PROLOGO ✝

212 41 31
                                    

PROLOGO

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

THIRD PERSON‘S POV

MADILIM na ang buong paligid at tahimik na. Tanging mga tunog na lamang ng mga hayop sa gabi ang maririnig sa kabuuan ng lugar. Sa may hindi kalayuan, isang babae ang nakatayo ang matatanaw. Kung iyong pagmamasdan sa madilim na parte, ang maiisip mo lamang ay tila normal itong nakatayo, ngunit kung iyong lalapitan, doon mo lang malalaman na nakabitin na pala ito. Sa kaniyang tabi, isang pigura ng babae ang nakatayo, may hawak itong isang matulis na kutsilyo na ngayo‘y napupuno ng mapupulang likido ng dugo. Mariing nakatingin sa nakabitin na bangkay.

“Bagay lamang iyan sa ‘yo!” mahihimigan mo ang galit sa boses ng babae. Mariing pinakatitigan ang wala ng buhay na babaeng nasa kaniyang harapan. Matagal na niya itong plano, matagal na niya itong gustong gawin, kaya ng makahanap siya ng pagkakataon ay hindi na niya ito pinalagpas pa. Sa iisiping, nararapat lamang iyon sa kanilang lahat. Na nararapat lamang sa kanila ang kaniyang ginawa.

Matagal na rin siyang naghirap, matagal na siyang nagtiis at nagtago sa dilim dahil sa takot na namumuo sa kaniyang buong sistema noon, pero natuto na siya. Maghihiganti na siya!

Nilapitan niya ang babae, pinaharap ang mukha nito sa kaniya.

“Iisa-isahin ko kayong lahat!” aniya rito at nilisan ang lugar.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

“SINO ka? Anong kailangan mo sa amin?” sigaw ng babae, nangangatog ang mga tuhod nito dahil sa kaniyang nararamdamang takot. Nasa kaniyang harapan ang isang babaeng may hawak-hawak na kutsliyong napupuno ng pulang likodo. At ang mga pulang likidong iyon ay galing mismo sa kaniyang mga kasamahan. Para siyang tuod ngayong hindi makagawang gumalaw dahil sa halo-halong emosiyong kaniyang nararamdaman.

Pilit niyang ginagalaw ang kaniyang mga paa ngunit parang may sarili itong mga buhay at nanatili lamang sa kaniyang pwesto. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang tumakbo pero hindi niya ito magawa. Punong-puno ng pag-iisip ang kaniyang utak sa pagkakataong ito.

Nakita niyang humakbang papalit sa kaniya ang babae kaya mas lalong nangatog ang kaniyang mga tuhod, mas lalong kumabog ang kaniyang dibdib. Pakiwari niya‘y ito na ang kaniyang magiging katapusan. Wala siyang mahingian ng tulong, wala siyang magawa. Natatakot na siya.

“Ano ba talagang kailangan mo sa amin? Sino ka ba talaga? At bakit mo ito ginagawa?” tatlong magkakasunod na mga tanong ang kaniyang binitawan sa babaeng kaniyang kaharap ngayon. Sa halip na ito‘y sumagot, isang nakakalokong pagtawa lamang ang kaniyang narinig at natanggap mula sa babae.

Love, Antonette (Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon