SAIS ✝

46 22 1
                                    

SAIS

“It All started that Night”

“It All started that Night”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

TWO DAYS AFTER: TUESDAY

IT has been two days since everyone saw the mysterious letter. As usual, all of them were in shock mode and don‘t know where it came from. Isang malaking katanungan at pala-isipan pa rin sa kanilang lahat ang sulat na iyon. Ang mensaheng nakalagay sa mismong sulat na kanilang nakita nitong nagdaang araw lang.

Abala ang lahat, nilinis nila ang buong kabahayan dahil masiyado na itong maalikabok. Ang iba sa kanila, nasa sala naglilinis, ang iba naman ay nasa kanilang mga kwarto at inayos ang mga gamit nilang lahat. Nagtulungan silang lahat kaya mas lalong napadali ang kanilang gawain.

“Magpahinga na muna kayo riyan. Ito ginawan namin kayo ng makakain,” anang Sammy sa mga kaibigang patuloy pa rin sa kanilang mga ginagawa. Kakatapos lang nilang maglinis sa kusina, kasama niya si Anna roon at napag-isipan nilang paghandaan ng makakain ang mga kaibigan.

“O tamang-tama at kanina pa kumakalam itong tiyan ko,” untag naman ni Jex at agad na tinungo ang center table sa sala kung saan inilapag ni Sammy ang dala niyang egg sandwich at orange juice.

Sumunod naman sa kaniya ang mga kaibigan at umupo muna ang lahat habang abalang kumakain. Bakas ang pawis sa mga sarili nila, ang pagod at maging ang gutom. Hindi sila masiyadong sanay sa mga ganitong klaseng gawain dahil anak mayayaman ang lahat sa kanila. Napilitan lamang silang maglinis dahil wala namang ibang gagawa. Besides, wala rin naman silang ibang ginagawa kaya napag-isip-isip nilang linisin man lang ang buong kabahayan.

“Malapit na ba kayong matapos?” naitanong sa kanila ni Sammy.

Napatingin naman sa kaniya si Mazy.

“Konti nalang at matatapos na rin kami rito. Aayusin nalang namin iyong mga kurtina at itong mga upuan,” tugon pa nito sa naging katanungan ng kaibigan.

“Sige, hindi ko na muna kayo aabalahin diyan. Magluluto nalang kami ng pananghalian nating lahat.” Umalis na si Sammy sa sala at muling tumungo sa may kusina. Inabutan niya roon si Anna na nagliligpit ng mga pinaglinisan nilang mga pinggan kanina.

“May pagkain pa ba tayo sa ref?” bigla ay naitanong niya kay Anna. Napatingin ito sa kaniya, nilapitan ang ref at binuksan iyon.

“Meron pa namang karne at mga gulay dito.” Muling bumalik si Anna sa kaniyang ginagawa.

Tinungo naman ni Sammy ang ref at inilabas ang ilan sa mga gulay at ang karne na kaniyang lulutuin para sa kanilang pananghaliang lahat.

Love, Antonette (Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon