Chapter 7

22 12 0
                                    

Practice



Alas-siete palang ng umaga ay nasa school na ako. Konti palang ang mag-aaral may ilang naglalakad sa hallway, may ilan ding nakaupo lang sa bench at nakikipag-kwentuhan. There are some students who are running through the school grounds, probably athletes. Binilisan ko ang paglalakad papunta sa classroom ng makita ko si Alexander kasama ang ilang miyembro ng track and field na nag-aasaran habang may mga dala-dalang tubig at duffel bag. Ilang metro nalang sana at mararating ko na ang classroom ng tinawag niya ako.

"Euren!"

Ayan na naman ang mapanghing tawag niya. Binaliwala ko lang ito at nagpatuloy sa paglalakad lalo na nang marinig ko ang ilang tawanan at asaran ng kanyang mga kasama.

"Hoy, Euren! Mapanghi!" patuloy niya sa pagtawag.

Ahrg! Naiinis kong nilingon ang bwisit na si Alexander. Mas lalo pa akong nainis ng makita ang mukha nitong nang-aasar.

"What?!" inis kong sagot sa kanya.

"Ang HB mo naman!" nakatawa nitong sabi. "Babatiin lang sana kita ng magandang umaga kaya lang mukhang masama ang umaga mo." natatawa pa rin nitong sabi.

"Maganda ang umaga ko nang hindi ko pa nakita ng pangit mong pagmumukha kaya pwede ba?" maldita kong sagot dito. Inasar naman siya ng mga kasama niya pero pinagbabatukan niya lang ang mga ito.

"Meron ka siguro ngayon kasi ang init ng ulo mo!" tumatawa niyang sabi kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya. May sira talaga ata ang turnilyo sa utak ng isang to. 

"Ewan ko sayo. Mabuti pang magpalit ka na nang damit dahil ang sakit sa mata." nakairap kong sabi dito. Hindi ko na hinayaan pang makasagot at tinalikuran ko na.

"Wala ka pala tol eh!" rinig kong asar ng mga kasama niya.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang classroom. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok ay sinalubong na ako ni Chloe.

"Eu! May damit na kami for acquaintance party! Ikaw?" halata ang excitement sa boses nitong tanong.

"Hindi ko pa natingnan yung mga damit sa bahay pero I'm sure meron." sagot ko habang papunta sa aking upuan.

"Magsisimula na raw ang formation practice mamayang alas tres ng hapon. Sali tayo dahil may mga officers na magtsi-tsek ng attendance." bigay imporma niya.

"Alright. Pero mukhang nakakatamad at ang init pa sa school field." sagot ko ng makitang tirik na tirik ang haring araw.

"Hindi siguro, may mga puno naman tsaka nakakatuwa rin kaya yun. Makakakita tayo ng mga bagong mukha. Nakakaumay na ang mga pagmumukha ng mga klasmets nating lalaki." nakasimangot nitong sabi. Natawa nalang ako sa sinabi niya tsaka hinila ang buhok nito.

Ilang minuto pa at nagsidatingan na ang ilan naming mga kaklase.

"Good morning Eu!"

Ang nakangiting mukha ni Lucas ang bumungad sa akin paglingon ko. Agad naman ang reaksyon ng mga kaklase namin. Napa-facepalm nalang ako. Ang aga-aga pa upang gumawa ng eksena Lucas! Ngali-ngaling isigaw ko sa kanya. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.

"Wala ka bang pa-good morning kay Lucas, Eu?" nakangising sagot ni Maco. Naghiyawan naman ang iba bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Shut up Maco habang medyo good mood pa ako." nakangiting sagot ko sa kanya pero masama ang tingin na ibinibigay. He immediately raised his two hands for surrender. Good. Tiningnan ko naman si Lucas na ngayon ay nakaupo na't nakatingin sa akin. I glared at him but he pouted. Darn! How can someone be so cute and hot at the same time?! Ipinilig ko ang aking ulo.

Sincerely Yours, EurenticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon