DYES ✝

38 20 3
                                    

DYES

“One After the Other”

“One After the Other”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

DALA-DALA pa rin ng lahat ang labis na kalituhan sa huling sinabi ni Mazy bago ito mawalan ng malay. Hindi nila alam kung sino ang tinutukoy nito. Everyone was left clueless. Nagtipon-tipon silang lahat ngayon sa may kusina habang walang tigil na pinag-uusapan ang nangyari sa kanilang kaibigan.

“May ideya ba kayo sa kung sino ang tinutukoy ni Mazy?” naitanong pa ni Justin sa kaniyang mga kasamahan. “Hindi kaya si Jex ang tinutukoy niya?” dagdag niya. Akala niya ay matatawa ang mga kaibigan niya sa kaniyang sinabi ngunit kabaliktaran nito. Kaagad siyang nag peace sign sa lahat.

“Ikaw talaga kahit kailan ang hilig mong magbiro. Sige ka, baka multuhin ka ni Jex at dinamay mo pa siya,” anang Levi sa kaniya na agad naman niyang sinamaan ng tingin. Nangungulila pa rin ang bawat isa sa kanila sa biglaang pagkawala ni Jex ngunit pinipilit na nilang tanggapin ang mga pangyayari. Ika nga, everything happens for a reason.

“Tanging si Mazy lang ang makakasagot ng mga katanungan nating lahat. Let’s just wait for her to wake up,” sabi naman sa kanila ni Sky. Wala ang mga tingin nito sa kanila ngunit nasa malayo. Tila ang daming bumabagabag sa kaniyang isipan ngayon. Ang dami nilang mga katanungan pero hindi nila alam kung saan makukuha ang mga kasagutan.

Nanatili lamang silang nakaupo at tahimik na nagmamasid sa paligid-ligid. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin sila dinadatnan ng antok lahat, hinihintay pa rin nilang magising ang kaibigang si Mazy. Tingin doon, tingin ditto, ang lahat sa kanila ay hindi mapakali sa dami ng mga iisiping nakaukupado ngayon sa kaniya-kaniya nilang mga utak. Lahat ay naguguluhan na.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

ALAS-DOSE na ng madaling araw at tahimik ng natutulog ang lahat sa kanila. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang ulirat ni Mazy magmula ng mawalan siya ng malay ilang oras na ang nakakalipas. Ang lahat ay tulog na, tanging ang mga hayop na lamang sa kabuuan ng lugar ang maririnig sa bayan.

Sa may hindi kalayuan, isang pigura ng tao ang maaninag na nakatayo. Mariing pinagmamasdan ang malaking bahay. Ilang saglit lang, sumilay ang nakakalokong mga ngiti sa kaniyang mukha, tila isang pag-iisip ang kaniyang nabuo sa kaniyang utak.

“Ngayong gabing ito, mararamdaman nilang muli ang pagbabalik ko!” aniya habang hindi matanggal-tanggal ang mga mata sa malaking bahay. “Sisiguraduhin kong matitikman nila ang lupit ng aking paghihiganti,” dagdag niya at muling nag-iba ang ekspresiyon ng kaniyang mukha. Kung kanina’y nakangisi ito, ngayon naman ay sumilay ang galit nitong awra.

Sa kabilang banda, isang malakas na awol ng aso ang nagpagising kay Stacy. Nagpalinga-linga siya ng tingin sa kaniyang paligid at napansing wala si Maria sa kaniyang hinihigaan. Hindi niya naman iyon inisip pa. Matutulog na sana siyang muli ngunit naiihi na siya kaya kaagad naman itong lumabas ng kanilang silid. Pagkalabas niya, nayakap na lamang niya ang kaniyang sarili ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa labas. Dahan-dahan niyang inaapak ang kaniyang mga paa sa sahig upang hindi niya magising ang kaniyang mga kaibigan. Nang marating ang banyo, dali-dali siyang pumasok dito. Habang seryosong umiihi si Stacy, isang pagsitsit ang kaniyang narinig kaya agad siyang napalingon sa buong paligid. Nagtataka man ay binalewala niya lamang iyon.

Love, Antonette (Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon