The Invitation

337 11 0
                                    


JUSTIN'S POV

Oo.

Decided na ako.

Ititigil na namin ni Issay ang pagpapanggap namin.

Ayoko na.

Iba na kasi ang nararamdaman ko para sakanya.

Baka lumala pa.

Magkausap kami ng biglang magring ang phone ko.

Kinuha ko ito at tiningnan.

Calling...
Aya

Nakita din ni Issya.

Nagkatinginan pa kaming dalawa.

"Sagutin mo na. Baka importante yan." she said.

Tumingin muna ako sakanya bago sinagot ang tawag at...

"Yes?" tanong ko.

(Hey, Justin.. How are you?)

"Bat ka napatawag?" yun agad ang tanong ko.

(Oh? Eh bakit parang mainit ata ang ulo mo?)

"Hindi naman. Bad timing lang ang tawag mo." sabi ko.

(Ah.. I'm sorry but are you free this weekend? Eh nag aaya kasi sina Lyka na magbeach eh. So kung available ka, sama ka samin. Isama mo na din si Issay kung gusto mo.) sabi nya.

Napatingin naman ako kay Issay.

Nakatingin din sya sakin..

"Ahm.. Sorry, Aya ah, pero hindi kami pwede ni Issay." sabi ko naman.

(Huh? Eh bakit naman hindi pwede? Don't tell me your relationship is shaky?) sabi pa nya.

"Hindi. Bat naman kami magkakalabuan?" sabi ko naman dito habang nakatingin pa din kay Issay pero hindi naman nakatingin sakin.

(Then isama mo sya. You know, this will be so much fun! Oh sige ah? Dadaanan namin kayo sa bahay nyo tomorrow at 7am. Bye.) sabi pa ni Aya.

"Aya.. I told you hindi kami pwede." sabi ko.

Kaso wala ng nagsalita.

"Hello?.. Hello?" sabi ko.

Kaso wala na talaga.

Pinatay ko na at humarap kay Issay.

Nakatingin naman sakin si Issay at...

"Sige na sasama na ako sayo sa Sabado." she said.

Nagulat naman ako at natuwa pero hindi ko pinahalata.

"Talaga?" tanong ko.

Nagnod naman sya.

"Gagawin ko yon dahil hindi kailangan. Gagawin ko yon dahil gusto ko." sabi nyang nakangiti.

Napangiti din ako at...

"Salamat." sabi ko a hinawakan pa sya sa balikat. "Promise. Last na talaga to." I said.

Nagnod sya tapos tumalikod na.

Ang saya ko.

Ang saya ko talaga!

Makakasama ko pa sya for the last time.

ISSAY'S POV

Nagpaalam ako kay nanay na sasama ako sa swimming nila Justin at pumayag naman sya.

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon