The INTRODUCTION to one Another

543 17 0
                                    


Nakasakai kami ni Nick sa sasakyan nya habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA.

"Luke naman pare, bakit mo naman sinabi kay Aya yung sa stag party?" kausap ko si Luke sa phone.

("Pasensya ka na, pare. Magaling mag imbestiga ang girlfriend mo eh. Nadulas ako.")

Napahinga naman ako.

"Ano ka ba naman?"

("Well, pare, sadyang ganon talaga siguro. Buti nga at hindi ko pinakita yung video mo eh.")

Sabi ni Luke yon na kinagulat ko.

Video?

"Video? Anong video pare?" tanong ko dito.

("May sex scandal ka na pare! Ahahaha ;D) tawa ni Luke sa phone.

"Sira ulo! Hoy pare, burahin mo yan!" I said tapos binaba na yung tawag.

"Oh anong video yon?" tanong ni Nick.

"Nakuhanan pala ako nung stag party ni Luke, pare.." I said habang hawak ang cellphone ko.

"Kaya naman pala nakipagbreak sayo si Aya dahil tarantado ka eh." Nick said.

"Pare, konting lambing lang yon. Mainit lang ulo non. Tingnan mo, in just a few days, malamig na ulit yon at kami na ulit." sabi ko naman dito.

"Hay nako.. Sinabi mo eh." he said naman tapos biglang nagring ang phone ko.

Tiningnan ko ito at nakita ko ang video na pinasa sakin ni Luke.

"Siraulo talaga tong si Luke.." sabi ko habang nakatingin sa video na pinadala sakin ni Luke.

"Patingin nga ako." sabi naman ni Nick na inaagaw pa ang cellphone ko.

"Oh, pare baka mabangga pa tayo.. Magfocus ka na jan. Mamaya na." I said ng makuha ko.

"Sige mamaya ah?"

"Nako, baka mainggit ka pa dito." I said tapos tinago ko na ang cellphone ko.

"Ahm, pare, mamaya kapag pinakilala kita kay Issay, wag kang arogante ah?" Nick said.

"Oo pare. Baka agawin ko pa sya sayo."

"Wag.." Nick said tapos nagtawanan na kami.

After 30 more minutes ay nakarating na din kami sa pinagtatrabahuan ng gf ni Nick.

CatWalk?

Napatingin ako.

Bumaba kami at pumasok na sa loob at..

"Ayyy! Ang pogi!!" narinig kong sabi ng mga bading nung pumasok kami sa isang bar.

"Pare, bakit sa ganitong lugar natin kikitain yung chicks mo?" tanong ko dito.

"Pare, dito sya nagtatrabaho." Nick said.

"As what? Chef?" tanong ko.

"Hindi.. Waitress.." sagot naman ni Nick.

Tapos hinanap namin at...

"Sir, may kailangan pa po ba kayo?" tanong ng isang babae.

"Ayon pala sya." sabi ni Nick.

Tumingin naman ako at...

"Pare, ang sexy!" sabi ko.

Siniko naman ako ni Nick kaya naman mabilis kong kinounterpart ang sinabi ko.

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon