ISSAY's WORK

767 15 0
                                    

Nakarating na ako sa trabaho ko at nakapagpalit na din ng damit kanina pa.

"Issay.." tawag ni Chikki.

"Oh Chikki? Bakit?"

"Pasensya ka na kung hindi ko nabantayan si aling Melba ah?" sabi nito.

"Wala yon... Binantayan naman sya ni mang Bert eh." sabi ko.

"Pasensya ka na talaga.."

"Ok lang, Chikki." sabi ko naman.

Nagpunas na nga ako ng lamesa at nagtanggal ng mga beer ng may biglang humawak ng pwet ko. Eh mabilis pa man din ang kamay ko kaya naman nasampal ko kaagad ang humawak ng pwet ko at----

"Bastos!!" sabi ko tapos tumalikod at---

"Oh, Issay... Anong nangyari??" tanong agad ni Chikki.

"Eh yung lalaking yon eh! Nanghihipo!" sabi ko na galit na galit.

"Issay naman. Nako buti na lang wala si boss Leo dito. Kapag sya ang nakakita ng ginawa mo nako tanggal ka kaagad." sabi naman nito.

Alam ko naman yon pero kasi waitress lang ang pinasok ko dito at hindi bayaran! Kaya wag nila akong hipuan!

"Oo alam ko yon, Chikki. Nainis lang kasi ako. Alam nyo namang nagtitiis lang ako dito dahil sa kapatid ko eh." sabi ko naman.

"Ok ganito na lang. Gusto mo sumama ka samin bukas ng gabi nitong si Belle? May raket kami." sabi nito.

"Ano na naman yan? Ayoko ng ano ah.." sabi ko.

"Hindi.. Malaki kita dito. Sasayaw ka lang naman eh. Diba magaling ka namang sumayaw? Oh pwede ka dito." sabi nito.

"Ano ba yon?" tanong ko naman.

"May stag party tayong pupuntahan. Alam mo naman siguro yon diba?" sabi nito.

"Huh? Eh puro lalaki yon ah? Ayoko.."

"Issay, ano ka ba? Mag-isip ka nga. Malaki ang ibabayad satin dito. Atsaka sasayaw ka lang naman eh. Yun lang ang gagawin mo." sabi nito.

Tumingin naman ako kay Chikki.

Ayoko ng mga ganon..

"Alalahanin mo ang kapatid ko. Sustento mo yon ng gamot." sabi pa nito.

"Ano Issay? Sama ka na kasi. Dalawa pa lang naman kami eh. Tatlo dapat kami kaya kulang pa kami ng isa. Ano? Sama ka na." sabi ni Belle.

Nag-isip naman ako.

Kung sasama ako, may malaki akong pera at mabibilhan ko si Christian ng gamot. Kaso.... Yan ang nasa isip ko.

"Ano? Payag na. Bilisan mo at baka dumating na si boss Leo." sabi ni Chikki.

A minute of silent and....

"Ok sige.. Sasama na ako. Pero siguraduhin nyong walang hipo ah? Sasayaw lang talaga ako ah?!" sabi ko.

"Oo.. Promise!" sabay pa nilang sagot sakin na may ngiti.

"Belle, diba may usa pa tayong costume?"

"Oo, Chikki."

"Bigay mo mamaya kay Issay ah? Wag mong kalimutan."

"Oo.."

Yun lang at nagsipagbalik na kami sa mga trabaho namin.

Sana tama ang desisyon kong pumayag sa raket nila Chikki at Belle.

- - - - - - - - - - - -

Vote.

Comment.

Please do so :)

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon