Lunch
Mabuti nalang Friday ginanap ang acquaintance party! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling makikita ko agad si Lucas pagkatapos ng nangyari kagabi! Oh gosh! I really didn't expected him to do that. Buti nalang walang nakakita na iba, kung mayroon man, hindi ko kayang mapahiya siya kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi pa talaga ako handa sa ganung bagay.. I mean, I'm still seventeen and I don't consider myself as a matured one when it comes to being in a relationship. And for goodness sake, hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit isa! I still don't know how to handle such thing. Nakakatakot din.. Masyado pa kaming mga bata para pumasok sa Isang relasyon na walang kasiguraduhan na magiging kami hanggang sa pagtanda namin.
It's Saturday kaya naman kahit seven am na, nanatili parin akong nakahiga sa aking double size bed. Tuwing sabado may katulong kaming pumupunta para gumawa ng mga gawaing bahay. General cleaning ang gagawin niya pagkatapos magluto ng breakfast. Kinuha ko ang aking phone when I heard it rang.
"Hello?"
"Eu! Papunta na kami diyan! Pupunta tayo sa bahay ni Rose!"
"What? Kakagising ko lang, pwede ba?" I rolled my eyes as I answered her.
"Papunta pa lang naman, haler? Maghanda ka na bilis!"
"You are so annoying." I answered and ended the call. She just laughed.
I groggily went off my bed and proceed to my bathroom. A quick shower will do.
I wore a swhite tank top and a jogger pants. Isang maliit na sling bag ang dinala ko upang pagsidlan ng aking purse at cellphone.
Then, I went down to eat my breakfast.
"Eurentice, may lakad ka?" My lola asked.
"Yes lola, pupunta lang po kami sa kaklase namin."
"Eu! Hello lola!" Napalingon kami Kay Chloe na ngayon ay walang pasubaling pumasok sa kitchen. Nakasunod si Annie na may dala-dalang basket na naglalaman ng iba't ibang prutas.
"Para sayo po, lola!" sabi ni Annie sabay lapag sa mesa ng kanyang dala at kuha ng kanang kamay upang magmano.
"Kayong dalawa talaga. Nag-abala pa kayo. Salamat dito."
"Walang anuman po."
"Kung hindi pa kayo nag-agahan ay sumabay na kayo kay Entice. Titingnan ko lang iyong bago kong tanim na bulaklak."
"Opo, lola."
"At kung sakaling aalis na kayo Entice, ay huwag mong kalimutang i-lock ang gate."
"Opo, la." ako na ang sumagot dahil abala na ang dalawa sa pagkuha ng kani-kanilang pinggan.
"Sinu-sino raw ba ang pupunta kina Rose?" tanong ko pagkaraan ng ilang saglit.
"Halos lahat ata ng kaklase natin ay pupunta maliban na lang sa hindi masyadong ka-close natin." sagot ni Chloe bago sumubo ng pagkain.
"Hmmm, 'kay." sagot ko,
Pagkatapos naming mag-agahan ay agad na kaming sumakay ng tricycle papunta sa bahay ni Rose. It's a thirty minutes drive away from our house. Ang bahay nila ay sakto lamang sa laki at nasa gitna ito ng malawak na lupain nila. May fishpond din sila na isa sa hanapbuhay ng kanilang pamilya kaya kapag talaga nag-aanyaya si Rose kanila ay siguradong hindi kami magugutom.
Ilang metro pa lang ang layo namin sa bahay nina Rose ay nakita na namin ang ilang kaklase na abala sa mga gawain. Unang nakapansin sa amin ay si Maco na abala sa pagbibiyak ng buko.
"Guys! Sina Chloe!" Maco said. Nagsilingunan ang mga kaklase namin at kumaway.
"Bayad po kuya. Salamat." sabi ko sabay abot ng bayad. Unang bumaba si Chloe at agad sumunod si Annie.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Eurentice
Teen FictionEurentice and Lucas have known each other since high school. Lucas, the son of the town's mayor and the crowd's favorite got a crush on the oblivious girl named Eurentice. Hanggang sa magkita silang muli sa hindi inaasahang pagkakataon. They were an...