The Truth III

274 5 0
                                    


JUSTIN'S POV

"Justin, what's happening with you? You've been so distant this past few days." Sabi ni Aya.

"Aya.. I'm sorry." sabi ko. Hinawakan ko pa sya sa kamay.

I want to tell her something is not good about me. Something is wrong.

"Huh? Why? What's wrong?" tanong naan ni Aya. Halatang naguguluhan.

Sasagot pa sana ako ng...

"Justin!" napatingin kami ng sabay ni Aya sa tumawag sakin.

"Nick.." sambit ko tapos...

"Ah!" he punched me.

Nalaglag ako sa pool.

"Nick, ano ba? Ano bang problema mo? sabi ni Aya.

"Tarantado ka, Justin! Ang dami mo pang pinagsasabi eh. Respeto? Respeto, loko ka! Pati girlfriend ko ginoodtime mo! Ano pang mga pinaggagagawa nya nung wala ako huh?!" galit na galit si Nick.

Oo alam kong mali.

Mali talaga yung ginawa ko pero andito na eh.

At kelangan na ding malaman ni Nick lalo na ni Aya ang dapat malaman.

"Mahal na mahal ko si Issay." I said it.

Napatingin ako kay Aya.

Nagulat sya.

Napatingin din si Aya sakin at pati si Nick tumingin din sakanya.

"Alam mo Justin g*g* ka eh! Pare tinrato kita na parang kapatid! G*g* ka!" sabi ni Nick sabay alis.

Nakatingin lang sakin si Aya.

Ang sama ng tingin nya at halatang nasaltan sa mga sinabi ko.

Totoo naman kasi. Ayoko ng magkunwari.

Mahal ko talaga si Issay!

Umalis na din si Aya.

Tinulungan ako nila Lloya na umahon sa pool at binigyan pa ng towel.

Tapos mabilis na umalis. Inayos ko lang ang sarili ko at pumunta ng parking lot para sa motor ko.

"Pare.. Bat ganon na lang yung reaction ni Nick sa video?" sunod sakin ni Lloyd. Tanong nya habang papasakay ako sa motor ko. Napahinto pa ako at...

"Anong video?" tanong ko.

"Naalala mo nung stag party ko? Kinunan ka ni Mark ng video? Eh ayon pinakita nya kay Nick." sabi ni Lloyd sakin.

Nagtaka naman ako.

Ano nga ba ang meron sa video na yun na kinagalit ni Nick?

Napaisip tuloy ako at...

Dammit! sabi ko bigla.

Hinagis ko ang towel kay Lloyd at...

"Si Issay! Baka puntahan nya." sabi ko tapos in-start ang motor.

"Pare, teka, sino ba si Issay?" hindi ko na nasagot pa ang tanong ni Lloyd dahil pinaandar ko na ang motor ko at umalis na.

Kelangan kong mapuntahan si Issay.

ISSAY'S POV

Maaga akong nag out sa club para may oras pa ako sa kapatid ko. At hindi ko inaasahan ang madadatnan kong bisita.

"Nay, andito na po ako." sabi ko at nakita ko si Nick.

"Nak, andito boyfriend mo oh." sabi ni nanay.

"Nick.. Andito ka pala.. Kanina ka pa ba? Sorry hindi ko nasagot mga tawag mo ah? Naglobat kasi ang cellphone ko." sabi ko.

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong nya.

"Oo naman halika.." aya ko sakanya kaso hinawakan nya ang braso ko at hinila ako palabas.

"Sa baba.." sabi pa nya.

"Aray ko, Nick. Nasasaktan ako." sabi ko habang pababa ng hagdan.

"Anong ginawa nyo ni Justin nung wala ako?" tanong nya.

"Nick sandali lang.. Ano bang problema?" binitawan naman nya ang braso ko.

"Pano nyo ba nagawa sakin to huh? Pokpok ka ba huh? Pokpok!?" sabi nya na dahilan para sampalin ko sya!

"Nick!" napatingin kami pareho ni Nick sa dumating.

Si Justin.

"Nick, tama na." sabi ni Justin.

"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa dito huh, Justin?! Kayo! Bakit nyo ba ako ginag*g*?!" sabi ni Nick.

Nagtataas na sya ng boses.

"Nick, wag sya ang sisihin mo! Ako ang may kasalanan ng lahat." sabi ni Justin.

Magkakaharap na kaming tatlo.

"Tumahimik ka nga pare! Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang bumastos sa girlfriend ko? Eh magkano ba ang binabayad mo dito huh?" sabi ni Nick na naglabas pa ng pera kaya naman...

"Walang hiya ka!!" sinuntok sya ni Justin.

Tumalsik si Nick sa kabila.

"Tama na!" awat ko kay Justin.

"Ano ba yan? Itigil nyo na yan!" napababa ng hagdan si nanay. Lumapit ako kay nanay.

Bumangon si Nick at lumapit kay Justin.

Hiawakan nya ang kwelyo ni Justin at hinawakan din sya ni Justin sa kwelyo nito.

"Nick, itigil na natin to!" sabi ni Justin kay Nick.

Pero sinuntok sya ni Nick na naging dahilan para si Justin naman ang mapatumba sa kabilang side.

Susugod pa sana si Nick pero hinarang ko na sya at tinulak.

"Napakawalang hiya mo talaga, Justin!" sabi nito.

"Tama na, ano ba? Wag mo ng saktan si Justin." sabi ko.

Alam ko nagtaka at nagulat si Nick sa ginawa ko.

"Teka... Mahal mo din sya?" tanong ni Nick na kinatigil ko sa pagsasalita. "Mahal mo din si Justin? Eh hindi naman pwedeng dalawa kaming mahal mo!" sabi pa nya.

Napapailing naman ako.

No! Hindi pwede to.. sabi ko sa utak ko.

"Sabihin mo sakin kung sino samin ang mas mahal mo!" sabi ni Nick.

Umiiling ako.

Hindi pwedeng malaman nya na mahal ko na ai Justin.

At mas lalong hindi pwedeng malaman ni Justin na mahal ko na din sya.

"Sya o ako? Sino mas mahal mo?! Sabihin mo sino mas mahal mo!" tanong nyang pasigaw sakin na naging dahilan para sumagot ako ng....

"Si Justin!" pasigaw din.

Napatigil sya sa pagsasalita at pati ako ay nabigla din sa sinabi ko.

Oh no!

Umalis si Nick.

Saka lang ako nahimasmasan ng biglang magsalita si nanay sa mga kapitbahay namin.

"Oh magsiuwi na kayo! Tapos na ang palabas. Mga tsismosa!" sabi ni nanay at umakyat na.

Naiwan kami ni Justin na nasa labas.

- - - - - - - - - -

Vote.

Comment.

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon