PROLOGUE

2.8K 47 1
                                    

Hi.. I'm Issay. Graduate na ako ng college matagal na at nagmamasteral na lang ng course ko which is SPED. Bakit SPED? May kapatid kasi akong special. At sya lang naman ang inspiration ko sa pagkuha ng course ko at masteral degree ko dahil mas gusto ko pa syang lalong maintindihan. Alam naman kasi natin na iba ang pag-iisip ng mga batang normal sa mga batang may special na ability.

Alam ko namang mahirap talaga silang intindihin kaya natural lang na mainis din tayo kung minsan pero mahal ko kasi ang kapatid ko at hindi ako naiinis sakanya kahit hindi nya ako pinapansin at lagi nyang hawak ang bola nya. Naiintindihan ko kasi sila.

Hindi lang naman dito iikot ang kwento ko. Syempre may makikilala din akong lalaking maangas. May bf ako? Oo naman. Ah tama na nga. Prologue pa lang naman to pero kinekwento ko na lahat. Basahin nyo na lang para hindi kayo mawala sa simpleng istorya ng buhay ko na kahit ako ay nalito din :).

Magustuhan nyo sana ang kwento ko.

Halika, sabayan mo ako. Ops.. Hindi sa kanta ah? Kundi sa pagbabasa :).

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon