The Video

296 6 0
                                    


JUSTIN'S POV

Kinabukasan, nagpunta kami ni mommy kanila Nick.

Bestfriend kasi ni mommy si tita Vivian, ang mommy ni Nick.

"Mabuti naman at andito ka na ulit, Vivian." nagkekwentuhan sila sa garden habang kami ni Nick ay nakikinig lang sakanila.

"Mabuti nga at nasettle na ang business namin abroad. At dahil natapos na, eto naman ang gift ko sa sarili ko. To see my bestfriend." sabi ni tita Vivian kay mommy.

"I can go shopping with you. Kahit saan at kahit kelan pa. I'm always free." sagot ni mommy.

"I know. Anyway, may nasabi na ba sa i yo tong si Nick? He is dating with someone." Tita Vivian said na kinatingin ko kay Nick.

"Akala ko ba girlfriend na?" si mommy naman.

"Darating sya ngayon. Ipakikilala kita." sabi pa ni tita.

Napaayos naman ako ng upo at...

"Darating si Issay ngayon? Mabuti naman yon pare." I said ng...

"Oh, andito na pala sya."

Napatingin ako sa babaeng dumating.

Hindi si Issay yon.

"Hey.. Hi." tumayo naman si Nick at nakipagbeso beso sa babaeng hindi ko din kilala.

"Hi tita." tapos beso beso.

Ako?

I was stunned!

"Hi Lizzy. This is Justin."

"Hi."

"And this is my bestfriend, Kate."

"Hi po."

Napatayo ako at...

"Excuse me." I said.

Pumunta ako sa likod ng garden nila at nagpakain ng mga alaga nyang isda.

Sumunod naman si Nick at...

"Justin.." tawag nya sakin.

Napailing ako.

"Gago ka. Bat ganon ko? Sino yung Lizzy na yon?" tanong ko dito.

Lumapit naman sya sakin at...

"Ah, yon? Anak ng kaibigan ni mommy. Nirereto sakin." sagot nya.

"Pano si Issay?"

"Alam ko naman kasi na hindi sya magugustuhan ni mommy." sabi nya.

"Anong klaseng lalaki ka?" tanong ko dito. Nag init bigla ulo ko eh. "Hindi mo dapat ikahiya si Issay. Wala kang respeto." I said.

"Teka nga pare. Bakit mo ba pinagtatanggol si Issay? At anong alam mo? Eh hindi ka pa naman naiinlove sa ganong babae na ganon ang trabaho at ganon kahirap? Na may diperensya ang kapatid." sabi nya na tatalikod na sana pero hinawakan ko sya bigla sa balikat at...

"Wag na wag mong mamaliitin si Issay at ang pamilya nya. Oh baka naman wala ka lang lakas ng loob na ipaglaban sya sa mommy mo." sabi ko.

Hindi na kasi ako makapagpigil.

Inaalis nya yung kamay ko sa balikat nya.

Tumalikod na ako at iniwan sya.

Mahal ko yung taong ginaganon nya!

Kung hindi nya mahal sabihin nya at ako na ang maglalakas ng loob na magsabing ako na lang ang mag aalaaga kay Issay.

NICK'S POV

After ng pag uusap namin ni Justin ay nakipagkita ako kanila Lloyd.

"Buti naman pare nakipagkita ka samin? Ang tagal mong hindi nagparamdam eh." sabi ni Mark.

"Oo nga pare eh. Sayang tuloy wala ka nung stag party ko." si Lloyd.

"Pasensya ka na, pare ah? Nasa ibang bansa kasi ako non. Alam mo naman business." sagot ko.

"Oo alam ko naman yon." sagot naman ni Lloyd.

"Owww.. Speaking of stag party. Nako pare, ang dami mong namiss!" si Mark. "Si Justin pare may sex video! Pakita nyo dali."

"Huh?"

"Oo pare. May sex video!"

"Teka, andito pa sakin yon eh." sabi ni Mark.

Kinuha nya ang cp nya at pinakita sakin ang video.

"Oops, pare. Give him some space.!" sabi pa ni Mark.

Kinuha ko naman ang cp ni Lloyd at tiningnan.

Napalaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang kasayawan ni Justin.

Issay?!

Napamaang ako at..

Ano to?!

Tapos mas lalo akong nagkuyom ng makita kong hinalikan ni Justin si Issay.

"Pare, si Justin!" sabi bigla ni Rex, kaibigan din namin.

Napatingin naman ako at inabot ko ang cp ni Lloyd sakanya at dumirecho kay Justin.

- - - - - - - - - - -

Vote.

Comment.

Nakoooo! Naloko na............

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon