Chapter 6

25 13 0
                                    

Audience



"Eu, may susuotin kana for acquaintance party?" tanong ni Chloe. Kasalukuyan kaming nasa canteen at kumakain ng sandwich. Kakatapos lang ng first period namin for afternoon class at may thirty minutes na time interval for the next subject kaya nagpasya kaming mag-snack muna.

"Wala pa. Pero maghahanap lang ako sa closet ko nang pwedeng masoot. Meron pa namang mga dress doon na hindi ko pa nagagamit."

"You won't buy new?" tanong ni Annie.

"Hindi na. Marami pa akong damit sa bahay na hindi ko pa nasusoot. Pasalubong ng mga tita ko. Isang beses lang din namang sosootin." sagot ko. Tumango siya at tumingin kay Chloe.

"So, tayong dalawa nalang pala ang pupuntang city proper?" Chloe just nodded. They both like clothes, shoes and make-ups kaya kapag may event sa school bumibili talaga sila ng bagong maisusuot.

Biglang itinaas ni Annie ang kanang kamay ng makitang paparating si Lovely. Agad naman kaming nakita nito at tumungo sa aming mesa. Nasa likuran nito si Charles na pawang sumusunod sa kanya. Hmmm, they're close already? Girls at the other table are silently giggling after seeing Charles. 

"Share kami ng table gals." wika ni Lovely. May ibinigay itong pera kay Charles sabay sabing, "Pepsi in can and revel bar please."

"Yun lang?" tanong nito kay Lovely. Lovely just nodded.

"Kayo, baka may ipapabili kayo." tanong ni Charles sabay baling sa akin. I shook my head.

"Pabili ng snickers Charles, please." nakangiting saad ni Annie sabay abot ng bill. Agad naman nito itong kinuha at pumunta sa counter.

Bahagyang umingay ang canteen ng may pumasok. I turned and saw Lucas and his friends teasing each other. Lucas waved his hand when he saw me. I only rolled my eyes.

"Hi, Eurentice." sabi ni Lucas ng makalapit sa aming table. Chloe and Annie just giggled. I just nod at him as a reply.

"Bro." tawag ni Lucas kay Charles at nag-fist bump ang dalawa bago nagpatuloy si Charles upang bumili. Akmang uupo si Lucas sa silyang katabi ng aking inuupuan ng tinawag siya ni Brook para papuntahin sa kanilang mesa.

"Dito na muna ako bro." sagot ni Lucas at tuluyan na ngang umupo katabi ko. Ngumisi lang si Brook at bumaling kay Tricia na ngayon ay nakatingin sa amin. Bahagya akong ngumiti sa kanya and she smiled back.

"Eu, may gagawin ka mamaya sa vacant hours mo?" tanong ni Lucas. Nag-isip ako saglit bago naalalang wala naman akong gagawin mamaya.

"Wala naman."

"So, u-uhm. Baka gusto mong manuod ng practice game namin?" kinakabahan nitong tanong. I wanted to laugh at him but I didn't. Instead I grinned at pinitik ang kanyang noo. Nakakatuwa siyang tingnan sa tuwing kinakabahan at hindi makatingin sa aking mga mata. Nabigla ito sa aking ginawa at napatingin ng diretso sa aking mata. He blinked and avoided my gazed. His ears turned into red. Is he blushing? I stop myself from laughing.

"Sure." sagot ko. Agad rumehistro ang tuwa sa mukha nito pagkarinig sa aking sagot.

"Hoy, anong pinag-uusapan nyo diyan? Kayo ha." nang-aasar na tanong ni Chloe. I just rolled my eyes at her at tinapos ng kainin ang aking sandwich. Tumawa lang si Lucas at tinikom ang bibig.

"Here's your order ladies." sabi ni Charles sabay lapag sa food tray na naglalaman ng kanyang mga binili.

"Thanks!"

"Here." inabot ni Charles ang isang supot ng Jack 'N Jill snack. Nagtataka ko siyang tiningnan dahil hindi naman ako nag-abot ng pera sa kanya upang magpabili.

Sincerely Yours, EurenticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon