SYETE ✝

47 20 8
                                    

SYETE

“Night and Death”

“Night and Death”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

“KUMUSTA na si Mazy? Maayos na ba siya?” iyon ang kaagad na naitanong ni Jex ng makitang lumabas sina Sammy at Maria sa kanilang kwarto. Halata pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hindi mapigilang isipin ang nangyari kay Mazy.

“Maayos na siya. Mahimbing ng natutulog,” tugon sa kaniya ni Sammy. Nakatuon ang mga tingin sa ibaba. Tahimik lamang ang ilan sa kanila. Walang kumikibo.

Nasa magkabilang sulok naman sina Jex at Justin. Kanina pa masamang tiningnan ang isa‘t-isa. Kung wala lang sigurong ibang tao silang kasama, marahil ay kanina pa sila nag-upakang dalawa.

Galit silang dalawa sa isa‘t-isa. Galit sila sa mga sarili nila dahil hinayaan lamang nilang lumabas ng nag-iisa si Mazy. Kung sana‘y may ginawa sila para pigilan ito, hindi na sana nangyari pa ang dapat na mangyari ngayon. Pero wala na silang mababago pa roon. Nangyari na.

Nakita nilang tumayo si Sky. “Bumalik na tayo sa mga kwarto natin, bukas na ulit tayo mag-usap-usap. Magpahinga na muna tayong lahat at ng mahimasmasan tayo sa nangyari,” bigla ay sabi ni Sky sa lahat. Wala ng nag-abala pang magsalita. Isa-isa silang nagsitayuan at tinungo ang kanilang mga kwarto.

“Jex, hindi ka pa ba matutulog?” kaagad na tinanong ni Sammy ang kaibigang si Jex na hindi man lang tumayo at nanatili sa kaniyang inuupuan.

Nag-angat ito ng tingin sa kaibigan. “Dito nalang muna ako sa sala matutulog,” aniya rito.

“Sigurado ka? Baka lamigin ka diyan mamaya.”

“Don‘t worry about me Sammy. Okay lang ako, pasok ka na sa kwarto ninyo. Matulog ka na rin.”

Napatango-tango nalang siya sa sinabi ni Jex at agad na nagtungo sa kwarto nila. Alam niyang wala na siyang magagawa pa upang kumbinsihin ang kaibigan na pumasok ito sa kwarto nila, kilala niya si Jex. Maninindigan ito sa kung anong sasabihin niya.

Nang nasa harap na siya ng pinto, muli niyang nilingon ang kaibigan, nakitang nakadungo lamang ito. Papasok na sana siya, nang iangat niya ang kaniyang tingin, bigla na lamang nanlaki ang kaniyang mga mata sa kaniyang nakita.

Isang bulto ng babae ang kaniyang nakita, nakatayo sa may gilid ni Jex. Pulos itim ang kasuotan nito at napapalibutan ng mapupulang dugo ang kaniyang buong damit at mga kamay.

Pansamantalang napako si Sammy sa kaniyang kinanatayuan, nagpabalik-balik ang tingin sa kaibigan at sa babae. Dahil sa kalituhan, kinusot niya ang kaniyang mga mata. Nang ituon niyang muli ang tingin sa kaibigan, wala na ang babaeng nakita niya. Napalingo-lingo na lamang siya rito. Nagtaka sa kaniyang nakita.

Love, Antonette (Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon