak... at tiningnan ng masama...
"Oh bakit ikaw kaya ang yumakap at umiyak na parang baby"sabi nya ng natatawa pa ....
Hmmmpppphhhh tinalikuran ko sya at nauna ng bumaba .... bigla kong huminto ng nasa may tapat na kami ng bahay..."San pala tayo pupunta atsaka asan yung kinuha mo "sabi ko ng nagtataka....
"Yung wallet ko"sabi nya....at lumabas na sumunod ako sa kanya .... at bigla akong nagtaka ng pumunta sya sa may garahe eh nasa labas yung kotse....
"Tsk bilisan muna"pagtingin ko wahhhhh ano yan motor.... ang astig tingnan pero may problema....
"Bakit"tanong nya ..... bigla kong napa iwas ng tingin sa kanya may takot kasi ako sa pagsakay sa mga motor kahit nga sa bike.... di rin ako marunong .
"Tsk sumakay kana o iiwan kita dito"bigla naman akong nagulat wahhhhhh anong gagawin ko....
"Sumakay kana "sabi nya at binigay sakin yung helmet kaya sinuot ko agad.... at yumakap talaga ako ng sobrang higpit sa kanya .... at inistart nya na nga at pinatakbo nakapikit lang ako
Mae mag isip kalang ng masaya wag mong isiping naka na na na na basta mag isip kalang ng masaya....
At ilang minuto lang huminto na kaya napadilat ako.... at pag tingin ko mall....
"Mall"sa isip
"Anong gagawin natin"sabi ko sa kanya di parin ako bumababa at syempre bumibitaw.....
"Di ka pa ba bibitaw o baka gusto mo -----"di ko na sya pinatapos pa....
"Oo na eto na nga eh bababa na "sabi ko at bumaba na.... tsk iwan ko na kaya to malapit lang naman dito yung apartment ko....
"Anong gagawin natin"sabi ko at tiningnan sya at sya naman nag kakalikot sa cp nya....
"Tsk maghahanap ng matutulugan"sabi nya.....
"Huh!edi ba may bahay ka ang laki laki nyon"sabi ko....
"Sa nangyari kanina siguradong nasundan nako "sabi nya..... anong nasundan na sya....
"Ba-bakit may magtatangka ba sa buhay mo"tanong ko na nautal pa.... tumingin sya at lumapit sakin ,hinawakan nya yung kamay ko kaya bigla kong napatingin dun at wahhhh nagsisimula na namang tumibok ng mabilis si heart .. .
"Bi-bitawan mo nga kamay ko "at pilit kong tinanggal yung kamay ko....
"Sa bahay mo nalang ako matutulog"sabi nya kaya napahinto ako sa pagtanggal ng kamay ko at tumingin sa kanya ....
"ANO"
_Ms. Tanga vs. Mr. Devil_
Wahhhhhhh hanggang 2 chaps. A day lang kaya ko sana ishare nyo sa mga friends nyo yung story na to and "humayo kayo at magpakarami hahahahhhh"