Chapter 2

37 16 3
                                    

Slap At First Encounter



It's been a week or so since the first day. Another day, another life. I woke up as early as five am to get prepared. I sweep the surroundings of the house then make breakfast. I need to wake up early in order not to be late since the school is more than two kilometers from ours. Hindi naman ako naglalakad pero sadyang mabagal lang akong kumilos at medyo matagal akong matapos sa pagligo. At exactly 6:30 am ay paalis na ako ng bahay. Nagmano ako sa aking lola at agad ng umalis pagkabigay niya ng daily allowance ko. Nag-abang ako ng masasakyan papuntang school at ilang sandali lang ay may dumaang tricycle.

"Ibalik ang mga papel sa may-ari." Tumayo ako upang subukang ibalik ang papel na pinag-tsekan ko subalit agad ding naupo ng halos magkasabay-sabay ang lahat sa pagtayo upang ibalik ang mga papel. We took a long quiz and got our papers exchanged. I decided to just wait for the owner to claim her paper from me while waiting for my paper to be returned.

"Sino ang may hawak ng papel ni Pineda?'' tanong ng isa kong kaklase. Agad kong ibinigay ito sa kanya since siya na ang kusang lumapit ng iwinagayway ko ang hawak kong papel.

"Thanks!" sabi niya ng makita ang kanyang score.

"Medina! Kaninong papel to?" napatingin ako sa lalaking nagpalingon-lingon habang hawak ang aking papel. May bumulong sa kanyang kaibigan niya at agad itong lumapit sa akin. Tiningnan ko siya habang lumalapit sa akin. He's wearing a comical grinned. Agad nagsalubong ang aking dalawang kilay. It's irritating.

"Bagsak." sabi niya ng nakangisi habang hawak-hawak ang aking papel. I raised my eyebrow and glared at him. Inilahad ko ang aking kamay at agad naman niyang ibinigay ang papel.

"Liar."

"Aray.." sabi niya habang hawak ang kanang pisngi na nasampal ko. I blinked. What did I just do? Aish. Umiral na naman ang pagiging agresibo ko.

"I passed the quiz and almost got perfect." sa halip ay sabi ko sabay upo, almost kasi may isang mali ako. Ngumisi siya at umiling. He then looked at me and smiled bago bumalik sa kanyang upuan. Kinabahan ako at hindi ipinahalata. I slapped him, right? I slapped him! Oh shit! Gusto kong i-untog ang aking ulo sa biglang nagawa. I didn't know why I did that, nagkusa nalang talaga 'yong kamay ko. My gosh! I just don't like being joked around. I mean, hindi nakakatuwa ang pagsabi niyang bagsak ako but alam kong hindi rin nakakatuwa ang biglaang pagsampal ko kahit na hindi naman masyadong kalakasan ito. I closed my eyes in annoyance.

Nasa cafeteria kami at kasalukuyang kumakain ng dumating na naman ang maiingay naming kaklase.

"Tol, ang ganda nung nasa junior. Liligawan ko ang isang yun at bibigyan ng palugit sa linggong to."

"Bwisit ka talaga Brook. Basta babae hindi mo pinapalampas."

"Kahit nga siguro poste tol basta nakasuot lang ng palda ay papatusin mo." at nagtawanan sila. I rolled my eyes. Nahagip ng mga mata ko ang nakangising lalaki habang nakatingin sa akin. Pinagtaasan ko ito ng kilay at sinimangutan.

"Oy, Eu. Anong nakain mo at biglang umasim ang timpla ng mukha mo?'' tanong ni Chloe habang sumisimsim sa hawak niyang coke in can.

"Wala."

"Asus. Wala daw. Mukha mo." sabi niya sabay poke sa pisngi ko.

"Hi!"

"Hello Jon!" masiglang bati ni Annie at Chloe. Okay, it's Marjone and his friends.

"Hi, Eurentice." nakangiti nitong bati. Ngumiti lang ako at tumingin sa kanyang likuran. He's with the boy I slapped earlier. 

Damn. 

Sincerely Yours, EurenticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon