Watching Him Play
Papasok na ako sa gate ng school ngayon habang dala-dala ang isang supot na naglalaman ng disposable food pack na may sliced mango and bagoong. Binili ko lang sa kapitbahay namin kanina ng madaanan ko ito. Mukhang mangga kasi si Annie at Chloe kaya naisipan kong bumili.
I was about to enter my classroom when Charles appeared in front of me blocking the way. He's wearing a bright smile. Okay, anong meron?
"Good morning, Eu." nakangiting bati niya sa akin sabay alis sa pintuan para makaraan ako.
"Good morning, Charles." ganting bati ko sa kanya.
Tumili si Chloe ng makita ako at agad yumakap sa aking braso na parang Koala. Si Annie naman ay agad kinuha ang dala ko at binuksan ito.
"Ang saraaaap!" tili ni Annie kahit hindi pa nga natitikman.
"Mamaya na yan. Ang aga pa para kumain ng mangga." I said while rolling my eyes at them. Sumimangot sila at itinago ito sa ilalim ng upuan. Good. Umupo na ako sa aking upuan. Konti lang ata kami ngayon. Pansin kong wala ang ibang kaklase namin lalo na ang mga SLG officers.
I looked around then, glanced at my wrist watch.
"May hinahanap ka?" may himig panunudyo na tanong ni Chloe. I only rolled my eyes at her.
"May practice game sila ngayon para sa paghahanda sa Inter-high." sabi naman ni Annie.
"Manood tayo later! Taga ibang school ang kalaro nila ngayon. I heard na marami raw pogi!" Chloe said in exciting voice.
"Yup! Walang papasok later kasi I'm sure abala sila ngayon sa paghahanda sa gaganaping event." segunda naman ni Annie.
I only nodded in agreement. Kinuha ko ang aking mga notes at ni-review ang mga ito. Patuloy pa rin sa pag-uusap ang dalawa. Lumingon ako ng may kumalabit sa akin.
"Eu, can I borrow your phone? Kung ayos lang sayo. " tanong ni Charles. Nabigla man ay hindi ko pinahalata.
"Uh, yeah, sure." sagot ko sabay bigay sa phone ko.
"Thanks! Ibabalik ko agad." sabi niya. Tumango lang ako bilang sagot at nagpatuloy na sa pagrereview.
I haven't read my notes yesterday dahil naging abala ako sa pagpi-paint kaya ngayon ko na lang gagawin dahil hindi naman abala. I admit that I am academically inclined and I'm used to being an achiever kaya nasanay akong maglaan talaga ng oras sa pag-aaral. Hindi ako mahilig sa sports kaya binabawi ko sa academics. Not that I don't know how to play but I just can't imagine myself making it as my profession kaya I didn't engaged into any sports seriously.
"Eurentice! Manood na tayo!" malakas na sigaw ni Chloe."You've been on reading for almost an hour kaya enough na yan!"
"Yes! Let's go." segunda naman ni Annie.
I closed my eyes for a while and kept my notes.
"Alright, children of Hades." sabi ko na ikinasimangot nila. I chuckled at their reaction and niyaya na sila upang lumabas.
"Wait, I'll just go to the washroom." Chloe said,
"Me too!" Annie exclaimed sabay kuha ng kung anu-ano sa kanyang bag.
"Eu. Here's your phone." sabat naman ni Charles. I almost forgot about it. "Thanks. I've read your quotes. You're quite poetic." nakangisi niyang saad. I rolled my eyes at him. He laughed at my reaction that made me smile. His laugh is so genuine.
"Wanna come with us?" yaya ko sa kanya.
"Hmm, I would love to but I won't understand the game. I don't play basketball." Bigay imporma niya. I am literally shocked. It's a surprise for me! There's a boy who doesn't know how to play basketball? Really? I mean, I've seen all my male classmates since day one played basketball and he's the first one I knew who doesn't know how to play it.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Eurentice
Teen FictionEurentice and Lucas have known each other since high school. Lucas, the son of the town's mayor and the crowd's favorite got a crush on the oblivious girl named Eurentice. Hanggang sa magkita silang muli sa hindi inaasahang pagkakataon. They were an...