Chapter 8

31 12 0
                                    

Well Spent Sunday



Kakarating ko lang sa Saint Joseph Cathedral nang makita ko kaagad ang aking ina na nakaupo sa kaliwang bahagi ng simbahan. Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya. I wore a flowy short summer dress. I looked at my wristwatch, it's still seven in the morning.

"Mi.." mahinang sabi ko sabay upo sa tabi niya.

"Entice.." baling ng aking ina sabay halik sa aking pisngi. I kissed her back and hug her.

Tinapos na muna namin ang simba bago nagpasyang umalis. Linggo at ngayon ang nakatakdang pagkikita namin ng aking ina. We just talk a bit and decided to part ways after she gave me an amount of money and some personal things.

I was about to go home when Lucas called over the phone.

"Hey," bati ko sa kanya habang naglalakad na papalabas ng simbahan. I am now heading towards the Guingona park na nasa harap lang ng simbahan.

"Hi, Eu! Are you busy? I just want to invite you to watch a movie."

"Hindi naman. Pauwi na sana ako. Nasa city proper ako ngayon." pagbibigay imporma ko.

"Talaga? Can I come over?" excitement can be clearly heard in his voice.

"Ikaw bahala."

"If it's not too much Eu, can you wait for me? Just give me ten minutes." sagot nito. Ten minutes? Ano siya, si The Flash?

"Okay. Kung sakali mang lumagpas ka ng sampung minuto ay aalis na ako." himig pagbibiro kong sabi.

"G-great! I'll hang up na."

Napapailing nalang ako't natatawa. Before I forgot, I sent him a message about my exact location at baka kung saan-saan pa mapadpad ang isang yun. I went to a park and sat comfortably on a bench which is under on a big acacia tree. Ang Guingona park ay kaharap lang ng simbahan kaya naman ay ilang hakbang lang ang kailangang lakarin at makakarating kana. Nabubusog ang aking mga mata sa tanawin na nakikita. The sky was clear blue. May nagtitinda ng mga colorful balloons and some street foods. May nagtitinda rin ng cotton candies. Hanggang sa dumako ang aking mga mata sa isang masayang pamilya. I smiled bitterly at bahagyang iniwas ang paningin sa kanila, sa halip ay itinuon ko nalang ang aking tingin sa mga nagtitinda ng balloons at bulaklak.

Napapiksi ako ng biglang may kamay ang biglang tumakip sa mata ko. My heart beats faster than usual which made me wonder. The scent was very familiar..

"I know it's you.." sabi ko. I heard him chuckle.

"Hi." nakangiti niyang sabi paglingon ko. He's holding a bouquet. Baby's breath! I smiled ng binigay niya ang mga ito sa akin.

"Thanks." sabi ko. I really love this flower.

"Hindi nga pala makakarating sina Brook at Tricia, Eu. Is that alright?" he asked nervously. I arched my eyebrow and grinned. I wonder if it's his first time to pursue a girl, based on his reaction, parang hindi kasi sanay. This may be my first date with a guy but I am surprisingly calm and comfortable.

"Sure."

Bago kami pumuntang mall ay kumain muna kami sa ilang street foods na nakita namin. Ni hindi man lang ako nakapaglabas kahit na barya mula sa aking wallet. Sagot niya lahat kahit na anong pilit ko na hatian namin ang bayarin ay hindi ito pumayag. Fine. Mas makakatipid ako nito. Pagdating namin sa mall ay agad kaming pumunta sa third floor kung saan naroroon ang cinema room.

"Anong gusto mong panoorin Eu?" tanong niya habang tumitingin sa mga ipapalabas.

"Ikaw ang bahala. Anything would be fine except horror." natatawa kong sabi. I'm not a fan of horror movies or even thriller and suspense. I saw him grinned.

Sincerely Yours, EurenticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon