Sort of Something

408 13 0
                                    


ISSAY'S POV

Hinatid ako ni Justin sa bahay at...

"Justin, salamat sa paghatid ah?" sabi ko.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" tanong nya.

"Sigurado kang papasok ka?"

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganon. Maliit lang kasi ang bahay namin eh. Pero sige, ikaw bahala." sabi ko at binuksan ang pinto namin.

Tumingin naman ako sakanya at...

"Halika, pasok ka.."

At pumasok na nga sya.

"Nay.. Andito na po ako. " sabi ko.

Lumabas naman sila Inay kasama si Christian.

"Ahm, nay, si Justin po pala bestfriend ni Nick. Justin ang nanay ko at ang kapatid kong si Christian." sabi ko.

"Good evening po.." sabi naman ni Justin.

"Good evening din sayo.." sabi naman ni nanay.

"Hi Christian.." bati ni Justin sa kapatid ko.

"Hindi ka papansinin nyan kasi nga special child yan." sabi ko pa.

"Oh anak, ikuha mo naman ng maiinom at makakain tong si Justin." si nanay.

"Nako nay, wag na po. Hindi naman po magtatagal si Justin eh." I said.

Napatingin naman si Justin sakin at...

"Pinapauwi mo na ba ako?" tanong nya sakin..

"Hindi naman sa ganon. Akala ko kasi gusto mo ng umuwi.." sabi ko.

"Hindi pa.." sagot naman nya.

Pinaupo ni nanay si Justin.

"Oh, dito ka muna ah? Magbibihis lang ako." paalam ko dito.

Nagbihis nga muna ako.

Pagbalik ko ay si Christian at si Justin na lang ang nasa salas.

Wala na si nanay.

Baka nagpahinga na.

Nakita ko namang nakikipaglaro si Christian kay Justin at talagang nagulat ako.

Hindi naman kasi ganon si Christian.

Napalapit tuloy ako malapit sa likuran ng kinauupuan ni Justin at napatingin sya sakin.

Napangiti naman ako sakanya.

After a while ay nagpaalam na din sakin si Justin.

"Ingat ka.. Salamat ulit." sabi ko.

"Wala yon. Sige, dito na ako." sabi nya.

At yon, umuwi na nga sya.

JUSTIN'S POV

Kanina pa ako andito sa bahay at kanina pa din ako hindi makatulog.

Hindi ko din alam.

Is there something wrong with me?

Bakit parang ok na sakin na may iba na si Aya?

Hay.

Tapos biglang...

"Issay..." napaupo ako bigla ng mabanggit ko ang pangalan na yon ni Issay.
"Anong nangyayari sakin?" tanong ko bigla sa sarili ko.

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon