The Stag Party 2

603 15 5
                                    


ISSAY'S POV

"Issay, ano, ready ka na ba? Kanina ka pa lumalaklak ng alak jan ah?" narinig kong sabi ni Belle sakin.

Pero nasa loob ako ng malaking regalo.

Lumagok muna ako bago sumagot.

"Uyy.."

"Oo.  Ok lang ako."

"Sigurado ka?" tanong ni Belle.

"Oo.."

"Ok sige.." sabi nito.

"Ano? Ready na daw ba?" narinig kong tanong ni Chikki kay Belle.

"Oo, lumaklak muna eh." sagot naman ni Belle.

"On nyo na yung music, pre.." narinig kong sabi ng isang lalaki at bigla na ngang tumugtog.

"Eto na yoooon!" sabi naman ng ibang mga lalaki.

Tapos unti unti ng tinanggal nila Chikkiat Belle ang taas ng kinalalagyan ko.

Hinagis ko ang hawak kong bungkos ng bulaklak.

"Oh, kunin mo, pare!" sabi nung isa.

Tapos gumiling ako kaso bigla naman akong na-out of balance pero hindi naman halata.

Binuksan na nga nila Belle at Chikki ang kinalalagyan ko at gumiling na naman ako.

"Wooooh!" naririnig kong sigaw ng mga lalaking nandon.

"Issay... Issay..." tawag sakin ni Belle habang parehas kaming sumasayaw.

"Oh?"

"Ok ka lang?"

"O-Oo.. Ok lang ako." sagot ko naman dito.

"Ok. Nakikita mo ba yun?" turo sakin ni Belle.

"Yun?" turo ko din.

"Oo. Yung yung lalaking ikakasal. Lapitan mo ah?" sabi ni Belle.

"Oo. Sige.." sabi ko naman tapos sumayaw ako habang lumalapit sa lalaking tinuro ni Belle.

"Pare, wait lang ah? Kunin ko lang yung cellphone ko." narinig kong sabi nung lalaking katabi nung tinuro sakin ni Belle.

Ng makalapit na ako ay sinayawan ko sya.

"Uyyyyy!" sabi nung lalaki.

Tapos...

"Anong klaseng sayaw yan? Gandahan mo naman." he said.

Napatigil tuloy ako sa pagsasayaw at itinaas ang belong nakatakip sa mukha ko tapos tinanggal ang gloves na nakalagay sa dalawang kamay ko at gumiling ng mas magaling.

"Yan!" sabi nung lalaki.

Malambot kasi talaga ang katawan ko at talagang magaling akong sumayaw.

Tapos giniling ko pa lalo kaya yung mga lalaki puro hiyaw.

Pati sila Chikki at Belle ay sumasayaw din sa ibang mga lalaki.

Tapos biglang hinawakan nung lalaki ang ulo ko at hinalikan ako!

JUSTIN'S POV

Hinalikan ko yung babaeng sumasayaw sa harapan ko.

Ewan ko ba.

Kaso....

Pack!

Sinampal ako!

"Bastos ka!" sabi sakin.

"Anong arte yan?" tanong ko kaagad dito.

"Sumama ako sa raket na to dahil ang sabi sakin hindi ako hahawakan!" sigaw nung babae.

"Eh kaya ka nga nandito eh. Anong arte yan?" ulit ko ulit dito.

"Ang kapal ng mukha mo! Akala mo ang gwapo mo! Bastos! Manyak!" sabi nung babae habang pinipigilan syang makalapit sakin.

"Halika na.." narinig kong sabi sakanya nung isang babaeng kasama nya.

"Akala mo magaling ka sumayaw huh?!" sabi ko din tapos lumabas na sila.

"Ano ka ba, pare?" sabi ni Mark.

"Nako, pare, kapag bumalik yung babaeng yon, talagang papatulan ko na yon." I said tapos biglang bumukas ang pinto at yubg babaeng yun ang iniluwa.

"Anong sabi mo? Ni hindi nyo pa nga kami binabayadan eh! Asan ang talent fee namin?" sabi nung babae na nakalahad pa ang mga kamay.

"Ah.. Talent fee?" sabi ko naman.

Naglabas naman si Luke ng pera at ibibigay sana ang bayad sa babae na yon pero kinuha ko.

"Talent fee pala ah? Gusto mo nito? Oh ayan.." hinagis ko sa lapag. "Pulutin mo." Sabi ko pa.

Tumahimik naman sandali tapos tumingin sakin at sa mga kaibigan ko yung babae tapos pinulot yung pera.

"Gusto mo talaga ng away ah?" sabi nung babae.

"Oh ano?" sabi ko naman na nag angas pa.

"Gusto mo talaga ah? Etong sayo!" sabi nung babae na tinakungan ako sa paa.

"Ahhh!" napasigaw ako sa sakit.

"Ano gusto mo pa huh?" sabi nung babae na inaawat na ng mga kasama nya.

"Babye, babye na.." sabi nung isang kasama nung babae .

"Lagot ka sakin!!!" sigaw ko.

At umalis na nga yung mga babae.

Ahhh! Sh*t! Ang sakit ng paa ko!! nasabi ko na lang.

"Pare, ok ka lang?" natanong na lang sakin ni Luke.

I just nodded pero hindi pa ako ok.

- - - - - - - - -

Vote.

Comment.

Wow grabe! May nagbabasa po pala ng kwento nina Issay at Justin hehehe ;)

Hayaan nyo po, ipagpapatuloy ko po tong nasimulan ko :).

Salamat po sa lahat ng mga nagbabasa :).

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon