First Day High
Nagkalat na mga estudyante, bagong linis na field at nagkukumahog na mga guro; a typical high school first day scene. Naglalakad ako papunta sa building ng mga senior kung saan nakalista sa isang puting papel ang mga pangalan ng mga incoming senior students na idinikit sa mismong pintuan ng bawat classroom. Pangiti-ngiti lang ako sa mga kilalang nakakasagupa ko. I haven't seen my best friends yet. Agad kong tiningnan ang mga listahan at napag-alamang sa section Einstein ako nabibilang. Not bad since it's the section one for this year.
"Eu!'' malakas na sigaw nang isang napaka-familiar na boses ang nagpalingon sa akin. And there I saw Chloe who's all smiled with her shoulder length hair and her black Korean bag style. I waved a hand at her.
"Chloe!" tawag ko sa pangalan niya. She then abruptly encircled her arm on my wrist.
"Anong section ka Eu?" tanong niya habang tinitingnan ang pangalan niya sa listahang tiningnan ko kanina.
"Oh my God! Section Einstein ako !" she happily beamed.
"And we're classmates.'' sabi ko habang nakangiti sabay akbay sa kanya. She's all smiled habang naglalakad kami papuntang guidance upang magpapirma.
"What about Annie? Anong section siya?" tanong niya pagkaraan ng ilang saglit.
"Eu!"
"Ann!" sabay namin ng makita ang nagmamadaling si Annie papunta sa aming direksiyon. Tumawa kami dahil sa sabay naming pagtawag sa pangalan niya. Agad kaming huminto upang hintayin ito.
"Sa'n punta niyo?" tanong niya.
"Sa guidance. Tapos ka na bang magpapirma?" sagot ni Chloe sa kanya habang ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Yeah, first day na first day sa klase at saka lang kami nagpapirma sa aming clearance slip. Huwag tularan.
"Do'n nga rin ang punta ko. Buti nga nakita ko kayo."
"Ang tagal mo kasi. First day na first day." sagot ni Chloe habang tumatawa.
"Yung kapatid ko kasi, nakakainis. Ang bagal kumilos muntik na tuloy kaming mahuli." sabi niya habang nakabusangot ang mukha. I pulled some of the strands of her hair sabay sabing,
"Ang ingay mo."
"Tahimik daw sabi ni Lola Eu." tatawa-tawang sabi ni Chloe. Dinilatan ko lang siya ng mata.
"Oo na." sagot ni Annie habang sinasabayan si Chloe sa pang-aasar.
Nagkatinginan kaming tatlo at napangisi ng may nakasalubong kaming dalawang lalaki na parang transferee. Well, based on their looks, I think they were new. Ngayon ko lang naman kasi nakita at hindi naman kalakihan ang paaralang pinapasukan ko kaya halos namumukhaan ko ang mga estudyanteng nag-aaral dito.
"Balita ko may mga transferee daw at dalawa sa section natin. Oh my gosh! Baka klasmets natin ang dalawang yun!" tili ni Chloe.
"Possible.'' sagot ni Ann.
"Anong section ka nga pala Ann?'' tanong ko.
"Hindi ko pa natingnan eh." sabi niya sabay tingin sa relong nasa bisig niya. "Kailangan na nating bilisan kung ayaw nating mahuli sa klase." kaya agad naming binilisan ang paglalakad.
Pagkatapos naming magpapirma ay agad kaming pumasok sa silid-aralan namin. And oh well, magkaklase pa rin kaming tatlo.
"Good morning class." bati ng aming adviser.
"Good morning sir." sabay-sabay naming sagot.
"Take your seats."
Agad kaming humanap ng pwestong mauupuan. Pinili naming maupo sa kanang bahagi at medyo malapit sa may bintana.

BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Eurentice
Подростковая литератураEurentice and Lucas have known each other since high school. Lucas, the son of the town's mayor and the crowd's favorite got a crush on the oblivious girl named Eurentice. Hanggang sa magkita silang muli sa hindi inaasahang pagkakataon. They were an...