ONSE (PART II) ✝

27 20 3
                                    

ONSE (PART II) ✝

“Death in Between”

“Death in Between”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

2 HOURS PASSED. . .

WALANG tigil sa pagtakbo sina Mikee, Mazy at Justin. Kanina pa sila tumatakbo at hindi nila alam kung nasaan na sila. Tanging mga matataas na puno ng kahoy lang ang makikita nila sa paligid sa tulong na rin ng maliwanag na ilaw ng malaking buwan. Today’s full moon kaya maliwanag ang kapaligiran. Ngunit sa likod ng maliwanag na gabi, isang nakakagimbal na pangyayari naman ang kanilang nararanasan ngayon. Being chased by a killer and the death itself is crazy. Walang sino man ang may gusto ng ganitong klase na pangyayari. No one would ever dare to experience such thing. Malas lang nilang lahat dahil napunta sila sa ganitong sitwasiyon.

“Pwede bang magpahinga na muna tayo saglit?” bulalas sa kanila ni Mazy na halatang pagod na pagod na sa kakatakbo.

“If you want to die magpahinga ka diyan,” asik sa kaniya ni Justin. “Wala ng oras para magpahinga pa tayo Mazy. May isang taong gusto tayong patayan at hindi natin alam kung nasaan na siya.”

Hindi na nakapalag pa si Mazy at nagpatuloy na sila sa pagtakbo, hindi alam kung saan sila tutungo. Habang tumatakbo sila, panay naman ang reklamo ni Mazy na kesyo napapagod na siya, na masakit na ang mga paa niya at hindi niya na raw kaya pa.

“Bilisan mo riyan Mazy,” tawag sa kaniya ni Mikee dahil nahuhuli na siya sa dalawa. Mababakas na sa mukha niya at maging sa buong sarili niya ang labis na pagod. Kanina pa sila walang tigil sa pagtakbo kaya ganoon na lamang ang pagod na nararamdaman niya. Isa pa, hindi rin siya sanay sa ganito.

“Guys hindi ko na talaga ka—“ bigla silang napatigil nang mapansing hindi natapos ni Mazy ang kaniyang sasabihin. “Guys help me.” Nang lingunin nila ito, nakadapa na ito sa may lupa. Makikita mo ang pagod sa mukha at maging sa buong katawan niya. Pagod na siya. Halos hindi na ito makatayo gawa na rin ng kapaguran.

Akmang lalapitan na sana nila ito nang makita nila kung anong nasa likuran ni Mazy. Nasa likod niya ang killer.  Dahan-dahan silang napaatras na siyang ipinagtaka ni Mazy.

“Anong ginagawa ninyo? Hindi niyo ba ako tutulungan dito?” sigaw nito sa dalawa.

“I’m sorry Mazy,” bulalas ni Justin dito.

Nakataas ang mga kamay ni Mazy at patuloy na humihingi ng tulong sa dalawa niyang mga kaibigan ngunit patuloy itong umaatras papalayo. Nang lingunin niya ang kaniyang likuran, doon niya lamang napagtanto ang lahat. Nasa likod niya na ang killer. She was too late.

Patuloy lamang siya sa pagsisisigaw, sinasambit ang pangalan ng dalawa niyang kaibigan upang tulungan siya. Sa mga oras na iyon, napagtanto na ni Mazy kung anong mangyayari sa kaniya. Wala na siyang takas pa. Wala na siyang magagawa pa at pamimiliang bagay upang makatakasan ito.

Love, Antonette (Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon