Chapter 9

23 12 0
                                    

Acquaintance Party


Kakauwi ko lang galing sa isang beauty salon kasama sina Chloe at Annie ng tumunog ang aking cellphone. Mamayang gabi na gaganapin ang acquaintance party kaya naman nagpasya kaming tatlo na magpa-make-over.

"Hello?"

"Hi, Eu! Magtatanong lang sana ako kung tutuloy ka mamaya at kung pwede ba kitang sunduin?"

"Yeah, dadalo ako pero hindi mo na ako kailangang sunduin, kaya ko naman. Thanks, anyway."

"Hmmm, see you then.."

"See you, Gabriel."

At exact five-thirty in the afternoon ay dumating sina Annie at Chloe sa bahay. Napagpasyahan naming tatlo ng sabay na kami sa pagpunta at dadaanan nila ako dahil Annie requested his step father na ihatid kami gamit ang kanilang kotse.

Hindi ko inaasahan na kasama pala sa paghatid ang mama ni Annie na si Aunt Liza kaya naman ay todo usap kami hanggang sa makarating sa paaralan.

"Picture muna ladies!" sabi ni Aunt Liza pagkatapos naming makababang tatlo sa sasakyan.

Napapagitnaan ako at puro nakakapit sa aking mga braso ang dalawa. Nakangiti kaming tatlo sabay tingin sa camera na dala-dala ni aunt Liza. Ilang kuha pa hanggang sa na-satisfy si aunt Liza bago umuwi.

"Gorgeous!" komento nito sabay yakap sa amin isa-isa at nagpaalam na.

May ilan kaming kaklase na papasok na rin sa gate ng school. Just like us they were wearing cocktail dress. Lovely waved at us ng makita kami. Hindi na kami nag-usap pa't kasama niya ang kanyang tita na teacher sa school na mukhang nagmamadali.

"Ang ganda ng venue! Talagang pinaghandaan nila ito." natutuwang sambit ni Chloe pagkapasok namin sa gymnasium na pawang naging kaiga-igaya para sa gagawing event.

"Eu!" tawag ni Gabriel pagkakita sa akin. He's looking so gorgeous on his suit. Damn. Kinawayan ko siya ng kamay bilang pagbati pero hindi ito na-kuntento at sinalubong kami. I waved at Charles when I saw him looking at us. He smiled and waved back.

"Hi, fafa Lucas! Ang gwapo naman natin." nang-aasar na sabi ni Chloe sabay lingon sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at bahagyang hinila ang kanyang buhok. I heard her ouch.

"Hi ladies." bati niya pero nakatingin sa akin. I rolled my eyes and he chuckled. Agad siyang pumunta sa gilid ko upang igiya kami sa kanilang mesa. The table was occupied by his friends whom is Brook, Tricia and Maco. It was a long table kung saan kakasya ang sampu ka-tao.

"Hi!" bati sa amin ni Tricia ng marating namin ang kanilang table. We said our hellos at her at bahagyang pagtango naman para sa pagbati sa ibang nasa mesa. Agad tumabi sa akin si Lucas sa pag upo. Nasa kanan ko siya samantalang si Chloe naman ang nasa kaliwa ko then si Annie. Nasa harapan namin sina Tricia, Brook at Maco.

Nang makita ko si Lovely na palingon-lingon na wari naghahanap ng kakilala ay itinaas ko ang aking kamay upang maagaw ang kanyang atensyon. She sighed in relief and immediately went towards us.

"Dito ka Love." agad na sabi ni Annie pagkarating niya.

"Hi, guys." Lovely awkwardly greeted us.

"You look lovely, Lovely." hirit ni Brook. Agad naman ang pagpula ng pisngi ni Lovely at umiling nalang. We booed Brook and laugh.

Habang hindi pa nagsisimula ang program ay abala sa pagkuha ng litrato ang kadalasan sa mga estudyante. Sakto namang dumaan si Marlon na may dala-dalang DSLR na gamit ng SLG. He stopped by and captured some photos on us. Kung hindi lang siya tinawag ng iba ay makikipag-kwentuhan pa sana siya sa amin.

Sincerely Yours, EurenticeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon