Meet Her and Him

1.5K 27 3
                                    

"Magpapasa ka na ba ng thesis mo, Issay? Nako panigurado maa-approved agad yon." sabi ni Mia, classmate ko.

"Hindi pa, Mia. Hindi ko pa kasi tapos eh. Baka next week ko ipapasa kay Mrs. Sandel." sagot ko naman dito.

"Ah. Sana ma-approved agad para makagraduate ka na :)." sabi pa ni Mia.

"Sana :)."

Naglalakad na kami palabas ng school.

"Hindi ka ba sasama samin nila Kia?" tanong nito.

"Hindi muna. May sakit si nanay eh. Baka kung mapano pa yon. Oh may jeep na, tara sakay na tayo." sabi ko tapos pinara ang jeep at sumakay na.

JUSTIN'S POV

Nakapikit pa ako habang sarap na sarap sa pagtulog ng magring ang alarm clock ko.

"Ahhh!!" inis kong sigaw at kinapa ang alarm clock ko tapos tiningnan.

4:00 pm.

Pinatay ko at nagtalukbong ng kumot pero nagring naman ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Aya.

Sinagot ko ito.

"Aya..."

( "Justin, we have things to discuss. Nasan ka na ba?" )

"Ahm, I'm on my way. Just wait for me." sagot ko.

( "Ok. Bilisan mo." )

Then she ended the call.

Ahh!

No choice kundi bumangon na. Nag-ayos at naligo na tapos inayos ang motor at umalis na para pumunta kanila Aya.

Nakarating na ako kanila Aya ng nakamotor. Nakita ko naman sya habang kinakausap ang mga maids nya.

"Aya.." tawag ko dito habang inaayos ang pagpapark sa motor ko.

"Justin, what are you wearing? Alam mo namang pupunta tayo ng recital diba?" sabi nito.

Lumapit naman ako sakanya at---

"Hmmm.. Ang bango mo ah?" sabi ko habang inaamoy sya. "At ang sexy mo pa." sabi ko sabay hawak sa pwet nya.

Sinaway naman nya yung kamay ko at, "Ano ba? Manong, pakiready po ang kotse." baling nito kay Manong.

"Huh? Bakit kotse?" tanong ko dito.

"Justin, recital ang pupuntahan natin. Do you think mapapasakay mo ako jan sa motor mo? Hello?!" sabi nito sabay, "Manang, pakiready po ang suit ni kuya." sabi nito sabay talikod.

"Aya, ang kati non!" sabi ko pero...

"Bilisan mong magpalit." sabi nito sabay pasok. Sumunod naman na ako sakanya para magpalit.

- - - - - -

Nasa isang restaurant na kami at kasama ko si Aya habang inaayos ko ang suit ng kuya nyang pinasuot sakin.

I really don't like suit!

"Oh, hi Aya, you look very beautiful today. And Justin, that one is fit for you. You look good ah?" sabi nito.

"Ehe :)." tawa kong plastik. Ayoko kasi sa mga kaibigan ni Aya. Hindi ako enjoy kapag kasama sila.

"I know, Aian, right?" sagot lang ni Aya.

Pumasok na nga kami sa loob at naupo na. Andami naman ng tao at may mga kakilala si Aya na hindi ko naman kilala. She's keep on greeting people na hindi ko naman talaga kilala.

Nakaupo na kami at nanonood ng nagba-ballet. Boring! Sabi ko kaya naman dahan-dahan kong dinukot sa suot kong suit ang PSP ko hehehe.. Off course, ready ako esp. alam ko namang boring talaga ang pupuntahan ko hehehe :).

Patago kong nilaro ang Tekken 3 sa PSP ko habang nanonood si Aya ng nagba-ballet.

Sa sobrang focus ko sa paglalaro ko ay napasigaw ako ng... "Yes! Yes!" sabi ko na kinatingin ni Aya at kinatingin ko din naman sakanya. Dahan-dahan ko namang nilingon ang mga tao sa paligid at nakatingin sila sakin. Dahan-dahan ko namang tinago ang PSP ko sa suit ko at---

"Yes! Ang galing mo.. Ang galing mo.." palakpak kong sabi don sa nagbaballet.

Sinita naman ako ni Aya habang pinipigilan ang pagpalakpak ko.

Umayos naman ako ng upo at dahan-dahan ko na namang kinuha ang PSP ko para maglaro na naman sana ulit kaso kinuha ni Aya at hinawakan na.

Awts... Badtrip!

Wala na akong nagawa kundi manood ng nagbaballet.. Haist...

Ayoko talaga ng ganito..

- - - - - - - - -

Vote.

Comment.

Hindi ko pa tapos yung iba pero may bago na naman hehehe :) Gumagana kasi utak ko eh hehehe :) Don't worry, UD ko din yung iba kong story :)

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon