TRES ✝

64 25 13
                                    

TRES

“What‘s Happening?”

“What‘s Happening?”

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ♡ﮩ٨ـﮩﮩ٨ـ

SATURDAY MORNING

“KAMUSTA ka na? Okay ka na ba?” bungad na tanong ni Sammy sa kaibigang si Mazy na tila ang lalim ng iniisip. Kanina pa nasa malayo ang mga tingin niya. Nanatili silang nasa loob ng kanilang kwarto. Umayos nang posisyon si Mazy, nakaupo na ito sa ngayon at pinagmamasdan ang kaniyang mga kaibigan.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga.

“Naniniwala naman kayo sa sinabi ko sa inyo kagabi hindi ba?” She suddenly asked her friends that question out of the blue. She intently look at each of them—waiting for their responses. Pero wala siyang narinig na sagot mula sa isa sa kanila.

Namayani ang panandaliang katahimikan sa loob ng kanilang silid. Pinagmamasdan ang isa‘t-isa.

Narinig nilang muli ang malalim na pagbuntong-hininga ni Mazy kaya doon napukol ang mga tingin nila. Napatayo itong nagtungo sa may bintana.

“Hindi ba kayo naniniwala sa akin? Sa tingin niyo ba ay gawa-gawa ko lang ang bagay na iyon kagabi?” as she uttered those words, ramdam mo ang bigat dito. Pilit niyang pinapaliwanag sa mga ito ang nangyari kagabi sapagkat tila hindi siya pinaniniwalaan ng mga ‘to.

“Hindi naman sa gano‘n Mazy. We believe you. Naniniwala kami, sadyang. . .” ni hindi na nagawa pang tapusin ni Sammy ang kaniya sanang sasabihin ng bigla siyang singitan ni Mazy.

“Na sadiyang mahirap lang paniwalaan kasi hindi niyo naman nakita? Tama ba ako? Hindi kayo niniwala sa sinasabi ko kasi hindi niyo naman nakita kung ano ‘yong nakita ko kagabi. Hindi ba‘t tama ako?” gagad niya sa mga ito na kaagad nag-iwas ng mga tingin sa kaniya.

Without any hesitation, Sammy stood up and draw near to her. Then, Sammy suddenly held her hands, look at her seriously in the eye.

“It‘s not that we do not believe you. Huwag mo lang munang pangunahan ang sitwasiyon. Baka namamalikmata ka lang kagabi dahil na rin sa takot na naramdaman mo,” paliwanag pa sa kaniya ni Sammy. “Naiintindihan mo naman ako ‘di ba?” Napatango naman sa kaniya si Mazy bilang pagsangguni sa kaniyang sinabi.

“Yeah, tama si Sammy. Hindi ka pa naman sigurado kung tao nga iyong nakita mo Mazy. There‘s a possibility na baka puno lamang iyon. Hindi ba sabi mo madilim na masiyado kagabi sa labas dahil na rin walang ilaw?” Napatango itong muli. “Maybe your just hallucinating things Mazy,” dagdag namang paliwanag sa kaniya ni Stacy. “At kung tama man ang hinala mong tao nga iyon, baka napadaan lang ‘yon or maybe taga rito din siya.” Tahimik lamang na nakikinig si Mazy sa kaibigan.

Love, Antonette (Completed√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon