The Stag Party 1

733 19 2
                                    

ISSAY'S POV

"Ano Issay? Ready ka na ba para mamaya sa raket natin?" tanong sakin ni Chikki.

Nasa loob kami ng dressing room nyan.

"Oo. Pinag-isipan ko na to ng isang daan at isang libo hehehe :)" ngiti ko dito.

"Buti naman. Hindi ka magsisisi friend. Malaki talaga kita dito." sabi nya.

"Basta Chikki siguraduhin mo lang na walang hipo ah? Nako talagang magkakagulo kapag nahipuan ako." paalala ko sakanya.

"Oo nga. Wag kang mag-alala. Wala talagang hipo." sabi nya.

"Maganda kung ganon." sabi ko naman.

Nagtrabaho muna kami bago kami umuwi sa bahay nila Belle para don mag-ayos ng sarili at syempre para don na din mag-ayos ng mga props namin.

"Para san ba tong malaking gift na to? Eh kasya na ako dito sa loob nito eh." sabi ko habang tinutulungan sina Belle at Chikki na mag-ayos ng karton ng regalong malaki na ginagawa namin.

"Kasya ka talaga jan, Issay." sabi sakin ni Chikki.

"Oo, malamang. Ang laki nito eh." sabi ko.

"Oo. Nilakihan talaga namin para magkasya ka." sabi ni Belle.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanila.

"Ano? Pakiulit nga." sabi ko.

Nagkatinginan naman yung dalawa tapos nagtawanan.

"Ahahaha :()" tawa nila.

"Chikki, Belle.. Ano nakakatawa? Nako. Ako wag nyo niloloko ah? Magbaback out ako?!" sabi ko.

"Easy ka lang, Issay. Oo para sayo talaga yan." sabi ni Belle.

"Jan ka lalabas mamaya. Ikaw nga ang main event diba?" sabi ni Chikki.

"Teka, wala naman sa usapan yan ah? Sabi nyo sasayaw lang ako."

"Oo nga. Sasayaw ka lang naman ah? Wala ka namang ibang gagawin kundi sasayaw lang eh." sabi ni Chikki.

"Eh bakit may ganyan pa?" tanong ko naman.

"Syempre, props. Ano ka ba?" sabi pa din ni Chikki.

Ang dami munang pagtatalo at pagpapaliwanag para lang mapapayag nila ako. At nanalo naman sila dahil napapayag nila ako.

"Oo na nga. Basta walang hipo. Sasayaw lang ako mamaya ah?" paalala ko sakanila.

"Oo nga." sagot nila pareho.

Ok! Aja!

JUSTIN'S POV

"Woooh!!!" sigaw ko.

"Andito na si Justin!!" sigaw naman ni Mark.

"Ahahaha :() Muntik ko na ngang makalimutan pare eh." sabi ko.

"Buti pumayag si Aya?" si Lloyd.

"Kilala mo ko pare? Walang makakapigil sakin." sabi ko sabay kuha ng alak at lagok.

"Oo nga naman. Si Justin to eh." biglang lapit ni Luke samin.

"Oi Luke pare.. Condolence! Hahahaha :()" tawa ko sakanya sabay yakap.

"Ahehe :) Salamat pare." sabi naman nya.

"Talagang magpapatali ka na nga. Wala na bang makakapigil sayo?" tanong ko.

Umiling sya.

"Jane is the one na pare." sabi nitong nakangiti.

"Wooooh!! Yun yun eh." asar naman namin nila Lloyd at Mark.

"Pag once naman na nakita mo na ang para sayo, mafifeel mo na lang pare." dagdag pa nito.

"Nako Luke. Hindi na ikaw yan pare hahaha :()" tawa namin.

Ganyan kami kakulit habang hinihintay ang mga babae hahaha :() :().

"Wala pa ba ang mga chikkas natin, pare?" tanong ko habang umiinom.

"Antagal nga eh." sabi naman ni Lloyd.

"Nakakainip na ah?" si Mark naman.

"Oh mga pre, ok pa ba kayo jan?" tanong ko sa iba pa naming mga katropa.

Itinaas lang nila ang hawak-hawak nilang alak at saka nagnod sign na ok lang sila.

Tapos....

"Ding.... Dong...." narinig naming tumunog ang doorbell kaya naman napatingin kami lahat sa pintuan.

"Eto naaaa..." sabi namin nila Mark at Lloyd.

Tumungo naman si Lloyd sa may pintuan at sinilip.

"Eto na nga....!" sabi ni Lloyd na naeexcite na.

- - - - - - - - - - - - -

Vote.

Comment.

Wala pong mawawala sa pagcocomment hehehe :()

It's Just only a DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon