Issay

998 20 1
                                    


ISSAY'S POV

Nakababa na ako ng jeep kanina pa at eto naglalakad na pauwi ng bahay.

"Oh, ate Pat.. Kamusta po benta?" tanong ko kay ate Pat, ang kapitbahay naming nagtitinda ng barbecue.

"Ayos naman, Issay." sagot nito.

"Mabuti naman po.." sabi ko naman. Naglakad na ako ulit at nadaanan ko naman si Mang Jimmy.

"Mang Jimmy, kamusta po? Malakas po ba ang talyer?" tanong ko naman.

"Mejo mahina nga, Issay eh." sabi nito.

"Bakit nman po?"

"Hindi kasi kasgsagan ng siraan ngayon ng sasakyan kaya wala masyado nagpapagawa."

"Ayos lang po yon.. Malay nyo po may maligaw. Dito na po ako." paalam ko naman.

"Sige.."

Naglakad ba ulit ako at dumaan sa tindahan nila aling Ason.

"Aling Ason, magandang hapon po.. Pautang naman po ng corned beef." sabi ko.

"Utang na naman, Issay?"

"Sige na po.. Babayaran ko din po kayo mamaya pag uwi ko galing trabaho."

"Oh eto." abot nito.

"Salamat po." ngiting sabi ko naman dito.

Umalis na nga ako sa tindahan nila aling Ason at napadaan sa naglalarong si Manf Bert kasama ang mga batang maliliit. Nakikipag-agawan pa ito ng bola sa mga bata.

"Mang Bert.. Grabe naman po kayo. Tingnan nyo po yung height nyo sa mga bata oh?"

"Eh dinadaya kasi ako Issay eh." sabi naman nito.

"Hay nako.. Kayo talaga mang Bert.. kamusta po si nanay?" tanong ko. Sya kasi ng nagbantay kay nanay habang nasa eskwelahan ako dahil si Chikki ay nasa bar na.

"Ok na. Napainom ko na ng gamot." sagot nya.

"Ganon po ba? Salamat po ah?" sabi ko naman.

Umakyat na ako sa bahay namin.

"Nay..." tawag ko dito. "Andito na po ako." sabi ko at binaba ang gamit ko.

Lumabas naman ang nanay mula sa kwarto.

"Kamusta po ang pakiramdam nyo?" tanong ko.

"Ok naman na ako, anak."

"Kaya nyo po bang magluto?" tanong ko dito.

"Oo naman.." sagot nito. Pumunta ako sa kusina at nakita ko si Christian na nilalaro ang bola nya.

"Christian, nandito na ang ate." halik ko dito sa ulo. "Kamusta ka naman? Tingnan mo oh? May pasalubong ang ate.." sabi ko.

Pero hindi nya ako pinapansin. Ganyan naman ang kapatid ko eh. Special child kasi sya. Sya ang dahilan kung bakit SPED ang kinuha kong course. Gusto ko kasing mas maintindihan ko sya.

Hinalikan ko na lang sya ulit sa noo at iniwan sa tabi nya ang pasalubong kong chocolate.

Pumasok ako ng kwarto at binaba ang gamit ko tapos kinuha ang isang bag ko na mejo malaki. May trabaho kasi ako sa bar kaya after ng class ko ay dumidiretso ako agad sa trabaho ko. Doon na nga ako nagpapalit ng damit eh.

Baka naman may iniisip kayo ah? Hindi ako sumasayaw o nagpapatable sa bar. Waitress ako don.

"Nay, pasensya na po kayo ah? Nagmamadali po kasi ako. Kaya nyo na po ba talaga?" tanong ko.

"Oo naman anak. Walang problema sakin yun." sagot ni nanay.

"Salamat po. Heto po pala ang gamot nyo. Isang banig na po ito at eto naman po ang kay Christian. Dito na po ako." sabi ko naman. Hinalikan ko na muna si nanay sa pisngi tapos bumalik ulit kay Christian at hinalikan din sya sa ulo at lumabas na ng bahay.

Dumiretso na ako sa bar na pinagtatrabahuan ko.

- - - - - - - - - -

Vote.

Comment.

Sana po yung mga avid readers ko na nagbabasa ng All About Sex, itry nyo din pong basahin ang iba konf stories hehehe :) para naman po maiba naman ang mabasa nyo sakin hehehe :)

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon