The Truth

454 14 6
                                    


Nakarating na kami ng Manila at dumirecho na agad sa ospital na sinabi ng nanay ni Issay.

"Nay.." yakap nya agad sa nanay nya.

Nakasunod lang ako sakanya.

"Issay.." tawag din naman ng nanay nya sakanya.

Nandon si Belle at si Christian naman ay natutulog ata. Hindi ko alam.

"Nay, kamusta na po si Christian?"

"Hindi pa din sya gumigising, anak eh.."

"Ano pong sabi ng doctor?" tanong ni Issay dito.

"Nagkaseizure kasi sya, Issay tapos nawalan ng malay. Ngayon hinihintay na lang natin syang magising para malaman kung may epekto yon o ano.." si Belle.

Napatingin naman ako kay Christian.

"Nay, ako muna po ang magbabantay kay Christian. Umuwi muna po kayo at magpahinga." sabi ni Issay sa nanay nya.

"Sigurado ka ba?" si Belle na nag aalangang iwan si Issay sa ospital kaya naman sumagot na din ako at...

"Samahan ko na sya.." sabi ko.

Lahat naman sila ay napatingin sakin.

Mas lalo na si Issay.

Oo gusto ko syang samahan. Kahit hanggang anong oras pa.

"O sige anak, uwi muna ako.."

"Sige po, nay. "

Nagpaalam na si nanay ni Issay.

"O sige na.. Hindi pa ako nakakapagpalit oh?" si Belle.

"Pasensya ka na ah?" si Issay naman.

"Ano ka ba? Ok lang.. Sige na.."

"Ingat. "

At umalis na nga sina nanay at Belle.

Kami nalang ni Issay ang natira at nagbantay kay Christian.

"Pahinga ka na. Ako na munang magbabantay.." sabi ko.

Nagnod naman sya at naupo.

"Salamat ah?"

Ngumiti lang ako at nagnod.

Pumikit na sya.

Binantayan ko muna si Christian baka kasi magising.

Tapos nakaramdam na din ako ng antok.

Naupo ako sa isang upuan malapit kay Issay. Pero bago ako umayos ng higa ay inayos ko muna sya.

Nilagyan ko ng unan ang board ng upuan at dahan dahan syang isinandal kaso bigla naman syang tumumba sa balikat ko.

Alam mo yung lakas ng pagpalpitate ng puso ko? Yun ang nararamdaman ko.

Bakit ba ganito?

Iba na talaga ang pakiramdam ko.

Hindi ko na lang ata sya gusto.

Mahal ko na ata sya?!

ISSAY'S POV

Ang himbing ng tulog ko ng may marinig akong umuungol.

Nagising ako agad at nakita ko si Christian.

"Christian.. Christian.."

Napatingin ako kay Justin at...

"Justin si Christian, gising na.." I said pero nag aalala dahil parang nananaginip ang kapatid ko.

"Sige, tatawag ako ng doctor.." sabi nyang umalis na.

Tumawag nga sya ng doctor.

"Alam mo maswerte si Christian eh. Wala naman kaming nakitang masamang epekto nung seizure sakanya. Resetahan nalang namin sya ng pampakalma." sabi ng doctor habang kausap ako.

"Sige po, doc.." sagot ko naman.

"Ok? Sige. Thank you.."

"Salamat po.."

"Thank you.." ulit pa nung doktora bago lumabas.

Lumapit naman na ako kanila Christian at Justin.

Pinapahanginan ni Justin ang gloves na rubber para gawing lobo.

Tuwang tuwa naman si Christian.

Niyakap ko si Christian at hinalikan sa ulo.

Naglaro pa sila ni Justin pero nakatulog din pagtapos makipaglaro kay Justin.

Tapos dumating si Chikki.

"Mare, pasensya ka na ngayon lang ako nakapunta ah?"

"Ok lang.."

"Hi papa Justin.."

"Um.." ngiti sakanya ni Justin.

Tapos lumabas kami muna ni Justin. Naglakad lakad tapos nag usap.

"Wag mo ng isipin yon. Masaya na ako na ok na si Christian." Justin said. Naglalakad na kami sa hallway ng ospital.

"Hindi naman dahil don eh.." sabi ko naman.."Gusto kong malaman mo na... masaya akong nakasama kita.." sabi ko na kinatigil nya sa paglalakad.

Napatingin sya sakin.

"Issay.." tawag nya sakin.

Ano ba yung nasabi ko?

Nawawala na ata ako sa sarili ko.

Bakit ko ba nasabi yon sakanya?

"Uhm, si Nick nga pala tumawag. Malapit na daw syang umuwi.." sabi ko.

Tumingin na naman sya sakin.

"Issay.." tawag na naman nya.

May sasabihin ba sya?

Bakit ganon? May lungkot sa mga mata nya.

Hindi ko maintindihan kung bakit.

Tumitig din ako sakanya.

Gusto kong malaman kung ano ang gusto nyang sabihin. At kung bakit parang may lungkot akong nababasa sa mga titig nya.

"Issay... I...I..." hinihintay kong sabi nya kaso hindi naman nya tinuloy. Yumuko sya at humarap ulit sakin at... "Kung kailangan mo ng kaibigan, nandito lang ako.." sabi nya.

Nanlumo naman ako bigla.

Akala ko sasabihi nya gusto na nya ako.

Kasi sya, gusto ko na sya!

Oo.

Gusto ko na sya!

Gusto ko na si Justin!

But he's doesn't feel the same way.

Napanod na lang ako at... "Ah.. Uwi ka na. Alam ko pagod ka din.." i said.

"Sige.."

"Um." pagsang ayon ko.

Dahan dahan na syang tumalikod at naglakad palayo sakin.

Gusto ko sana syang tawagin at sabihin ang nararamdaman ko sakanya pero baka masaktan lang ako. Lalo na at sa nakita ko sa sa resort na pinuntahan namin.

Yung kiss nila ni Aya.

Dun ako napaiyak.

Bakit kasi nakakaramdam pa ako ng ganito? Bakit nagustuhan ko sya? May bf ako at si Nick yon.

Hindi pwede to.

Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at pumasok na sa loob.

Mahal ako ni Nick at dapat sya lang ang mahal ko.

- - - - - - - - - -

Vote.

Comment.

Yan na nga ba ang hindi dapat nangyari eh .. Tsk tsk tsk..

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon